Share

Chapter 1

Maagang bumangon ang isang dalaga na nangangalang Zaira Athena Lundberg, Zai ang tawag ng iba sa kanya at Athena naman sa pamilya at bestfriend niya.

Naligo siya at nagsuot nang maluwag na kulay assul na t'shirt at pantalon. Tinignan niya sa salamin ang kanyang sarili.

"Ay multo!" sambit niya.

Nagulat siya nang makitang kulay itim ang mata at buhok niya kahit na kulay brown naman ito. Idagdag pa na walang emosyon ang nakita niya na para bang binibigay siya ng malamig na tingin. Kinilabutan siya bigla.

"Hala! Bakit iba ang itusura ko?" tanong niya sa kanyang sarili nang kumalma siya.

Kinusot niya ang kanyang mata at  sinampal ang sarili para masigurado kung nanaginip ba siya. Binalik niya ang tingin sa salamin at totoong mukha na nya ang nakita niya.

"Weird!" aniya habang pinagmamasdan ang sarili.

Kinuha niya ang sumbrero saka lumabas ng kwarto para magsuot ng sapatos. Madalas ganun ang suot niya lalo na kung lalabas siya. Ayaw niya magsuot ng dress o short dahil gala siya at kung saan siya nagpupunta. Ayaw niyang lapitin siya ng kung sino-sinong lalaki, idagdag pa na medyo kilos lalaki siya kaya mas komportable siya sa kasuotan niya ngayon.

"Good morning!" masiglang bati niya sa kanyang ina.

"Good morning anak! Umupo ka na at kumain," tugon nito sa  kanya.

Hinalikan niya muna ang kanyang ama at ina sa pisngi; simula noong bata siya hanggang ngayon palagi niya ito ginagawa, nakasanayan na niya ito at para sa kanya senyales ito ng pagbati.

"Ako walang kiss?" sabi ni Asher nang umupo siya tabi nito.

Pangalawa sa magkakapatid si Asher Paris Lundberg at may edad na 19 anyos. Maputi ito, matangos ang ilong,  kulay itim ang medyo singkit niyang  mata, matangkad rin ito at may katamtamang laki ng katawan.

"Wala! Hindi tayo bati ngayon. Hindi mo ko binigyan ng stick-o kahapon," tugon ni Zaira habang kumukuha ng pagkain.

Paborito niyang kainin ang stick-o, kahit ano pa flavor nito. Gustong-gusto niya ito  kaya nagtatampo ito sa kanyang kuya nang pagdamutan siya nito nang bumili ito ng 380g na stick-o kahapon, wala man  lang siya binigay kahit isang piraso.

"Sayang, bibigyan pa naman sana kita ng stick-o... Kaso wala akong good morning kiss."

Napahinto sa pagsubo si Zaira saka nilingon ang kanyang kuya.

"Weh?"

May nilabas si Asher na stick-o (380g.) Hindi pa ito nabubuksan kaya lumiwanag ang mukha ni Zaira dahil wala pa itong bawas.

"Waaahh! Kuya, akin na lang yan. Good morning kuya! Ito na ung kiss mo," masayang sabi niya.

Sinong hindi sasaya kung bibigyan siya ng paborito niyang pagkain? 

Hinila niya si Asher saka hinalikan sa pisngi.

Kinuha ko agad yung stick-o at pinatong sa mesa.

"Thank you kuya," pagpapasalamat niya pagkatapos kunin ang stick-o na nakapatong sa lamesa.

Ningitian siya nito saka ginulo ang buhok niya. Hinayaan niya lang ito dahil sanay na siya dito. Minsan nga hindi na siya nagsusuklay dahil guguluhin din nila  buhok niya; hindi lang si Asher ang gumagawa nito, pati ang kuya niya na si Liam.

Panganay sa magkapatid si Liam Hades Lundberg, 24 na taong gulang. Nasa paaralan ito ngayon; doon siya nagtatrabaho bilang guro at dahil malayo ito sa kanila, nagdorm ito doon. Tuwing sabado at linggo lang nila ito nakakasama.

"Saan naman ung lakad mo?" tanong ni Asher kay Zaira.

"Kila Ken, yayain ko siyang magbasketball."

"Basketball? Ganyan ung suot mo?"

"Oo, baka saan nanaman kami mapadpad, mas maganda na yung handa."

"Sama ako."

"Bawal pangit doon."

Sumama ang tingin ni Asher sa kanya.

"Sinong pangit? Akin na nga yang stick-o," aniya at akmang kukunin ang stick-o ngunit mabilis ito nilayo ni Zaira.

