Share

Chapter 3 (Dwight)

"YOUR radiance resonates beauty not just on the outside, but also in the inside..."

Hindi na natagalan ni Syrellie ang mga titig ni Dwight. Iniiwas niya ang paningin dito.

"Thank you all for coming and making this event a success," he ended with a closing remark.

Marahang ipinikit ng dalaga ang mga mata. Dumilat siya uli, saka napabuntong-hininga. Kung alam lang niya na kompanya ni Dwight ang kumuha sa kaniya, nungkang papayag siya na maging endorser ng produkto nito. Kahit pa tutukan siya ng shotgun ng may-ari ng Agence Seo Marseille ay hinding-hindi siya papayag. Magkamatayan na't magkamatayan.

Bakit ba kasi hindi niya inalam muna ang mga detalye ng pinirmahan niyang kontrata? Dapat din pinilit niya ang may-ari ng Agence Seo Marseille na magsabi kung ano'ng pangalan ng kompanyang kukuha sana sa serbisyo niya. Ang tanging alam lang kasi niya'y ang brand name ng produkto ng mga ito. Hindi niya inalam ang iba pang mga detalye patungkol sa kompanyan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status