Share

Chapter 46

"Lily," tawag sa akin ni Liam.

Wala na sa tabi ko si Lucas dahil nagkayayaan silang magsayaw sa dance floor habang ako ay nanatili naman sa table namin kasama ang iba pa naming mga kaibigan doon. Ubos na rin ang chips na binili sa akin ni Lucas at nakailang basong juice na rin ako doon.

"Liam, what's up?" tanong ko naman kay Liam.

Nakatayo siya sa harapan ko kaya naman kinailangan ko pang tumingala para lang matignan siya.

"Are you alright? Kanina ka pa kumakain niyan ah? Hindi ba at ayaw mong kumakain ng unhealthy foods?" tanong niya sa akin.

Nang makita niya sigurong nahihirapan ako sa pagtingala sa kaniya ay naupo siya sa tabi ko. Nakita ko namang nakatingin siya sa mga kinakain ko roon pero nagkibit na lang ako ng balikat.

"Yeah, pero minsan lang naman 'to," sagot ko sa kaniya.

"Gutom ka ba? We can eat dinner if you want," sabi niya.

Napahinto naman ako sandali roon at pinakiramdaman ang sarili ko pagkatapos ay napatango sa kaniya dahil nakaramdam pa rin ako ng gutom kahit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status