Share

Chapter 4

"Nakaayos na ba ang lahat?" tanong Mr. Lundberg pagkatapos ilagay ang mga gamit nila sa sasakyan.

Ngayon ang ang araw ng pamamasyal nilang magkakapamilya.

"Opo pa," tugon ni Liam.

"Sakay na kayo, aalis na tayo."

Sumakay ang tatlong magkakapatid sa likod habang ang kanilang ina nasa tabi ni Mr. Lundberg.

Bago magmaneho si Mr. Lundberg, binuksan niya ang radio

Bago magdrive si Papa binuksan niya yung radio para magpatugtog kaya habang nasa biyahe sila, sinabayan nila ito ng kantahan sa pangunguna ni Zaira na sunundan naman ng kanyang kapatid. Pati sila Mrs. Lundberg napakanta din dahil sa ingay nilang tatlo.

Napuno ng kantahan at tawanan ang buong biyahe nila hanngang sa makarating sila mall.

Pagkalasok nila nag-ikot mun sila at kumain bago mag-ice skating.

"Ang lamig!" sambit ni Zaira sabay yakap sa sarili.

"Malamang malamig dito," sabi ni Asher kaya sinuntok siya ni Zaira sa balikat.

Alam niyang mag-uumpisa nanaman itong mang-asar kaya sinuntok na niya agad.

"Tumigil nga kayong dalawa," sabi sa kanila ni Liam bago pa sila magkapikunan.

"Athena, halika na dito. Suot mo itong jacket," tawag ni Mrs. Lundberg kay Zaira kaya tumigil na ito at lumapit sa kanyang ina.

Sinuot niya ang jacket saka tinignan sila Asher; katulad niya nagsusuot na rin sila ng jacket at ng sapatos na gagamitin nila.

"Ready na kayo?" tanong ni Mr. Lundberg saka tinignan ang tatlo kung kumpleto ba ang mga suot nila.

"Ready na po," excited na sigaw ni Zaira

"Athena, kuya, paunahan tayo makapunta doon sa kabilang side," sabi ni Asher.

"Game," sagot ni Zaira.

"Sige," tugon ni Liam nang tignan siya ng dalawa.

Tumayo silang tatlo na may isang tao ang pagitan sa isa't-isa.

"Ready... get set... go!"

sigaw ni Asher sabay takbo ng mabilis.

Sumunod agad sila Zaira upang habulin siya ngunit sa huli nauna ito. Napasimangot si Zaira dahil nauna lang ito dahil siya mismo ang nagsabi kung kailan mag-uumipisa.

"Yeah! Ang galing ko talaga," sabi ni Asher sabay habang sumasayaw.

Nailing-iling si Liam saka niya ito binatukan dahil siya ang nahihiya sa pinakakagawa nito.

"Aray naman kuya!" reklamo ni Asher habang nakahawak sa batok niya.

"Mukhang kang tanga," sabi ni Liam.

Napatawa si Zaira nang marinig niya ito kaya tumingin sa kanya ng masama si Asher.

"Tawa tawa mo diyan?" tanong niya kay Zaira.

"Haha. Mukha ka raw tanga," tugon nito sabay tawa ng malakas.

"Tanga pala ah!" inis na sabi ni Asher sabay lapit kay Zaira.

Napatakbo si Zaira dahil alam niyang may binabalak nanaman itong gawin.

"Lagot ka sa akin kapag nahuli kita!" sigaw ni Asher habang hinahabol siya.

Nagbelat sa kanya si Zaira at dahil kay Asher siya nakatingin, hindi niya napnsin si Liam sa tabi niya. Nagulat na lang siya nang hilain siya nito.

"Waahhh! Kuya!" sigaw niya dahil sa bilis ni Liam.

Natawa sa kanya si Liam nang hawakan siya nito ng mahigpit dahil sa takot.

"Hahaha. Buti nga sayo," sabi ni Asher upang asarin si Zaira.

Napatingin sa kanya si Liam at ngumisi saka lumapit kay Asher habang hila pa rin si Zaira.

Nang mapansin ito ni Asher, lumayo siya agad sa kanila subalit naabutan pa rin siya, hinila siya ni Liam at umikot ng mabilis.

"Kuya, nahihilo ako!" sigaw ni Zaira sabay hawak ng mahigpit.

Pakiramdam niya kapag binitawan siya nito, tatalsik siya o kaya matutumba dahil sa hilo.

"Sh*t kuya!" sigaw ni Asher.

