Ngumiti si Caroline at mahinahong hinawakan ang mga kamay ni Gwen. "Naniniwala ako sa kanya!" sabi niya. Sa pagkakatong yun, hindi lang siya kay Bri nakipagpustahan, kundi kay Kirk din. Dito niya malalaman kung tama ba na pagkatawilaan niya ito. Sa tulong ng , napagtagumpayan ni Caroline na alisin ang pulseras. Tinulungan ng isang staff si Caroline na tanggalin ang bracelet, at hindi nagtagal ay dumating na nga si Mr. York. Nagsuot ito ng gloves at maingat na kinuha ang bracelet gamit ang dalawa nitong mga kamay para suriin ito ng maigi. Habang tinitignan ni Mr. York ang authenticity ng bracelet, mayabang na sinabi ni Brie, “Oh Caroline Evans, mukhang mamumulubi ka ngayon.” Hindi pinansin ni Caroline si Brie, bagkus ay nakafocus lang siya kay Mr. York. Ilang sandali pa ang lumipas, inila[ag nito nag bracelet at napalunok, kaya agad-agad na nagtanong si Caroline, “Mr. Yoprk, may problema po ba?” HIndi nagsalita si Mr. York kaya lumapit din si Brie. “Mr. York, alam kong isa kang
Dahil sa malikot na isip ni Gwen, nadamay si Caroline. "Kung totoo ngang anak siya ng isang mayaman, bakit niya ako biglang pinakasalan?” Napakamot si Gwen ng kanyang ulo, na parang bata na nawawala sa math quiz. "Hmmm... di ko rin alam eh!" Ngumiti si Caroline, natuwa sa kakulitan ng kaibigan. "Eh 'di itatanong ko mamaya pag-uwi ko. Doon natin malalaman ang chismis.""Sige, magandang ideya yan!”, masayang sagot ni Gwen na parang nanalo sa lotto.Pagkatapos mag-kwentuhan, tinawagan ni Caroline si Kirk. "Gusto mo bang mag dinner tayo mamaya." Kahit mag-asawa na sila, parang LDR pa rin sila dahil sa magkaibang bahay pa rin sila umuuwi. Hindi pa nga sila nakakakain ng lunch o dinner na magkasama. "Sige!" sagot ni Kirk, na kinikilig."Okay, sa bahay ko ha. Anong gusto mong kainin para makapag grocery ako?” "Kahit ano, basta luto mo."Naisip niya bigla si Eddy. Tuwing siya'y nagluluto, parang drive-thru lang kay Eddy, palaging may order. Hindi niya tinatanong kung ano ba talaga ang
”Ipinapakita lang niyan kung gaano siya kagaling sa trabaho niya. Oh anong niluto mo para sa dinner natin?” BIglang binago ni Kirk ang ang topic at buti nalang, hindi ito napansin ni Caroline at ipinaliwanag nito kung ano ang mga niluto nito. Pagkatapos kumain, nagvounteer si Kirk na mag hugas ng pinggan. Hindi na nakipagtalo pa si Caroline at kinuha nalang ang kanyang laptop para maghanap ng magandang movie na pwedeng panuurin. Comedy ang napili niya, at para bang nakalimutan niya na may bisita siya, kaya paglabas ni Kirk, tumambad sakanya ang Caroline na ng tawa ng tawa. Noong sandaling yun, para bang biglang huminto ang mundo niya. Biglang naalala ni Kirk ang mga picture ni Caroline na nakita niya noong fiance palang ito ni Eddy Morrison. Marami-raming okasyon din ang napuntahan nito, pero sa lahat ng mga yun ay para bang wala itong kabuhay-buhay.. Pero ngayon? Parang ibang Caroline ang nakikita niya.. Buhay na buhay ito kaya naman hindi niya maawat ang sarili niya na titig
”Bakit kaya hindi mo nalang intindihin ang sarili mo kaysa yung didiktahan mo yung mga desisyon ng anak mo?” Agad na nakilala ni Sarah ang boses ni Kirk. "Wala kang pakialam sa buhay namin!" sigaw niya. "Nasaan ka? Wag mong sabihing nasa bahay ka ni Caroline!""Wag kang mag-alala." Hindi talaga gusto ni Kirk ang kanyang biyenan. "Kung anak talaga ang tingin mo kay Caroline, tigil tigilan mo na yang pamimilit mo na magpakasal siya kay Eddy Morrison kasi hindi kami interesado.” Sarcastic na tumawa si Sarah. “Ano bang tingin mo sa sarili mo? Ni sa kalingkingan ni Eddy, wala ka. Siya lang naman ang pinaka makapangyarihang tao sa buong Osbury kaya sa Easton, walang sinuman ang–”HIndi pa man din tapos magsalita si Sarah nang biglang putulin ni Kirk ang tawag. Kitang kita ni Caroline ang galit sa mukha ni Kirk, pero sa pagkakataong ito ay hindi siya natatakot. Sa halip ay sobrang nagpapasalamat siya dito. “Salamat.” Tumingin si Kirk kay Caroline. Gusto niya sanang magsalita pero para
