Lahat ay hindi ko pa kilala sa loob. Tahimik lang ako habang pinupuntahan ang room ko. Halos lahat ng mga kaklase ko ay mga lalaki. Sobrang iingay nila at may mangilan ngilan na ka edad o di kaya ay mas matanda pa sa ‘kin ngunit ang karamihan ay halatang bata pa. Umupo ako sa pinaka dulong parte dahil halos lahat ay puno na sa harapan. Irregular student ako kaya may klase ako sa ibang department. Natahimik ang lahat no’ng pumasok ako at lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa akin. May mga mangilan-ngilang kababaihan sa loob ngunit mga bata pa sa ‘kin. Lahat ay magkakilala at may kaniya-kaniyang groupo pwera nalang sa mga taong nasa dulo rin kagaya ko. “Irregular student ka?” tanong nong babae na matanda pa yata sa ‘kin. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. “Same pala tayo,” aniya. Natahimik na ang lahat ng magsimula ang klase. Unang subject ngayon ay Solid Mechanics tapos mamaya ay Physics 2 ngunit mga BSED Science students naman ang makakasama ko mamaya. After 1 hour and a half ay nat
“Saan ka galing?” kunot noong tanong ni Harold sa akin.“Nagkape lang,” sabi ko at agad na umikot sa likuran. Naisip ko pa rin si Edmund. Napa-praning na naman ako. Baka mamaya ay normal na tingin lang iyon at nilalagyan ko lang ng kahulugan.Hinintay kong makapasok si Harold sa harapan. Hindi siya kumilos kaagad kaya nagtataka ko siyang tinignan. “Hindi pa ba tayo aalis?” nagtataka kong tanong sa kaniya.“Sinong kasama mo sa loob ng café kanina?”“Bagong kaibigan lang,” sagot ko ngunit agad kong ibinaling sa kabila ang paningin ko.“Bakit hindi ka makatingin sa akin?”“E bakit? Anong koneksyon ng tingin?” medyo naiinis na rin ako sa kaniya.“Why are you talking to me like that?”“Ang kulit kulit mo na kasi,” naiinis na sabi ko. Bigla siyang tumahimik. Wala na rin akong imik dito sa likuran. Naramdaman ko nalang na pinaandar niya ang sasakyan paalis.Nang makababa na ay hindi ko siya hinintay na pagbuksan ako. Ako na ang nagkusang magbukas ng pinto at nag diri-diritso sa loob ng bahay
Kinagabihan, nakatulog ako sa sofa habang pilit na iniiwasan si Harold. Naiinis na nabi-bwesit ako sa kaniya kagabi. Kung anu-ano nalang ang pinaggagawa niya. Nagising nalang ako na nasa loob na ng kwarto ni Mr. Shein ngunit wala na siya sa tabi ko. Hindi na rin ako kinabahan dahil pakiramdam ko ay nasa baba na si Harold. Ganoon pa man, iniisip ko pa rin ang possibilidad na si Mr. Shein at siya ay baka iisa nga. Hindi naman kasi malabo. Pero nakakataka kung totoo man ang hinala ko. “Good morning,” agad akong nag angat nang tingin nang marinig ang sinabi ni Harold. Kumunot ang noo ko nang sumalubong sa akin ang nakakaloko niyang ngiti. Pinagsingkitan ko siya ng mata. Ano na naman kaya ang naiisip niya? Anong tingin tingin mo diyan? Gusto kong itanong sa kaniya ngunit nakaramdam ako ng hiya nang makita na bagong ligo ito at sobrang ayos ng pormahan. Saan kaya ang lakad niya? Umiwas ako nang tingin at dumiritso na sa kusina para uminom ng tubig. "Hey, I said good morning," huminto ak
“Ano bang kailangan mo at kanina ka pa nakasunod?” nakasimangot na tanong ko. Napaliguan ko na rin si Oprah at plano ko na rin sanang maligo ngunit nakukulitan na ‘ko kay Harold na kanina pa nagpapapansin sa ‘kin.“What? I just want to drink water.” Aniya ngunit nasa tabi ko siya dito sa CR.“So anong iinumin mo? Tub water?” agad siyang sumimangot ulit.“Ano ba kasing kailngan mo?” malapit ng maubos ang pasensya ko sa kaniya.“Date. I want us to date.” Nagulat ako sa sinabi niya.“Ayos ka lang? No. Ayaw ko!”“Bakit ayaw mo?” nakasimangot na aniya. Napanganga ako sa tanong niya. Bakit ayaw ko? Hindi ba obvious?“Dahil kasal ako!”“We won’t tell your husband that we date.” Bakit niya nasasabi ‘to? Is this his way para guluhin ako? Ang lakas ng loob niya.“Ikaw ba si Mr. Shein?” I expect na magugulat siya ngunit hindi. Bigla niya ‘kong nginisihan dahilan kung bakit napaatras ako.“What makes you think na ako siya?”Sinamaan ko siya nang tingin. “Bakit? Hindi nga ba?”“Hindi. Cause I’m be