Tumigil na si Liam saka tinawanan ang dalawa na halos mapaluha na. Nang bitawan sila nito, napaupo na lang sila dahil sa hilo. Hindi agad tumayo si Zaira kahit malamig dahil umiikot ang paningin niya. Napahawak siya ulo niya hilo.

"Sorry," sabi ni Liam nang mapansin niya ang itsura nito.

Hinawakan niya ang ulo nito tinulungan ako ni Zaira at nagkunwaring hinihilot pero lihim na niya itong ginagamit ng healing power niya. Wala ideya si Zaira sa ginagawa niya basta nang gumaan ang pakiramdam niya, tumayo na siya at tinulungan naman siya ni Liam.

"Tignan niyo sila mama," sabi ni Asher kaya napatingin ang dalawa sa tinitignan nito.

"Ang sweet," sabi ni Zaira nang makitang sinasayaw ng kanyang ama ang kanyang ina.

Hindi maiwasan ni Zaira na hilingin na sana katulad ng kanyang ama ang kanyang mapangangasawa balang araw. Dahil hanggang ngayon kita niya pa rin na mahal na mahal nila ang isa't-isa. Para pa rin silang dalaga at binata na bagong magkasintahan.

Lumapit si Asher sa kanilang magulang saka sumigaw.

"Kiss!" aniya.

"Tara!"

sabi ni Liam sabay hila kay Zaira upang sumunod kay Asher.

"Kiss na yan!" sigaw rin ni Zaira.

Napatingin sa kanila sila Mr. Lundberg habang paikot-ikot sila sa dalawa at sumisigaw na "kiss".

Nagpaikot ikot kami sa kanila habang sumisigaw ng 'Kiss'. Nakisabay na rin sa kanila ang mga nakarinig sa kanila nang makita ang mag-asawa.

"Kiss daw sabi ng mga anak natin," nakangiting sabi ni Mr. Lundberg sa kanyang asawa.

"Nakakahiya, ang daming tao," tugon nito habang namumula.

"Kiss!"

"Kiss!"

"Kiss!"

Nagpalakpakan ang mga nanonood nang halikan ni Mr. Lundberg ang asawa nito.

Tumigil sila Zaira sa pag-ikot saka pumalakpak din.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ni Asher habang pumapalakpak.

Tahimik na tumawa si Zaira nang makita niyang namumula ang kanyang ina.

"Alis na tayo?" tanong ni Mr. Lundberg.

Tumango sila Zaira bilang tugoon.

Namasyal sila sa kung saang madaanan ng sasakyan nila tulad sa isang zoo na naituro ni Zaira pagkatapos niya makita ang sign nito.

"Kuya, kamukha mo," sabi ni Zaira kay Asher habang nakatingi sa unggoy.

"Masyado akong gwapo para maging kamukha yan."

"Ang hangin."

"Picture," sabi ni Mrs. Lundberg habang may hawak na camera.

Tumingin sila Zaira sa camera saka ngumiti. Pagkatapos sila kuhaan, agad nila tinignan ang larawan.

"Sabi ko sayo kuya, kamukha mo," sabi ni Zaira sabay turo sa unggoy na nasa tabi ni Asher.

Napasimangot si Asher kaya lalong natawa si Zaira. Tinuloy na nila ang pag-iikot.

"Roar!"

Panggagaya ni Zaira sa lion nang makita niya ito.

"Hello lion king!" aniya sabay kaway dito nang tignan siya.

Tumayo ito at lumapit sa kanila.

"Kuya, lumapit siya. Naiintindihan kaya niya ako?" masayang sabi ni Zaira saka nakipagtitigan sa Lion.

"Ang ganda ng mata mo, kulay blue."

Pansin ni Zaira sa mata nito.

"Mas maganda ka pa sa mata ko binibini," sambit ng lion.

Napangisi si Mr. Lundberg nang marinig ito, napataas naman ng isang kilay si Mrs. Lundberg habang napakunot ang noo nila Liam dahil balak pa nito landiin ang kapatid nila. Mabuti na lang hindi ito naririnig ni Zaira.

"Kapag yan sumagot, baka magulat ka," sambit ni Asher sabay tingin ng masama sa lion, kung wala lang ito sa kulungan baka inatake na niya ito.

Gusto niya ipakita sa lion na hindi siya naiintindihan ni Zaira.

"Ang ganda talaga ng mata niya, sana ganyan din kulay ng mata ko."

Natuwa ang lion at mayabang na tinignan si Asher.

"Ma, pa, alis na tayo," sabi ni Asher saka inakbayan si Zaira para isama ito sa pag-alis.

