Share

Chapter 54

Habang naglalakad sina Zaira at Crystal papasok, kapansin-pansin ang mga masasamang tingin ng mga nadadaanan nila.

Nakatingin sila kay Zaira na para bang isa siyang criminal na may masamang nagawa sa kanila.

"Wag mo silang pansinin," sabi ni Crystal.

Napabuntong hininga si Zaira. Alam naman niya kung bakit ganun ang tingin nila sa kanya. Kalat na sa school nila ang mga sinabi ni Kaycie. Marahil ay iniisip nilang traydor siya sa paaralan at lahat ng sinabi ni Kaycie ay totoo.

"Athena."

Huminto sila Zaira sa paglalakad at nilingon si Liam nang tawagin nito si Zaira. Kasama niya si Asher at parehong seryoso ang mukha nila.

"Bakit kuya?" tanong ni Zaira.

"Pinapatawag tayo ni headmaster," tugon ni Liam.

"Bakit daw?" kinakabahang tanong ni Zaira.

"Hindi ko rin alam."

"Crystal, mauna ka na sa klase," sabi ni Zaira sa kaibigan.

"Sige, sunod ka agad," tugon ni Crystal habang nag-aalalang nakatingin sa kanila.

Katulad ni Zaira nababahala rin siya sa dahilan ng pagpapatawag sa kanila.

Tinanguan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status