NANG makauwi sa kaniyang condo ay agad na hinagilap ni Dwight ang resulta ng Semen Analysis o Male Fertility Test na isinagawa sa kaniya mahigit limang taon na ang nakakalipas. Mabuti na lang at naitago pa niya iyon. N'ong gumaling kasi siya sa erectile dysfuntion niya ay agad siyang nagtungo sa kaniyang doktor na nagtatrabaho sa Solivan Medical Hospital na pag-aari ng pamilya nila. Nagpa-checkup siyang muli nang mga panahong iyon. Gusto kasi niyang makasiguro. Gusto niyang makasiguradong walang problema sa sperm count niya, and that he was still capable of impregnating a woman. Hindi naman sa nagdududa siya. He was just eager to know if his sperm was still healthy despite the fact that he suffered from erectile dysfunction. Noong mga panahong hawak-hawak na niya ang resulta, at nabasa na niya iyon ay halos gumuho ang mundo niya. Gumaling nga siya sa sexual dysfuntion niya, pero nagkaproblema naman sa sperm count niya. His doctor told him that he was not capa
"WHAT does this mean, Dr. Zachary?" Inis na ibinalibag ni Dwight ang hawak na papel. Iyon ay ang resulta ng Semen Analysis niya five years ago. Base sa nabasa niya. Magkaiba ang resulta na natanggap niya. Ang resulta noon ay nagsasabing baog siya. Habang ang bago nama'y nagsasabing malusog ang sperm cells niya, at marami ang sperm count niya. Samakatuwid, he wasn't a barren man. Hindi siya baog! Kahit ilang lahi pa ang i-produce niya ay kayang-kaya niya. Napahilamos siya ng mukha. Nagpalakad-lakad siya nang paroo't parito habang nakapamulsa sa faded denim pants na suot. Nang dahil sa resultang iyon, nagkaleche-leche ang buhay niya. At ang masakit pa sa lahat, hindi niya pinangatawanan ang pagiging ama sa mga anak nila ni Syrellie, dahil lamang sa akala niyang hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis nito—ang akala niya'y nagpagalaw ang dalaga sa ibang lalaki. Hinusgahan na naman niya ito nang wala namang dahilan. Damn! Marami na siyang kasalanan kay Ellie.
"WHAT was that all about, Sir? Hindi man lang kayo naawa sa staffs and crew. Talagang pinaulit niyo pa ang script at scenes," saad ni Syrellie kay Dwight. Napasimangot siya.They were currently at Hotel Solivaness. Nagpakain doon si Dwight matapos ang TVC shoot nila. Nakatayo siya sa isang sulok nang bigla na lamang siyang lapitan ng binata.Halos natagalan sila kanina sa ginawang pagbabago sa last part. Ginawan pa kasi iyon ng panibagong script, saka ipinasa uli kay Dwight para mabasa. Approved agad dito ang panibagong script. Ang ginawa na lang sa last part ay inayusan ang ibang talents para maging blooming din tingnan. Kumbaga, may mga nahikayat sillang gumamit ng Elliegance Timeless Grace Beauty Essentials. Nasa likuran nila ni Warren ang mga ito habang tila mga modelo silang naglalakad. "I just don't like the last part. It annoys me. I don't want any other men hold you," narinig niyang tugon ni Dwight. His voice carried a tangible possessiveness, as
"MAMA, who is Tito Dwight? What is he to you?" tanong ni Kenjie na siyang nagpatigil sa kakahaplos ni Syrellie sa buhok ng anak. Kasalukuyan silang nasa silid. Napapagitnaan siya ng dalawang anak. Natutulog na si Kelly. Sa kambal kasi, ang babaeng anak niya ang nauunang makatulog sa gabi. Palibhasa hindi ito masyadong natutulog sa hapon. Unlike Kenjie who's fond of sleeping in the afternoon. Napalunok si Syrellie. Hindi niya alam ang itutugon sa anak. Hindi niya alam kung may nahahalata na ba si Kenjie sa mura nitong edad na apat. Pero matalino ang anak niya. Sa dalawa niyang kambal, si Kenjie ang mahilig mag-obserba. Mama's boy ito, pero mas matured itong mag-isip kumpara kay Kelly. Sa nakikita niyang pakikitungo nito kay Dwight, ramdam niyang nagtataka na ang anak niya kung bakit palagi siyang hatid-sundo ng binata sa mga nakaraang photoshoot nila. Alam niyang nagtataka na si Kenjie kung bakit palagi itong bumibisita sa kanila, at may mga dala-dala pa
