Share

Chapter 25

"Lily!"

Parang kulog ang boses na umalingaw-ngaw sa loob ng hotel room ni Mr. Reyes doon. Gulat pa ako lalo na nang bumukas ang pintuan. Galing sa pag-inda ko sa sakit na natamo ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang pumasok doon.

Tuluyan itong nakapasok doon at mabilis na naglakad palapit sa amin. Isang kurap ko lang ay tumilapon na si Mr. Reyes dahilan nang mas lalong paglaki ng mga mata ko. Wala pang ilang segundo ang lumipas ay nakahandusay na si Mr. Reyes at may bakas na rin ng dugo sa mukha niya.

Nang tuluyan akong nakahugot muli ng lakas ay napatayo ako.

"Cristiano!" sigaw ko at agad na lumapit sa kaniya.

Hindi niya tinigilan na suntukin si Mr. Reyes sa mukha kaya naman labis na lang ang takot at pag-aalala ko dahil baka kung ano pa ang magawa ni Cristiano kay Mr. Reyes.

"Stop!" pigil ko sa kaniya.

Hinawakan ko ang braso ni Cristiano para patigilin siya at buong pwersa ko siyang inilayo roon. Mabilis ang paghinga niya at kita ko 'yon sa pagtaas at baba ng dibdi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status