Sa narinig, gustong lumubog ni Trixxie sa kahihiyan. Unti-unting nanumbalik sa kanya ang mga kaganapan sa nagdaang gabi. Ang pagsusumamo niya kay Gavin na angkinin siya nito. Ang mga galaw na siya mismo ang nag-initiate. Nakakahiya ka talaga, Trixxie! sermon niya sa sarili. “Huwag ka na mahiya! Halika na at maligo. Baka mainip pa ang mga anak natin,” anyaya ni Gavin. Nahihiya man ay paika-ikang naglakad si Trixxie pagkatapos balutin ng kumot ang katawan patungo sa banyo. Nakasunod si Gavin sa kanya, bitbit ang pamalit niya. Nang nasara na ang pinto ng banyo ay nagimbal siya sa nakita sa salamin. Ang kanyang katawan ay napuno ng kiss mark! Ano ba ang ginawa ni Gavin sa kanya at tila pinanggigilan siya nito ng todo? Maayos niyang sinabon at kinuskos ang katawan. Mabuti na lang at wala sa lantad na parte ng katawan naroon ang mga kiss mark. Magiging halata iyon kapag nagkataon, at ayaw niyang tuksuin ng ma
“Talaga anak? Talagang engaged na kayo ni Trixxie?” Hindi mailarawan ang tuwa sa mukha ni Mang Guillermo sa nalaman. Isa ito sa naging dasal niya na mabuo ang pamilya ng anak. Kahit noon pa man ay botong-boto ito kay Trixxie. “Andaya mo naman Kuya! Hindi mo man lang kami sinali sa pinakamahalagang ganap sa buhay mo!” nakangusong sambit ni Greta. “Biglaan na nga eh. Ideya ni Trevin dahil sa Italy pa niya binili ang engagement ring ng Mama n’ya. Kusa na lang niya inabot kaninang umaga sa akin.” Napangiti pa si Gavin nang maalala kung paano na lihim na inabot ng panganay ang isang kahita na may lamang engagement ring. Gawa iyon sa rose gold at may one carat na diamond. Alam niyang mahal ang bili ng anak pero hindi na siya nakatangi pa dito. “Panis ka pala sa diskarte ng anak mo kuya! Naku, nasaan na ang Gavin Mendez na kilabot ng mga babae sa San Bartolome? Tiklop ka yata sa panganay mo at sa mapapangasawa!” k
Lupaypay si Trixxie sa tatlong magkasunod na rounds. Kaagad siyang hinila ng antok at pumikit na. Napangiti si Gavin. Hinaplos niya ang magandang mukha ni Trixxie. Kung noon ay gigil na gigil siya sa kamalditahan nito, ngayon ay hindi niya mapigilan na maawa dito. Awa in a sense na palagi niya itong hinuhusgahan. Dangan kasi napakasama ng reputasyon nito sa San Bartolome. Kung may three musketeers ay may tres bratinellas din naman sila. Notoryus na bully ang grupo ng mga ito sa pagiging palaaway na nga at mga pasaway pa. Kaya naman laking gulat niya ng unang makaniig ito dahil sa kabila ng pagiging maldita nito ay napanatili nitong buo ang sarili. Hindi naman kaagad siya nagkaroon ng damdamin dito. Lalo at pagkatapos ng insidente ay pansamantala siyang nagpalamig sa Maynila. Isang buwan siyang nag-leave noon sa trabaho sa takot na baka puntahan siya ni Mang Enrico pero ni hindi man lang ito nagawi sa kanila. Inayo
“That was great.” Bulong ni Gavin kay Trixxie matapos nila kapwa maabot ang rurok doon sa silid na pinagdalhan nito sa huli. Namula si Trixxie sa sinabi ng mapapangasawa at mahinang tinampal ang dibdib nito. “Still shy? May binata na nga tayo. Come on my love, huwag ka na mahiya.” May hinugot na panyo si Gavin sa bulsa at ginamit iyon na pamunas sa basang kaselanan ng nobya. Sa hilakbot ni Trixxie ay inamoy-amoy ito ni Gavin. “Yucks!” Nandidiri saad ni Trixxie na tumikwas pa ang kilay sa ginawang iyon ni Gavin. “It smells sweet to me. The world's best aphrodisiac,” pilyong saad nito bago binalik sa bulsa ang dalang panyo. “Come at baka hinahanap na tayo ng dalawa.” Inabot ni Gavin ang kamay kay Trixxie at iginiya na ito palabas ng kwartong iyon. “Mama, I'll be using right next to your room,” sabi ni Tatiana. Kumunot ang noo ni Trixxie. Hindi pa kasi niya nakikita ang
Makalipas ang dalawang araw ay namanhikan na ang mga Mendez sa mga Angeles. Syempre pa, si Tatiana ang pinaka kinilig sa lahat. Dinaig pa nito ang Mamita at Mama nito dahil posturang-postura ito. Ni-request ba naman nito sa beautician na dapat maganda siya. Tanging sina Mang Guillermo, Gavin, at Greta ang naroon. Nasa Mindanao kasi ang kanilang mga kamag-anakan. Hindi rin nakarating si Greg na malapit na matapos sa pag-aaral. “Ang gusto lang namin ay maging maayos ang lahat. Hindi naman kailangan na bongga o di kaya ay magarbo,” ani Senyor Arthur. Naroon sila sa malawak na sala ng mansion, kasama ang sambahayang Angeles. “Si Trixxie na ang bahala sa detalye, total siya naman ang ikakasal,” sabi ni Senyora Anatalia. “Basta Mama, ako ang little bride ha!” singit ni Tatiana na nakadikit sa ama. Tinitignan niya ng napakatamis si Trixxie ngunit pinandilatan ito ng ina.
