Share

Chapter 26

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing 'yon. Ang tanging naaalala ko lang ay nakatulog ako sa sofa habang binabantayan ako ng mga kaibigan ko. Pagkagising ko naman ay nasa kama na ako sa kwarto ko. Napalitan na rin ako ng damit at hula ko ay si Ate Sabrina ang gumawa no'n para sa akin.

Gumalaw ako sa kama para makabangon na pero napadaing ako nang maramdaman ang sakit sa katawan. Pakiramdam ko ay para akong nabugbog at hindi naman 'yon nalalayo sa nangyari sa akin kagabi dahil sa ginawa ni Mr. Reyes. Wala na akong takot na nararamdaman ngayon pero hindi pa ako sigurado kung tuluyan na nga bang nawala ang trauma sa akin.

Pinilit kong bumangon sa kama ko at naligo ako kaagad. Nagbabad ako sa paliligo habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Kung hindi dumating si Cristiano kagabi at kung hindi ko naagaw ang key card kay Mr. Reyes para mabuksan ang pintuan kagabi ay baka mas malala nga ang nangyari sa akin.

Wala akong kaalam-alam na mangyayari sa akin 'yon dahil sobrang laki ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status