Share

Chapter 34

"You guys should stop saying that. Hindi kami ni Cristiano," paglilinaw ko sa kanila.

Mabilisang make up lang ang ginawa sa akin doon at simpleng damit lang ang sinuot ko. Wala si Mommy sa room kung nasaan ako at alam kong hanggang ngayon ay magkasama pa rin silang dalawa ni Cristiano sa labas. Gusto kong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila kaya naman atat na atat na akong makalabas doon kahit wala akong kasiguraduhan na malalaman ko kung ano 'yon.

Ilang sandali pa ay dumating na si Janeth para tawagin ako dahil magsisimula na raw ang press conference. Nang marinig ko 'yon ay doon pa lang ako nagsimulang kabahan dahil first time ko 'yon. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman 'yon matagal kaya 'yon na lang ang pinaghahawakan ko. Basta ay once na malinis ko ang pangalan ko ay ayos na 'yon sa akin.

Lumabas ako ng room at naabutan ko si Mommy roon na hindi na kasama si Cristiano kaya bahagya kong iginala ang mga mata ko para hanapin siya kaya lang ay nagtanong na kaagad sa akin si Mommy.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status