Share

Bloodline 1: The Eternal Blood
Bloodline 1: The Eternal Blood
Author: Clara Xiey

Prologue

Noong unang panahon sa mundo na tinatawag na Outlandish, pinagbabawal na magmahalan ang magkakaibang-uri ng nilalang dahil sa isang sumpa.

Ayon sa sumpa magbubunga ito ng kakaibang uri ng nilalang dahil sa pinaghalong dugo ng magkaibang nilalang. Maaari itong magdulot ng kaguluhan at pagkasira ng mundo.

Sa paglipas ng panahon marami ang hindi sumunod sa nasabing batas at pinaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Katulad ng: Dragon na nagmahal ng isang wizard, werewolf na umibig sa isang bampira at hindi rin mawawala ang tao na nagmahal rin wizard o iba pang uri ng nilalang.

Simula noon sunod-sunod na ang mga hindi sumunod sa nasabing batas.

Nabuo ang Occult City kung saan naninirahan ng sama-sama ang mga katulad nila na itinuring makasalanan ng mga kauri nila.

Dumating ang araw na isinilang ang isang bata na kakaibang dugo. Taglay nito ang dugo na kayang magbigay ng buhay na walang hanggang sa kung sino man ang makakainom nito, tinawag itong "Eternal blood" at ang batang nagtataglay nito ay tinawag na "Eternal child".

Nagdulot ito ng kaguluhan dahil sa kasakiman ng mga demon. Nabahala ang mga god at goddess kaya  kinuha nila ang  bata para dalhin sa Xaterra, ang mundo kung saan naninirahan ang god at goddess.

Para maiwasan na dumami ang mga Eternal child, nagbigay sila ng babas sa Outlandish na magkakaroon lamang ng Eternal child tuwing lilipas ang ika-isang daang taon at hinati rin nila ang eternal blood sa apat na bata: isa dito ang may dugo na nagbibigay ng eternal life; ito ay may kayang magpagaling ng kahit anong sakit, at ang tatlo dito ay may dugo na nagdudulot ng eternal death; oras na mainom ito makakatulog ito habang buhay at ang eternal life lamang ang lunas dito.

Makakamit lamang ang buhay na walang hanggang kapag nainom nito ang dugo ng apat na bata. Para masigurado ang kaligtasan nila pumili sila ng labing dalawang nilalang na nakatadhanang magpoprotekta sa kanila na tinatawag na "Celestial guardian", binigyan nila ito ng sandata na maari nilang magamit laban sa magtatangkang kumuha ng eternal blood.

Bawat isa sa kanila ay may marka ng celestial spirit na lalabas lamang oras na maging labing walong gulang ang mga eternal child; at doon lang din lalabas ang tunay na epekto ng eternal blood.

Isinara ng isang babae ang librong binabasa tungkol sa eternal child saka tinignan ang apat na sanggol na mahimbing na natutulog.

"Patawarin niyo kami mga anak ko, para rin ito sa kaligtasan niyo. Mahal na mahal ko kayo," aniya habang umiiyak.

"Rina, nakuha ko na ang bracelet," sambit ng isang lalaki sabay pakita ng dala niyang braelet.

"Umiiyak ka nanaman. Babalikan din naman natin sila,' sabi pa nito nang mapansin niyang umiiyak ang kanyang asawa.

"Geo, gusto ko sila alagaan hanggang sa paglaki nila," tugon nito.

"Alam ko. Gusto ko rin naman sila magkasama pero mas makakabuti itong gagawin natin."

Pinunasan niya ang luha nito saka niyakap.

Sa kasalukuyan...

"Ma, alis na po kami. Kuya, kita na lang tayo sa school," paalam ko ni Zaira.

Nakasuot ito ng gown para dumalo sa acquaintance party ng paaralan nila.

"Ingat ka anak. Max, alagaan mo si Athena. Bantayan mo baka kung anong kalokohan ang gawin," tugon ng kanyang ina.

Masaya at payapa ang mga naging usapan nila.

Subalit isang pangyayari ang magaganap noon gabiing yun,

Pangyayaring babago sa buhay ni Zaira Athena Lundberg.

Unti-unti niyang matutuklasan ang mga lihim na matagal ng itinago sa kanya.

Sa pagpunta niya ng Outlandish, sunod-sunod na pagsubok ang haharapin niya.

Mga pagsubok na magpapatatag sa kanya.

Natuto siyang lumaban sa mga nilalang na inakala niyang hindi too.

Hindi siya aatras kahit bampira, werewolf, wizard, orc, zombie, demon o anomang nilalang ang kanyang kalaban.

Lahat haharapin niya para sa kanyang pamilya, kaibigan, at sa mga poprotekta sa kanya.

Maranasan man niyang mabigo, masaktan at pagtaksilan ng itinuring niyang kaibigan, hindi pa rin siya aatras.

Handa siyang lumaban para sa mundong naging pangalawang tahanan niya.

Dahil si Zaira Athena Lundberg ay handang maging malakas para sa mga mahal niya at maprotektahan din ang mga lumalaban para sa kanya noong panahonng mahina pa siya.

"A-anong ginawa mo? Bakit hindi ako makagalaw?" tanong ng kalaban ni Zaira.

"Secret," tugon ni Zaira habang nakangiti.

"Ginamitan mo ba ako ng spell? Half witch ka ba?"

"Mukha ba akong witch? Tignan mo mabuti, tao lang ako. Pinanganak akong tao kahit na may dugong bampira, wizard at werewolf ang magulang ko."

Si Zaira ay may katawang tao lamang

ngunit sa loob niya isang malakas na kapayarihan dahil sa dugo mula sa kanyang ancestor.

Darating ba ang panahon na magagamit niya ito?

O mananatili siyang tao hanggang kamatayan?

Walang nakakaalam kung magigising ba ang nakatago niyang kapangyarihan.

Sa ngayon lalaban siya kahit na tao lamang siya.

Marami pa naman siya hidden technique na makakatulong sa kanya.

Ngunit hanggang saan niya makakayanan lumaban?

Kung sa mundong ginagalawan niya may malakas na nilalang ang nakatago.

Paano kung dumating ang araw na makaharap niya ito?

Lalaban pa rin ba siya kahit na maliit lamang ang chance na manalo siya?

Dahil kahit anong gawin niya katawang tao lamang meron siya; ito ay tinuturing pinakamahinang nilalang sa Outlandish.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status