"Joke lang kuya, pero hindi ka pa rin pwedeng sumama. Lakad namin yun ng bestfriend ko."

"Bestfriend daw? Weh?"

"Papa, si kuya oh," sumbong ni Zaira dahil aasarin nanaman siya nito sa bestfriend niya.

Napangiti ang kanilang ina dahil sa biruan ng dalawa.

"Tumigil na kayong dalawa at ubusin niyo na yang kinakain niyo. Paris, sa akin ka sasama," sabi ng kanilang ama.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ni Asher.

"Sa opisina."

"Sama rin ako!" sabi ni Zaira dahil matagal na niya gustong pumunta doon.

"Hindi pwede!" sabay na sagot ng kanyang magulang.

Napasimangot na lang si Zaira at tahimik na kumain. Alam niyang nililihim nila ang trabaho ng kanyang ama kaya ayaw siya nito isama. Minsan na rin niya ito tinanong at "secret" ang sagot nila sa kanya.

Simula noon "secret" na rin ang sinasagot niya tuwing may nagtatanong kung ano trabaho ng kanyang ama. Napagalitan pa siya dati ng guro nila dahil sa kanyang sagot.

May kaklase rin siyang nagsabing drug dealer ang kanyang ama kaya ayaw niyang sabihin ang trabaho nito. Sa sobrang inis ni Zaira, sinapak niya ito. Masyadong gwapo ang kanyang ama para magbenta ng droga.

Pagkatapos niyang kumain, tumayo na siya at nagpaalam.

"Alis na po ako."

Hinalikan niya ulit ang mga magulang niya saka kinuha ang stick-o at sinuot ang sumbrero niya.

"Ingat ka anak! Wag kayong gagawa ng gulo. Ayokong mapatawag ulit sa presinto," paalala ng kanyang ina.

Tumawa ang kanyang papa at kuya niya nang marinig ito. Noong isang araw, napaaway sila ni Max Ken. Hindi naman sila ang naunang makikipag-away, basta bigla na lang silang nilapitan ng mga feeling gangster at hinamon sila nang away. Nilabanan naman nila at dahil sa sobrang hina nila nagmukha silang bully , kaya hinuli sila nang may nakakitang pulis.

Mabuti na lang minor pa lang sila kaya pinatawag lang ang kanilang magulang; May edad 17 anyos pa lang si Max habang si Zaira ay may edad na 16 taong gulang, maglalabing pito pa lang siya sa September 8.

"Hindi naman po kami ung gumawa ng gulo, sila yung nanggulo sa amin," nakasimangot na sabi ni Zaira.

"Sa susunod kasi anak, wag kayong magpapahuli sa pulis. Kapag alam niyong paparating na sila, takbuhan niyo agad," sabi ng kanyang ama.

"Hon!" sigaw ng kanyang ina.

Natawa si Zaira dahil sa sinabi nito.

"Tatandaan ko po yan papa. Alis na po ako. Bye!" aniya saka lumabas habang kinakain ang bitbit niyang stick-o.

Malapit lang ang bahay ng kanyang matalik na kaibigan na si Max Ken kaya tinakbo niya lang ito dahil sa pagmamadali.

"Magandang umaga iha!" bati sa kanya ng matandang lalaking kapitbahay nila.

"Magandang umaga rin po lolo," bati rin ni Zaira habang kumakaway.

"Good morning Zai," bati naman sa kanya ng isang babaeng nagdidilig ng halaman.

Pumitas ito ng pulang rosas at biniga sa kanya.

"Good Morning din po. Salamat sa bulaklak."

Maraming bumabati sa kanya tuwing makikita siya dahil kilala silang dalawa ni Ken sa subdivision nila. Karamihan sa kanila mga natulungan nila noon.

Pagdating niya sa tapat ng bahay nila Max, pinindot niya ang doorbell.

Dingdong! Dingding! Dingdong!

"Ikaw pala yan Zai," sambit ng ina ni Max nang makita siya nito.

Binuksan niya ang gate at pinapasok si Zaira.

"Good morning po tita! Si Ken po?"

"Ayun tulog pa. Puntahan mo na lang siya sa kwarto niya. Ikaw lang naman may kayang mapabangon dun."

"Sige po tita," nakangiting tugon ni Zaira.

"Kung may kailangan ka, nasa kusina lang ako."

Tumango si Zaira bilang tugon bago umakyat sa second floor para magtungo sa kwarto ni Ken. Binuksan niya ang pinto nito pero nakalock ito.

Bumaba siya para sana manghiram ng susi subalit may naisip siyang plano. Sinilip niya si tita Maxine niya sa kusina, abala ito sa pagluluto kaya hindi na niya inistorbo.