“Stop it, Veron.” “What? I just saved your ass, Shein.” Napailing ako nang makita ang pag-ikot ng mata niya bago niya inumin ang cocktail sa baso. She’s putting my life at risk. My wife ignored me for whole fvcking day yesterday kahit kanina no’ng hinatid ko siya sa school dahil sa kagagawan niya. And now she’s telling me she saved my ass? She’s awful. “Sir,” nag-angat ako nang tingin and I saw Vicente, fixing his necktie, handling me the documents that I need to sign. “Good morning, ma’am Veronica.” “Hello, Vicente. You look good. How are you?” “Thank you. I’m fine.” “You know what, I’m offering you double. Iwan mo na si Shein. Work for me.” Nginisihan ko si Veronica. Try him Veron. You won’t succeed. She’s tripping me but I’m confident with Vicente’s loyalty to me. “I’m sorry ma’am but I need to take down your offer.” Inikutan ako ng mata ni Veron nang marinig ang pagtanngi ni Vicente sa knaiya. Hindi ko maiwasang ngisihan siya. “Here. Thank you for your hardwork, Vicente. An
“Kuya, anong ginagawa natin dito?” nilagay ko ang daliri ko sa gitnang bahagi ng labi ko. Nasa isang public food court kami kung saan nagtitipok ang mga streetfoods.“Huwag kang maingay,” sabi ko.“Kuya, para kang stalker ni ate. Kung hindi kita pinigilan kanina, feeling ko ay nabogbog na na ‘yang kasama niya.” Nakasimangot na aniya na para bang pinapagalitan ako. Kung ako lang talaga ang tatanungin kanina ay hindi lang bogbog ang aabutin niya sa ‘kin.“Kuya, ganito kasi ‘to. Magka ano-ano kayo ni ate? ‘Di ba walang kayo?” Anong wala? Asawa ko ang ate mo.“Dahil wala namang kayo, so wala kang karapatan na magselos.” Pinagkrus ko ang kamay ko sa harapan at sumandal sa inuupuan namin ngayon. Ilang taon na ‘to at kung makapagsalita ay mukhang marami ng alam?“Makapagsalita ka ah parang ano ah?”“Wait lang kuya. Diyan ka lang. Order muna ako.” Aniya at lumapit sa nagluluto saka nagpaluto ng sandamakmak na pagkain. Tumingin ako sa gawi ng asawa ko. Kinakausap siya no’ng kasama niya. Wala n
Tumingin ako sa kapatid ko na may pagtataka. Nasa isang hapagkainan kami. Dito na kami nag hapunan dahil iyon ang sabi ng inay sa amin.“Nak, paki-abot nga ng tinola,” kukunin ko na sana ang sabaw ng unahan ako ni Harold. Naguguluhan ko siyang sinundan nang tingin. Anong ginagawa niya?Inabot niya kay inay ang mangkok ng tinola. “Salamat nak,” laglag sa sahig ang panga ko sa narinig mula kay inay. “Welcome po tita,” nakangiting sagot ni Harold. Tumingin ulit ako kay Dave at gaya ko ay tila naguguluhan rin siya sa mga nangyayari.Anong kaguluhan ito? Bakit may nak-nak kaming naririnig?“Baka naman may isa sa inyo inay ang magpaliwanag kung anong nagyayari dito?” humalukipkip ako sa harapan ngunit nakurot lang ako ng inay bagay na tinawanan ni Harold.“Huwag kang magganiyan sa harap ng pagkain, Lorelay. Kumain ka na diyan.” Sabi pa nito na ikinasimangot ko.“Hi people,” naagaw ang attention namin kay Shiela. May dala siyang ulam na nasa isang tupperware. Ngumiti ako nang magtama ang pan
“Gabi na, uuwi na kayo?” tahimik lang ako sa gilid ni Shiela at nakatingin kay inay. “Opo, tita. Kailangan na namin bumalik sa tinutuluyan namin ni Lorelay. Hinahanap na rin kami ng boss namin e. May ipapa-encode sa amin.” Ang galing niya mag sinungaling in fairness. “Kuya, iyong pangako mo sa akin ah.” Kumunot ang noo ko sa dalawa. Anong pangako ang tinutukoy ni Dave? “Ano ‘yan?” singit ko sa dalawa. “Wala ‘yan ate. Usapang lalaki ito,” aniya at binalik ang attention sa cellphone niya. Aba! Lumapit ang inay kay Harold at nauna silang lumabas habang parang binalewala niya ako dito sa sala na siyang anak niya. “Mukhang may new favorite si tita ah,” nakangiting sabi ni Shiela. Napailing nalang ako at sinundan ang dalawa sa labas ng bahay. Katabi ko si Shiela na nakatingin kay Harold. “Bes,” napahinto ako ng tawagin ako ng kaibigan ko. “Bakit bes?” tumingin ako sa kaniya. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin sa ‘kin habang siya ay nasa harapan ang paningin. Kung saan nag-uusa