Share

96 (Unedited)

Agad napalingon si Nanay Myrna saakin. Nakitaan ko siya nang bahagyang gulat nang makita ako. Pero nang makabawi, nag-aalala itong lumapit saakin.

"Hija, saan ka ba nanggaling?"

Napakurap ako, "Sa kwarto po ni Aki."

"Bakit ka pumasok duon? Sabi ko sa'yo kalimutan mo na si Aki."

Lumunok ako para mawala ang nakabarang bukol sa lalamunan ko sa pagbabadyang pag-iyak dahil sa sinabi ni Nanay Myrna.

"Hindi naman ganun kadaling kalimutan si Aki, 'Nay. At bakit ko siya kakalimutan? Anak ko po 'yon. Kahit wala na po siya, habang buhay siyang mananatili sa puso't isip ko."

Umiling si Nanay Myrna saka pinalis ang isang butil ng luhang lumandas sa pisngi ko, "Hindi, hija. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang hindi ko lang gusto mangyari ay baka ma-depress ka na naman kapag patuloy kang lalabas-masok sa kwarto niya lalo na't hindi ka pa maayos sa pagkawala niya."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Nanay Myrna. Dahil naalala ko ang nangyari noong huli akong na-depress sa pagkawala ni Aki.

Ipinilig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status