Lumabas siya ng bahay nila at umakyat ng puno para makapunta sa kwarto ni Ken. Pagdating niya sa balkonahe, binuksan niya ang pinto doon. At tulad ng inaasahan niya, hindi ito nakalock.

"Dapat ito yung nakalock hindi yung isa. Paano kaya kung mapasukan siya ng magnanakaw?" sambit ni Zaira habang pumapasok.

Bumungad sa kanya si sleeping beauty na walang iba kundi ang matalik niyang kaibigang si Max. Sleeping beauty ang una niyang naisip dahil sa maganda ang mukha nito na para bang sa babae, kamukha niya kasi ang kanyang ina.

"Bakit ba kasi ang ganda mo? Mas mukha pang babae kaysa sa akin," sabi ni Zaira habang tinitigan ito at nag-iisp kung paano niya gigising ang magandang nilalang sa harapan niya.

Bubuhusan ba niya ito ng tubig?

Hindi pwede, baka magalit sa kanya  an ina nito kapag binasa niya ang higaan ni Max.

Sigaw na lang kaya siya ng "sunog"?

Napailing si Zaira dahil hindi rin ito pwede. Baka pati kapitbahay nila magulat at mataranta.

"Alam ko na!"

Napangisi si Zaira dahil sa naisip niya.

Tinanggal niya ang kanyang sapatos saka dahan-dahang umakyat sa higaan, malaki ang higaan ni Max kaya kasya silang dalawang.

Huminga siya ng malalim bago umpisahan ang balak niya.

Tumayo siya sa kama saka nag-umpisang tmalon sa higaan nito na para bang batang naglalaro. Kamuntik pa siya matawa nang mapansin niyang unti-unting kumunot ung noo ni Max.

Lalo niya binilisan ung pagtalon.

"Waaah!!!" sigaw niya nang biglang may humila sa paa niya.

Natumba siya sa higaan nito at bigla itong pumaibabaw sa kanya, nilagay ni Max ang magkabilaang braso niya sa gilid ng ulo ni Zaira.

"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo?" masungit na tanong ni Max.

Ngumiti si Zaira.

"Good morning Ken," aniya pero tinignan siya nito nang masama.

Napasimangot si Zaira.

"Ginigising ka, yayain sana kita maglaro ng basketball," paliwanag niya habang nakanguso.

Tumingin si Max sa orasan niya na nakapatong sa study table.

"7am pa lang. Ang aga aga pa! Mamaya na," sabi niya sabay higa sa tabi ni Zaira.

"Ken naman! Nga--Ay!"

Babangon na sana si Zaira nang yakapin siya nito.

"Diyan ka lang," aniya habang nakapikit.

Sinubukan niyang gumalaw pero lalo lang humihigpit ang yakap nito.

"Ken! Uy! Dali na kasi."

Pangungulit niya dito pero wala siyang nakuhang sagot.

"Ken!"

"......."

"Max Ken Lauritzen, bumangon ka na diyan," sigaw ni Zaira sa tapat ng tenga niya.

Napadilat ito at tumingin ng masama dahil sa lakas ng boses ni Zaira, pakiramdam niya mababasag ang eardrum niya dito.

"Basketball na kasi tayo," sabi ni Zaira habang nakanguso na parang bibe.

Kinurot ni Max ang pisngi nito.

"Itigil mo nga yang kakanguso mo, Hindi bagay sayo," sambit ni Max saka bumangon dahil hindi niya rin matitiis ang pangungulit nito.

Napatingin siya sa pintong dinaanan ni Zaira.

"Diyan ka dumaan?" tanong niya sabay turo sa pintuang nakabukas.

"Yup."

"Akyat bahay ka ba? Bakit diyan ka dumaan? Paano kung mahulog ka?"

"Nakalock kasi pinto mo."

"Pwede ka naman manghiram ng spare key kay mama."

"Nagluluto si tita, ayaw ko istorbohin."

Pagdadahilan ni Zaira.

"Tsk."

Kumuha ng damit si Max saka pumasok sa banyo na nasa kwarto niya.

Sinuot ulit ni Zaira ang sapatos niya at pumunta sa balkonahe para hintayin si Max. Umupo siya sa nagsisilbing harang doon para hindi mahulog sa baba.

Kumain siya ng  dala niyang stick-o habang iniisip kung ano mangyayari sa kanila mamaya.

"Wala kaming masalubong na siraulo," aniya sabay buntong hininga.

Nakatulala sa langit si Zaira nang makita siya ni Max. Napakunot ang noo niya nang makita niya kung saan ito nakaupo.

