Share

Chapter 56

Babangon na sana si Trixxie pero pakiramdam niya ay umikot ang mundo niya. Sandali niyang pinikit ang mata at kumapit sa headboard ng kama. Umaatake na naman ang vertigo niya, iyon ang sambit ni Trixxie sa sarili.

Dahan-dahan niyang minulat ang mata at naglakad papunta sa banyo. Umihi muna siya at pagtayo niya, parang hinalukay ang sikmura niya. Nagduduwal siya na wala nilalabas kundi puro laway na malalagkit.

Nagmugmog si Trixxie at nag-toothbrush na rin. Masama ang lasang iniwan noon sa kanyang bibig na kahit ang toothpaste ay hindi kayang tanggalin kaya tatlong beses siyang nagmumug ng mouthwash.

Napatingin si Trixxie sa sariling repleksyon sa salamin. Medyo namamaga ang kanyang talukap at eyebags. Hindi pa rin niya maiwasan na malungkot sa sitwasyon nila. Ikakasal siya pero ang dating asawa ay buhay pa! Kung paglaruan ba naman sila ng tadhana!

Naligo siya ng maligamgam na tubig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jane Jane
hahahaa iba ka gavin......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status