Share

Chapter 42

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala roon. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit kinailangan pang maghatid ni Cristiano ng pagkain sa condo ko.

"Hindi mo ba tinanong kung bakit niya ako dinalhan ng foods?" tanong ko kay Marcus.

"Nope, pero ang sabi niya ay dinaan niya lang daw 'yon para hindi ka na magluto ng breakfast mo ngayon. Akala niya kasi mag-isa mo lang," patuloy na pagkukwento niya sa akin.

Napatango naman ako at ikinalma ang sarili dahil baka mahalata pa ni Marcus na kinikilig ako roon.

"Magsabi ka nga sa'kin ng totoo, Lily. Kayo na ba ni Cristiano?" mapaghinalang tanong niya sa akin.

Sa gulat ko dahil sa tanong niya ay halos mahampas ko siya sa braso dahil kung ano-ano na ang iniisip niya.

"Of course, not!" sagot ko kaagad.

"Eh paano niya nalaman na mag-isa ka lang dito? Nandito ba siya kagabi?" tanong niya muli.

"Paano naman siyang mapupunta rito e kayo ngang tatlo ang nandito?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Before we got here. Hindi naman kita huhusgahan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status