Lumapit siya kay Zaira at niyakap.

"Ang tigas talaga ng ulo mo no? Bakit ba ang hilig mo umupo diyan?" sabi niya dahil palagi niya ito pinagsasabihang wag umupo doon.

"Wala lang. Feeling ko lumilipad ako kapag nandito ako."

Binuhat siya ni Max para ibaba saka hinarap sa kanya at kinurot ang ilong nito.

"Pasaway ka talaga," aniya habang pinaggigilan ang ilong nito.

"Aray! Masakit!" inis na sabi ni Zaira sabay tapik sa kamay nito.

Tinawanan siya ni Max nang makitang pulang-pula ang ilong nito pagkatapos niyang bitwan.

"Sige, tawa pa," sarcastic na sabi ni Zaira habang nakatingin ng masama sa binata.

Tumigil agad sa pagtawa si Max dahil ayaw niya itong magalit.

"Tara na sa baba," sambit niya saka hinila palabas si Zaira.

"Good morning ma!" bati ni Max.

"Good Morning! Buti bumangon ka na? Mag-almusal na muna kayo bago umalis. Maupo ka na Zai, wag ka mahiya," tugon nito.

"Salamat na lang po tita, busog pa po ako," sabi ni Zaira.

"Basta kung gusto mmo kumain, kumuha ka lang diyan. Maiwan ko muna kayo."

"Okay po," tugon ni Zaira.

"Hindi ka talaga kakain?" tanong ni Max nang wakla na ang kanyang ina.

"Oo, papanuorin na lang kita habang kumakain ng stick-o."

Habang kumakain si Max, hindi niya maiwasang mapatingin kay Zaira.

"Baka matunaw ako niyan," pabirong sabi niya dahil sa sa pagtitig nito.

Inalis ni Zaira ang stick-o sa bibig niya.

"Bakit ang ganda mo?" tanong niya.

"Gwapo ako, hindi maganda."

Tumawa si Zaira.

"Maganda ka kaya. Haha. Mas mukha ka pa ngang babae kaysa sa akin."

"Ewan ko sayo."

Tinuloy na lang niya ang pagsubo ng pagkain at hindi pinansin ang matalik niyang kaibigan kahit na nakatitig ito sa kanya.

"Bike tayo papuntang court, tinatamad akong maglakad," sabi ni Max bago sila umalis.

"Wala akong dalang bike."

"Angkas kita?"

"Okay."

Kinuha ni Max ang kanyang bike saka pumunta sa harap ni Zaira.

"Sakay na," sabi ni Max habang nakasakay sa bike.

Aangkas na sana si Zaira sa likod nang muli itong magsalita.

"Dito ka sa harap."

Pumunta sa harap si Zaira at doon umupo. Nag-umpisa na magbisekleta si Max.

"Buti wala pang tao sa court," sabi ni Max pagkadating nila sa harap ng court.

Bumaba na si Zaira at kinuha ang bolang dala nila. Nauna na siya sa court habang tinatabi ni Max ang dala nitong bike.

Pinadalbog ni Zaira ang bola habang tumatakbo at saka binato.

Shoot!

Kukuninin na sana niya yung bola pero naunahan siya ni Max.

"Game? Kung sino matalo manlilibre mamaya," aniya habang pinapatalbog ito.

Tumango si Zaira dahil ganun naman palagi ang gawain nila. Nag umpisa na sila maglaro.

Takbo sila nang takbo, minsan haharangan nila ang bawat isa para hindi makapasok ang bola o kaya aagawin ito saka takbo ulit at shoot ng bola.

Ganun lang ang ginagawa nila hanggang sa natalo si Zaira.

Score: 9-10

Paunahan silang makasampung puntos at sa kasamaang palad mas nauna si Max.

"Yes! Panalo ako," masayang sabi ni Max.

"Siniwerte ka lang," sambit ni Zaira dahil hindi naman ito palaging panalo, minsan siya ang nanalo.

"Ano ginagawa niyo dito?"

Napalingon sila sa nagsalita. Kapag minamalas nga naman, manggugulo nanaman sila.

Tinignan ni Zaira ang sampung lalaki na kakapasok lang. Yung nagsalita siya ang nagsisilbing pinuno nila. Sila rin ang dahilan kaya hinuli sila ng pulis.

"Hi GGSS," bati ni Zaira sa kanila habang nakangisi. GGSS tawag niya dito dahil gwapong-gwapo sila sa sarili.

"Ilang ulit kong bang sasabihin sayo na GKP ang pangalan ng grupo namin. Hindi GGSS," inis na sabi ng leader nila.