"Wait lang kuya," sabi ni Zaira sabay tingin sa lion.

"Bye Lion."

Paalam niya.

"Wag mo ko iwan magandang binibini," sabi ng lion, gustong sumama pero hindi ito makalabas.

"Bye din daw sabi ng lion," natatawang sabi ni Asher saka tinignan ang lion upang asarin ito.

"Roar!" galit na tugon ng lion sa kanya habang pilit na nagtatangkang lumabas.

"Diretso na tayo sa beach," sabi ni Mr. Lundberg.

Nakaramdam ng pagod si Zaira, kaya nanahimik na lang ito hanggang sa makatulog siya.

Napatingin si Liam kay Zaira nang sumandal ang ulo nito sa balikat niya. Pagtingin niya kay Asher, tulog rin ito habang nakasandal sa bintana.

"Hades, kamusta ang pagtuturo mo sa Black Academy?" tanong ng kanyang ina.

"Okay naman po. Medyo nakakapagod kasi kahit bakasyon kailangan ko pa rin magtrabaho."

Isang taon pa lang siyang nagtatrabaho sa Black Academy pero ang dami na agad na pinahawak sa kanya na mag-aaral. At noong nag-umpisa ang summer, maraming pumili sa kanya na maging instructor nila sa summer class.

"Sa tingin mo magiging maayos kaya sila Paris sa Black Academy kung mag-aaral sila doon? Lalo na si Athena."

Napasulyap si Liam sa dalawa.

"Kung si Paris po okay lang pero si Athena baka mahihirapan siya."

Nag-aalalang tinignan niya si Athena.

Sa dinami dami ng tao, bakit siya pa?

"Athena! Gising! Nandito na tayo. Paris! Hades! Gising na!"

Pangigising ni Mrs. Lundberg sa tatlo na pare-parehong nakatulog.

Unang nagising si Zaira, umayos siya ng upo at kinusot ang mata.

"Paris, gising na diyan. Saka bumaba na kayo," sabi ni Mr. Lundberg.

"Tayo lang po ang nandito?" tanong ni Zaira nang mapansin niyang walang tao.

"Oo anak. Solo lang natin ito," tugon ni Mrs. Lundberg.

"Pwede niyo gawin ang kahit na anong gusto niyo mamaya, tulungan niyo muna kaming magbitbit ng mga gamit natin," sambit ni Mr. Lundberg.

Kinuha nila ang mga dala nilang pagkain at inayos ito sa tabi ng dagat.

Hapon na nang makarating sila sa beach kaya palubog na ang araw na ikinatuwa ng magkakapatid.

Umupo sila sa buhangin at doon kumain.

"Kailan ko kaya makikita si Athena na nakadress kahit walang okasyon?" sabi bigla ni Mrs. Lundberg.

Nasamid bigla si Zaira saka napaubo.

"Oh! Juice," natatawang sabi ni Liam habang inaabot ung juice.

Kinuha ito agad ni Zaira pa uminom.

"Ma, wag na po kayo umasa. Himala na lang kung magsusuot siya ng ganun ng walang okasyon. Kahit nga may okasyon, ang hirap niyang pasuotin ng dress," sabi ni Asher para asarin si Zaira.

"At mas gugustuhin niyang hindi pumunta sa okasyon na un kaysa magsuot ng dress," dugtong ni Liam.

Tinignan ni Zaira ng masama ang dalawa niyang kuya.

"Anak, umamin ka nga. Tomboy ka ba?" tanong ni Mr. Lundberg.

Nanlaki ang mata ni Zaira sa tanong nito.

"Papa naman! Babae

po

ako. Ba-ba-e! As in kapital B-A-B-A-E! In english. girl."

"Weh?" sabay na sabi ng dalawang niyang kapatid.

"Totoo ang sinasabi ko."

Napasimangot si Zaira nang makitang ayaw nila maniwala.

"Patunayan mo nga."

Paghahamon sa kanya ni

Asher.

"Paano?" tanong ni Zaira.

Kinabahan bigla si Zaira nang mapansin niya ang ngiti ng apat at ang mga tinginan nila na parang nag-uusap.

"Simula sa monday. Magsuot ka ng dress at gagawin mo yan hanggang sunday," sabi ni Asher.

"Ayoko nga!"

Kontra ni Zaira, ayaw na ayaw niyang nagsusuot ng dress dahil sa mahirap kumilos kapag ayun ang suot niya. Malikot pa naman siya.

"Edi tomboy ka nga."

Tinignan niya ito ng masama nang tawagin nanaman siyang tomboy. Ayaw niya rin na tinatawag siyang tomboy dahil babae siya.

