Share

Chapter 52

Napangiti ako habang tinitignan 'yon sa hindi kalayuan. Bigla akong na-excite na maipasuot ko ang mga gano'ng damit sa magiging anak ko kahit na wala pang gender ito. Alam kong hindi ito ang tamang araw para bumili ng mga gamit para sa baby dahil si Lucas ang kasama ko, pero hindi na ako nagdalawang isip pa na lumapit doon para lang magtingin muna.

Halos mamangha ako sa maliliit na damit doon at napapangiti dahil nai-imagine kong suot na 'yon ng baby ko. Hinawakan ko ang maliit at kulay pink na damit. Kung babae man ang magiging anak ko ay sigurado akong bagay na bagay 'yon sa kaniya. Sigurado rin ako na tuwang-tuwa sina Mom and Dad dahil baby girl ang gusto nila ngayon na apo.

Gusto ko nang umalis doon pero nate-tempt akong kuhanin 'yon dahil baka maubos na. Sigurado rin ako na wala na ang gano'ng design kapag nanganak na ako.

"Lily! You're just here lang pala. Ano'ng ginagawa mo rito?" si Lucas na kararating lang doon.

Halos mabitawan ko naman ang hawak ko dahil sa gulat at biglaan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status