Share

Chapter 87

Pagkalabas ko ng gusali ay sinipa ko ang nakita kong trash bin na katabi ng pintuan. Umalingawngaw iyon at gumulong sa lupa. Nagagalit ako pero hindi ko alam kung kanino ko dapat ibaling ito. Tapos na rin naman ang lahat. Wala na akong magagawa pa kundi tanggapin ang lahat dahil hindi na maibablik pa ang nakaraan.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay biglang nagring ang aking cellphone.

Kinuha ko ito. Unregistered ang number pero sinagot ko pa rin.

"Hello?" bungad ko.

"Ma'am Lauren! Come back here in the hospital!" aligagang turan ng isang babae. Base sa boses nito ay alam ko na kung sino ito. Ito yung nurse na pinagalitan ako dahil sa kasisigaw ko kahapon.

Agad akong ginapangan ng kaba. Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone.

"B-Bakit? May problema ba?" tanong ko.

"You're father had an heart attack!" sigaw niya sa hinihingal na boses.

Pinatay ko na agad ang tawag at halos patakbong nilapitan ang sasakyan ni Koko. Sa nangingi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status