"Hindi nga."

"Kung hindi edi magdress ka."

"Kapag hindi nagsusuot ng dress? Tomboy agad? Hindi ba pwedeng hindi lang talaga komportable sa ganung damit?"

"One week lang naman Athena. Pumayag ka na," sabi ni Liam.

Tumango sila Mr. Lundberg bilang pagsang-ayon kay Liam.

"Oo na. One week lang ah," tugon ni Zaira sabay buntong hininga.

"Ikaw bahala, baka gusto mong araw arawin na," sabi ni Asher.

"One week lang."

Tumawa lang si Asher saka binilisan ang pagkain para makalusong sa dagat at maghanap ng kakaibang shell, hilig niyang mangolekta ng mga kakaibang bagay.

"Ano ba yan? Wala namang kakaiba dito," aniya sabay tapon ng shell na nakita niya.

Napatingin siya kay Zaira na naglalakad habang may kagat na stick-o sa bibig.

Hindi ba siya nagsasawa sa stick-o? Araw-araw na lang siya kumakain nun.

Sa isip ni Asher habang pinagmamasdan ang kapatid. Napangisi siya bigla at hinintay na makalapit ito.

"Athena!" tawag niya dito.

Wala sa sariling napalingon si Zaira at nang basahin siya ni Asher ng tubig dagat.

"Ku--" aniya ngunit hindi natuloy ang sasabihin niya nang mapansin niyang wala na ang stick-o niya.

Pagtingin niya sa paanan niya, nandoon na ang stick-o niya na nahulog dahil sa gulat niya kanina.

"Waahhh! Stick-o ko!" sigaw niya saka tinignan ng masama si Asher.

"Kuya, lagot ka sa akin!" inis na sabi ni Zaira sabay lapit sa kay Asher.

Lumangoy palayo si Asher saka binasa si Zaira habang lumalangoy ito palapit sa kanya. Bago pa makalapit si Zaira, lumalayo siya ulit saka niya tatalsikan ng tubig ito.

"Hahahaha," tawa ni Asher.

Sa inis ni Zaira hinampas niya ng malakas ang tubig dagat.

"Tawa pa more," sabi ni Zaira sabay tawa nang matalsikan si Asher.

Tinignan ng masama ni Asher si Zaira at akmang babasain niya ito nang basain siya ni Liam. Natigilan ito at tinignan ang kanyang kuya.

"Athena, langoy," sabi ni Liam sabay langoy palapit kay Zaira.

Mabilis na lumangoy ang dalawa habang hinabol naman sila ni Asher.

Nakangiting pinapanood ni Mrs. Lundberg ang mga anak nila na naglalaro sa dagat.

'Sana ganito na lang palagi; masaya at payapa. Sana hindi dumating ang panahon na makagulo ang pamilya namin,' sa isip niya.

"Hades! Paris! Athena! Umahon na kayo at magbihis. Aalis na tayo," sigaw niya nang makita ang asawa niya na nakabalik pagkatapos nitong dalhin sa sasakyan nila ang mga gamit nila.

Tumigil na ang tatlo sa paghahabulan at nag-unahan naman makaahon. Umangkas si Zaira kay Liam habang umaahon sa dagat habang si Asher naman sumunod sa kanila, tumigil siya saglit nang may makita siya sa bungin at pinulot ito bago umalis para magbihis.

Pagkasakay ni Zaira sa sasakyan, sumandal siya sa balikat ni Asher para matulog. Tahimik ang buong biyahe hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng restaurant.

"Dinner muna

tayo

bago

umuwi," sambit ng kanilang ama dahil alam nitong hindi na makakaluto ang kanyang asawa pag-uwi nila.

Nagsibabaan agad ang tatlo at sumunod kila Mr. Lundberg papasok ng restaurant.

"Good Evening maam and sir."

"Table for five," sabi ni Mr. Lundberg.

Dinala sila sa table na pang-lima at binigyan ng menu.

"Ano sa inyo?" tanong ni Mr. Lundberg sa tatlong anak niya.

"Kayo na pong bahala pa basta wag karne,"

tugon ni Liam dahil isa itong vegetarian.

"Sa akin naman po kahit ano wag lang gulay," sabi naman ni Asher dahil mahilig ito sa karne at bihira lang ito kumain ng gulay.

"Ikaw Athena?"

"Kahit ano po basta pagkain," tugon ni Zaira sa kanyang ama sapagkat hindi ito mapili sa pagkain kumpara sa kanyang kapatid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status