Share

Chapter 43

Iniwanan ko nga si Liam doon at hindi ko alam kung sa mismong office ko ba siya maghihintay or hihintayin niya na lang ang tawag ko sa kaniya mamaya. Hindi na rin naman na kasi ako nakapagtanong dahil nagmamadali na akong umalis, pero bukas naman ang office ko para sa kaniya. Itatanong ko na lang kay Janeth mamaya kung saan naghihintay sa akin si Liam.

"Good afternoon, Ma'am Architect!"

Nagulat naman ako nang makarating ako sa parking area ay naroon na si Romel at Benz. Napaangat ang isa kong kilay at napatingin sa kanilang dalawa na akala mo hindi mga bodyguards dahil sa ayos nila.

"Wow! Nakabalik na pala kayo sa duty niyo para bantayan ako?" natatawang tanong ko sa kanila.

"Opo, Ma'am Architect! Na-miss niyo po ba kami?" tanong naman ni Benz sa pabirong boses.

Natawa ako at napailing bago sumagot.

"Actually, no. Bigla nga akong nalungkot ngayon nang nakita ko kayo ulit," sagot ko naman sa pabirong boses ko rin.

"Grabe naman, Architect. Bakit naman po?" tanong ni Romel.

"I'm
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lyn Mendoza
maganda ung story nito kaso tagal Ng update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status