"Wala akong paki sa pangalan ng grupo niyo."

Tinignan nila ng masama si Zaira subalit ningisian lang sila nito. Ayaw niya itong tawaging GKP dahil sa ibig sabihin nito na  "Gwapo kami promise."

"Gusto niya yata masaktan," sambit ng isa sa kanila.

"Oo nga. Ano? Sugurin ko na ba?" sabi naman ng katabi nito habang pinapatunog ang kamay.

Nagkatinginan sila Zaira at Ken dahil alam nilang may gulo nanaman. Hindi ba sila nagsasawa kahit na ilang ulit na nila itong pinatumba?

"No need to ask. Just do it!" sabi ng leader nila.

"Nosebleed!" sabi ni Max kaya natawa si Zaira.

Lalong naasar ang mga ito kaya sinugod sila habang nakatingin na para silang papatayin.

Mabilis na kumilos sila Zaira. Umilag sila pareho saka pumili ng kalaban. Sinipa ni Zaira sa likod ang isang umatake sa kanya kaya napadapa ito, hindi pa nakuntento si Zaira, diniinan niya ang pagkaapak niya hanggang sa tumunog ang buto nito.

Bata pa lang sila tinuruan na sila ng karate, boxing, archery, fencing at iba pa, Pati pagtakbo ng mabilis tinuro sa kanila at pagtalon ng mataas, kaya kumpara sa iba mas malakas ang katawan nila at  magaling din makipaglaban dahil na rin sa pagsasanay nila sa kanyang ama. Kahit si Max kasama nila para raw maprotektahan nila ang kailang sarili.

"HOY ANO YAN?!"

Lilinguin na sana ni Zaira yung sumigaw nang hilain siya bigla ni Max paalis.

"Wag mong tignan, pulis yan," aniya habang hawak siya sa kamay at tumatakbo.

Binilisan nila ang pagtakbo saka kinuha ang dala nilang bike, sumakay agad sa likod si Zaira; nakatayo ito sa may apakan na nasa gilid ng gulong, humawak na lang siya sa balikat ni Max para hindi siya mahulog.

"Bumalik kayo dito!" sigaw ng pulis habang hinahabol sila.

Huminto si Max sa tapat ng isang salon.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ni  Zaira.

"Ano ba ginagawa sa salon? Kumakain?" tugon ni Max kaya binatukan siya ni Zaira.

"Seryoso ako. Bakit tayo nandito?"

"Magpapayos ng buhok. Tara!"

Hinila siya nito papasok sa salon.

"Good Morning Maam and Sir," bati ng isang magandang babae, maputi ito at may kulay pulang buhok.

"Good morning," pabalik na bati ni Zaira.

"Magpapagupit kayo?" tanong nito sa kanya.

"Hin---"

"Opo. Magpapagupit po kami. Siya po pakigupitan po ung black sa dulo ng buhok niya," sabi ni Max bago pa mtapos ang sasabihin ni Zaira.

Hinawakan ni Max ang buhok ni Zaira para ipakita ang itim sa dulo; minsan kasi itong nagpakulay ng itim at ngayong  mahaba na ang buhok niya, nasa dulo na ito.

"Sa akin po pakibawasan lang saka pakikulayan," sabi pa niya,

"Magpapakulay ka?" gulat na tanong ni Zaira.

"Oo. Para parehas tayong may kulay."

"Ayeeii! Ang sweet naman ng boyfriend mo," sambit ng babaeng kausap nila.

"Hindi ko po siya boyfriend. Magbestfriend po kami," nahihiya sabi ni Zaira.

"Sorry, bagay kasi kayong dalawa."

Ningitian lang siya ni Zaira.

"Umupo na kayo. Rea, ikaw na bahala sa kanya," tawag niya sa isang babae at pinapunta kay Max bago inasikaso si Zaira.

"Ako nga pala si Ate Lea, ang nagmamay-ari ng salon na ito. Si Rea naman ung kasama ko," pakikipagkilala nito habang sinusuklayan si Zaira.

"Ako naman po si Zai, siya naman po si Max."

"Anong gupit gusto mo?"

"Layer po saka lagyan na rin po ng bangs."

"Sayang naman yung buhok mo kung gugupitan ng maiksi, Kulayan na lang natin para magpantay ang kulay at para konti lang ang ibawas," suhestiyon ni Lea habang tinitignan ang buhok ko ni Zaira.

"Sige po, ayoko rin po paiksian," sagot ni Zaira dahil kalahati sa buhok niya ang kulay itim.

"Siguradong babagay sayo yung gagawin ko."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status