"MAMA, why are we transferring to Tito Dwight's house?" inosenteng tanong ni Kelly sa kaniya. Kasalukuyan silang naghihintay kay Dwight sa may sala ng kanilang apartment. Makalipas ang isang araw magmula nang mag-usap sila ng binata sa loob ng kotse nito ay napagpasyahan nitong ilipat na sila sa lalong madaling panahon. Ang gusto pa sana nito'y ora-mismo, kinontra lamang niya dahil hindi pa sila handa. Hindi pa sila nakakapag-empake. At isa pa, masyado namang nakakahiya sa landlord nila kung bigla-bigla na lamang silang aalis. Oo nga at bayad na sila, pero ayaw lamang niyang biglain ang may-ari.Nagpalipat-lipat ang titig ni Syrellie sa kambal. Nasa mga mata ng mga ito ang pagtataka. Alam niyang sa murang edad ng dalawa ay nagtatanong na rin ang mga ito kung bakit sasama sila kay Dwight. Hindi naman kasi nila ito kaanu-ano—that’s what the twins thought. Hindi pa kasi nila naipagtatapat ni Dwight na ito ang ama ng dalawa. Ang gusto sana ng binata ay
“HOW come you are our father?” mahinang tanong ni Kenjie nang isiniwalat na niya ang katotohanang si Dwight ang ama ng mga ito. Magkaharap silang nakaupo ni Dwight sa patio chair na nasa veranda ng mansyon nito. Katabi niya si Kenjie, habang si Kelly naman ay nakakandong sa binata. Nasilayan niya sa mga mata ni Kelly ang tuwa nang marinig nito ang sinabi niya. Niyakap pa nito ang ama, at pinupog ng halik. Habang si Kenjie nama'y hindi muna nakapagsalita. Blangko ang ekspresyon nito habang nakatitig lamang kay Dwight. “Kenj, Tito Dwight is our father. It answers the question why you two have the same face.” Napahagikhik si Kelly. Nginitian niya ang babaeng anak, saka humarap siya kay Kenjie. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito. “Yes, baby. Kelly is right. ‘Di ba you were always asking me kung bakit magkamukha kayo ng Tito Dwight mo? Because he is your father…your real father.” “But, Mama…” Kumibot-kibot ang mga labi ni Kenjie, saka
NAGISING si Syrellie sa mabining hagikhikan, kasabay niyon ay ang sunod-sunod na pagpupog ng halik sa magkabila niyang pisngi.Bahagya niyang idinilat ang isang mata. Lihim siyang napangiti nang tumambad sa paningin niya ang kaniyang mga anak. Nasa magkabilang gilid niya ang mga ito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos mula nang magkaisip ang mga ito ay palaging gan'on ang eksena tuwing umaga kapag nauuna ang mga itong magising sa kaniya.Nagkunwari siyang tulog. She savoured the moment. Ang sarap sa pakiramdam na gigising siya sa umaga na ganito ang bubungad sa kaniya. Hindi siya sigurado kung hanggang sa paglaki ng mga anak niya'y ganito pa rin ba ang mga ito, kaya naman dadamhin lang muna niya ang sayang dulot ng paglalambing ng kambal."Mama doesn't wake up, Kenj," narinig niyang saad ni Kelly."Yeah, maybe because she's too exhausted," tugon naman ni Kenjie.Lihim siyang napangiti. Alam niyang walang kaalam-alam ang mga itong gising na s
DWIGHT couldn't contain his anger. His anger surged like a tempest, a tempest that threatened to engulf everything in its path. Kuyom ang magkabilang kamao na naglakad siya. Dederetso na sana siya sa kusina, pero nang maalalang naroon ang kaniyang mga anak ay napatigil siya. Ayaw niyang makita siya ng kambal na nasa ganoong sitwasyon. Baka akalain pa ng mga ito na inaway niya si Syrellie.He cursed silently. He went into his room. Kinuha niya ang isang kaha ng sigarilyo at lighter mula sa drawer. He headed towards the veranda after. He got a stick from the cigarette case, and lit a cigar.Sunod-sunod siyang napahithit habang naniningkit ang mga matang napatingin sa malayo. Kay aga-aga, paninigarilyo agad ang inatupag niya. Kung hindi lang sana siya na-badtrip. Mapapaaga ang pagkamatay niya nito sa pinaggagagawa niya. He wasn't a chain smoker, he only smoked when he's exhausted and had a problem. At ngayon nga ay may problema siya.Gusto na sana niyang sabihin kanina kay Syrellie ang l