Nang matapos ni Trixxie ang gusto niyang disenyo ng magiging bahay nila mag-anak, lumuwas sila ng Maynila ni Gavin. Mamili sila ng mga muwebles pati na rin ng mga materyales na gagamitin sa mga gagawing interior design. Sa wakas ay nagamit din ni Trixxie ang kurso na hindi niya natapos dahil sa maagang pagbubuntis noon. Nasa isang Home Improvement depot sila ni Gavin. Bitbit ni Trixxie ang listahan ng mga gustong design at kulay ni Tatiana para sa kwarto nito. Halos buong maghapon silang namili. Syempre pa gastos lahat iyon ni Gavin. Ang mga binili ay ipapadeliver na lang niya sa kanila at puno ang isang closed van sa dami ng kailangan nila. Alas tres na sila lumabas ng pinamilhan at sandaling nagsadya sa isang restaurant para kumain. Kanina pa patingin-tingin si Gavin kay Trixxie, na siyang ipinagtaka ng huli. Kumunot tuloy ang noo ng huli sa ginawa ni Gavin. “Care to share your thoughts?” kapagkuwan ay tanong ni Trixxie. “Ang swerte ko talaga, bukod
“Sige bolahin mo pa ako Mendez!” tanging nasambit ni Trixxie. Totoo naman na maganda siya. Ebidensya na ang dalawang anak na pawang kawangis niya. “Totoo naman, my love. Sa lahat ng naging nobya ko ikaw ang pinakamaganda, pinaka-sexy at ang natatanging virgin na nakuha ko,” sambit ni Gavin. Nagusot ang mukha ni Trixxie sa narinig. “Hindi ikaw ang nakauna kay Honey at Dianne? Galit na galit pa naman si Kuya Harvey sa’yo dahil sa babaeng iyon. First love ni Kuya Harvey, at talagang iniyakan niya ang babaeng iyon.” Bumalik sa alaala ni Trixxie kung paano maglasing ng palihim ang kapatid sa kwarto nito. Hindi ang muntikang pagka-expel nito at pakikipag-rambulan kay Gavin, o ang sermon ng magulang ang labis na dumurog dito. Kundi ang ideyang ibinigay ni Honey kay Gavin ang isang bagay na hindi niya pilit kinuha. “Ha? Ang tanga naman ng kapatid mo! Hindi marunong kumilatis ng baba
Dapit-hapon na sila nakarating sa San Bartolome. Paano ba naman, pagkagising nila pareho ay humirit pa si Gavin ng isa. Pero, nabudol si Trixxie dahil ang sinabing isa ay naging dalawa. Kaya, si Gavin ay pasipol-sipol na nagmamaneho ng sasakyan na parang nanalo ng jueteng. Si Trixxie ay kanina pa aligaga. Kahit naman kasi magpagkapilyo ang kapatid ay istrikto ito sa trabaho. Kahit ang ilang tauhan ay ilag dito. At tanging si Erica lang ang kayang pasunurin ito. “relax, my love. Tiyak maiintindihan ka ng kapatid mo. Parang hindi naman siya dumaan sa ganitong stage,” ani Gavin. Ginagap pa niya ang kamay ni Trixxie na kanina pa nagkikiskisan. Nakaabang na sa gate si Tatiana at Trevin, sila ang unang nakita ng ina ng makarating sila sa mansion ng mga Angeles. Bumaba na kaagad si Gavin at pinagbuksan ng pinto ang nobya. Isang mapanuring tingin ang ipinukol ni Trevin sa ama na napakamot na lang sa batok. Tumaas ang kilay nito at pailalim na tiningnan