Hindi makapaniwala si Caroline. “A-anong ibig mong sabihin? Paano nangyari na hanggang ngayon ay konektado pa rin ang kumpanya natin sa Morrison Corporation pagkatapos ng maraming taon sa negosyo?" Ang buong akala ni Caroline ay, matagal nang nakalaya ang Evans Group mula sa impluwensya ng Morrison Corp. Oo, alam niyang tinutulungan sila ng mga ito pero mga simpleng rekomendasyon lang naman yun. Namula ang buong mukha ni Dan. Sa totoo lang, matalaga na rin naman talagang gustong humiwalay ng Evans Group mula sa Morrison Corporation, dahil sa pressure, pero kung mawawala ang suporta ng Morrison Corp, malaking himala na lang na hindi sila malulugi. Imposible nang makabangon sila. Tumawa si Caroline. Kaya pala… kaya pala desperado ang mga magulang niya na ibenta siya."Carrie, hindi ko rin ginusto ‘to. Ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon. Ayaw mo rin naman na mawasak ang pamilya Evans, di ba?"Habang umiiyak si Caroline, sabi niya, "Handa mo ba akong isakripisyo para sa pamilya
Nang hindi pa man tumaas ang tingin, sinabi ni Eddy, "Dapat nasa City Hall ka ngayon."Huminga nang malalim si Caroline at umupo sa harap niya. "Hindi ako magpapahiwalay kung magdedivest ka," sabi niya.Tumaas ang tingin ni Eddy at ngumiti. "Caroline, alam mo ba ang iyong sinasabi?""Siyempre," sagot ni Caroline ng mahinahon. "Ngayon ko lang nalaman na ang pamilya Evans ay nakatayo pa rin dahil sa tulong ng pamilya Morrison. Makatarungan para sa'yo na humingi ng isa sa aking mga bato." Bumaba ang kanyang ulo at ang kanyang pulang labi ay bumuo ng ngiti. "Pero, kung gusto mong mamatay ako para makasama mo si Layla, sobra na 'yon."Nakasimangot si Eddy. "Caroline, huwag mong ilagay sa bibig ko ang mga salitang 'yon. Kailan ko bang sinabi na gusto kong mamatay ka—"Iwinagayway ni Caroline ang kanyang kamay para putulin siya. "Ang perang ginugol sa Evans Group ay sa'yo. Walang mali kung gusto mong mag-divest, pero bigyan mo naman ng pagkakataon ang pamilya ko na gawin ang nararapat. N
Sobrang naintriga si Eddy sa kung anong klaseng babae ang nakapagpabihag sa puso ng kanyang Uncle Kirk. Kilalaniya ito na hindi mahilig sa mga babae kaya laking gulat niya na bigla nalang itong nainlove at walang patumpik-tumpik na nagpakasal agad! Hindi nagsasalita Kirk nang lumait sakanya si Eddy, “Uncle Kirk, wag mong sabihin na hindi mo siya ipapakilala sa amin? Nako! Sigurado naman ako na maganda siya!”Hindi ito itinanggi ni Kirk.Biglaang lumaki ang mga mata ni Eddy at napahiyaw "Tama ako! Sabihin mong hinto panaginip, Uncle Kirk. Mas lalo lang tuloy akong curious ngayon dahil ganyan ka. Dapat ipakilala mo siya sa akin agad!"Tinignan ni Kirk si Eddy, na mukhang excited at nag-aabang ng sagot. Ngumiti ito ng bahagya. "Makikilala mo siya."Pagkatapos umalis sa Morrison Corporation, umuwi kaagadi si Caroline at chineck ang kanyang mga contact list. 50 million dollars… katumbas lang yun ng ilang dinner ng mga mayayaman, pero kung sakanila hihingiin, siguro mas madlai pang paga
Nang marinig ni Caroline ang malalim at matikas na boses ni Kirk, doon niya lang narealize kung gaano kahigpit siyang nakayakap dito. Sobrang nahiya siya at dali-daling bumitaw. “Aa… Pa.. pasensya na..ano kasi..” Nang naramdaman ni Kirk na bumitaw si Caroline, hindi siya nag react at sinabi, “Tutulungan kitang manghiram ng pera.”Natigilan si Caroline at naguguluhang sumagot, “Anong sabi mo?” Tinignan ni Kirk si Caroline ng diretso sa mga mata. “Ang sabi ko, tutulungan kitang manghiram ng 50 million dollars.” Kumunot ang noo ni Caroline. "Kirk, salamat, pero makakahanap ako ng paraan. 'Wag kang mag-alala."“Kaya kitang tulungan, maniwala ka sa akin.” Nagpatuloy si Kirk. “Sa totoo lang, parte ako ng Morrison family…” "Alam ko na isa ka sa middle management ng Morrison Corp at malaki ang annual salary mo, pero masyadong malaki ang 50 milluion dolyar," nakangiting sagot ni Caroline. "Maliban na lang kung isa kang tunay na Morrison kasi kung magkataon, ayaw na kitang maging asawa