Share

Chapter 35

Kabado pa rin ako kahit patapos na ang interview roon lalo na nang napunta na 'yon about sa love life namin ni Cristiano. May part sa akin na gustong matanong kami tungkol doon dahil kahit ako ay curious sa love life niya.

"Are you single now Mr. Cristiano?" tanong ng isang interviewer roon.

Nanatili naman akong nakatingin sa kanila sa harapan at inihahanda ang sarili sa maririnig na sagot mula kay Cristiano. Napangiti rin naman ako nang maalala ko ang sinabi nila Liam at Lucas sa akin na matagal na nga raw sila ng girlfriend niya. Sigurado rin naman ako kilala nila ang babae at ayaw lang nilang ipakilala sa akin dahil tingin pa rin nila ay may gusto pa rin ako kay Cristiano hanggang ngayon.

"Yes," tipid na sagot naman ni Cristiano.

Ang ngiti sa mga labi ko ay unti-unting nawala nang marinig ko 'yon mula sa kaniya kaya naman gulat akong napatingin sa kaniya. Nang makita naman niya ang reaksyon ko ay napatingin din siya sa akin habang nakakunot ang noo. Bahagyang nanlaki ang mga ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status