Share

Chapter 88

Magtatanghali na ng makauwi ako sa mansyon. Dahil sa nakita kong dami ng mga nagkamatay na mga hayop sa hacienda ay tumulong na rin ako sa pagsusunog sa mga ito. Halos wala ng kalahati sa mga hayop ang natira at nakaisolate. Nabakunahan ulit sila at umaasa akong sana ay makaligtas ang mga ito. Ang karamihan sa mga trabahador namin dito sa hacienda ay pansamantala na munang umuwi dahil sa nangyari at sa kawalan na ng aasikasuhin dito sa hacienda.

Maayos din ang kalagayan ng mga katiwala dito sa bahay na naiwan.

"Ma'am Lauren, dito po ba kayo magpapalipas ng gabi?" tanong ni Sherly na ngumunguya.

Kasalukuyan kaming nagtatanghalian ngayon. Salo-salo kaming lahat dito sa hapag kainan ayon na rin sa utos ko. Ayaw pa nila sa una pero pinilit ko sila. Ngayon na lang ako ulit umuwi at baka matagalan na naman bago ako bumalik.

"Hindi," iling ko. "Kailangan ko rin agad bumalik sa hospital para bantayan si Dad. Kukunin ko lang ang mga pinapakuha ni Aling Rosing," sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status