Share

Chapter 55

Tinitigan ni Trixxie si Gavin. Alam niyang mahal na mahal siya ni Gavin. Nalungkot lang siya nang nalaman na buhay pa si Brandt. Ano kayang paghihirap ng loob ang pinagdaanan nito? Kung may pilat ito sa mukha ay malamang naka-survive ito sa huling misyon bago ito dineklarang namatay. Kaawa-awang Mama Belinda, namatay sa pag-aakalang namatay ang anak. Gusto niya muling makausap si Brandt, ng sila lang. Hindi sa gusto niyang maghabol dito. Gusto niyang linawin ang mga bagay na gumugulo sa isipan niya. Katulad ng sino ang may banta para kanino?

Tahimik nilang nilisan ang inn na iyon. Ni gaputok ay walang namutawing kahit ano sa kanilang mga labi. Kapwa nakikiramdam sila sa isa't-isa. Ang kaninang tigmak ng luha na pisngi ay malinis na.

Ayaw munang magsalita ni Gavin. Hinayaan niyang makapag-isip si Trixxie. Ayaw niyang pangunahan ang mga iniisip ng nobya. Ayaw niyang muli na maging emosyonal ang nobya. Kaninang nakita niyang yumakap ng mahigpit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status