HINDI naging madali lahat kay Minnie, pagkatapos na makabalik ni Aevo.
Sa araw din iyon ay napag-pasiyahan nito na bumalik na sila sa Maynila. Nasa hapag-kainan at kumakain ang lahat sa mansyon ng Hacienda Ramirez nang i-open iyon ni Aevo.
"Final na ba iyan ijo, I mean akala ko ay mag-iisang buwan pa kayo rito ng mga bata,"ani ni Don Hidalgo na natigilan pa sa pagkain.
"Im sure of it Pa, besides ay kailangan na rin akong bumalik sa kumpaniya. Ilang taon na rin naman nang huli akong makapag-trabaho," pinal na saad nito.
"Kung iyan ang desisyon mo naiintindihan ko." Kahit iyon ang sinabi ni Don Hidalgo ay natitiyak ni Minnie na masama ang loob nito.
Tinapunan lang niya si Aevo na patuloy pa rin sa pagkain. Nang matapos nga silang kumain ay pinauna niya ito, dahil kailangan pa niyang kausapin ang ama. Aasikasuhin niya rin ang mga anak pagkatapos.
"Papa, pasensiy
KINABUKASAN maagang nagising si Minnie para maghanda ng almusal para sa Papa niya. Iyon kasi ang huling araw nila sa Hacienda. Matagal na naman silang makakadalaw sa ama, natitiyak niya iyon dahil magiging busy na naman sila sa Maynila."Napakabango naman niyan ija," papuri ni Don Hidalgo na kapapasok lamang sa kitchen. Kahit bukas ang exhaust pan ay naamoy pa rin nito iyon."Thanks Dad, actually para sa iyo talaga ho ito. Kasi, matagal na naman kaming hindi kami makakauwi rito," tugon niya na agad yumakap at bumeso sa ama na tumabi sa kanya."Napaka-sweet mo talaga 'nak. Iyan ang isa sa mami-miss ko kapag bumalik na kayo sa Maynila," malungkot nitong ani.Mapait naman na nangiti si Minnie at tinigil ang paghahalo sa sopas."I'm sorry Papa, mas makakabuti kasi na tuluyan na kaming umuwi ng asawa ko para na rin makapag-moved forward kami sa bago naming bubuuin na buhay," nasabi na lang ni Minnie.Tumango-t
PINAGMASDAN lang ni Aevo ang paglabas ng silid ni Minnie. Tuluyan na siyang nahiga at napapikit, totoo ang sinabi niya kanina. Pagod siya kaya hindi niya makayang makipag-kwentuhan kay Aizo."Stupid woman, panay drama tsk!" bulong niya. Nangapa siya sa bulsa at isang matamis na ngiti ang pumunit sa labi niya. Nagmadali siyang bumangon at nag-locked ng pinto. Tingin naman niya ay matagal pa bago bumalik ang asawa...Nagpunta nga si Minnie sa playroom at nakita niyang masayang naglalaro ang mga bata, habang nasa gilid naman ang mag-asawang Aizo at Lauren na nagkwe-kwentuhan.Maluwang ang kwarto, iba't ibang kulay at mga sticker ang nakadikit sa ding-ding. may basketball court din doon na pweding makapaglaro si Vonie. Sa batang edad nito ay nahihilig na ito sa pagba-basket ball.Kasalukuyan ngang nagdri-dribell ang anak ng bola habang ang kambal at mga anak naman nina Lauren ay naglalaro naman ng bahay-bahayan sa mini town na in-arrange
PAGKATAPOS na makakain sila ay pinili na nilang umuwi, dahil tulog na sa kalasingan si Aizo ay si Aevo ang nagmaneho.Habang si Minnie naman ang nag-drive kasama ang mga bata at si Lauren.Ang dalawang matanda naman ay kasama ang family driver ng mga ito. Halos madiin ang pagkakatapak ni Minnie sa preno nang biglang sumingit ang kotse ni Aevo at pinaharurot iyong ng sobrang bilis."My gosh! Ivana, nakita mo asal ng asawa mo. Para siyang kas-kasero sa gitna ng higway! Hindi ba niya alam na kasama pa natin ang mga bata. Habang siya, nasa kotse niya ang asawa ko!" inis na sabi ni Lauren na iiling-iling at nakasimangot pang nakatitig sa harapan. Tumanghod-tanghod pa ito para tanawin ang nakalayo ng sasakiyan ni Aevo."Sorry Ren, don't worry pagsasabihan ko si V pagka-uwi natin." Hinging-paumanhin niya rito."Thank you, sana naman makinig ang asawa mo sa'yo. Kumpara dati ay mas matigas ang ulo niya ngayon," sambit pa nito. Hindi p
TULUYAN nagpahila si Shamcey sa lalaki na hindi man lang inaalis ang malagkit na pagkakatitig sa kanya."Wala pang isang linggo pero sobrang na-miss na kita. Sana nga matapos ko na ang dapat kong tapusin para makapagsama na tayo uli," malambing na saad nito at masuyong hinawakan ang palad niya." K-kung itigil na lang natin ito, magpakalayo na lang tayo at muli tayong mag-umpisa ng anak mo. Natitiyak ko maiintindihan ni Jenina, dahil malaki na siya," pangungumbinsi ni Shamcey na hinawakan din ang palad nito.Bigla naman nawala ang ngiti sa labi ni Aevo at tuluyan binuhusan ng red wine ang baso na nasa tabi niya at tuloy-tuloy na lumagok doon." Do you understand what I'm sayin hon, please..." may pakiusap sa tinig ni Shamcey.Ngunit isang malakas na pagbagsak ng kamao ang ginawa sa lamesa ni Aevo na ikinatigil pa ng ibang sasabihin ni Shamcey."Ikaw!"
TUMAYO na rin si Shamcey makaraan ang isang minuto na nanatili lamang siyang nakaupo sa kama.At tulad ng ginawa ni Aevo ay kailangan na rin niyang umuwi. Dahil hindi niya rin gusto na mapaghinalaan siya ng asawa. Patayo na siya ng marinig niya ang sunod-sunod na doorbell mula sa pinto ng unit.Inaakala niya na si Aevo iyon at naisipan bumalik. Ngunit laking gulat niya ng buksan niya ang pinto ay si Gideon ang tumambad sa kanya mula sa labas."P-paanong nalaman mo ang lugar na ito?" kinabahan niyang tanong.Ngunit hindi nagsalita ito, kung 'di tuloy-tuloy itong naglakad papasok."Sumagot ka bakit ka narito anong ginagawa mo rito?" Sunod-sunod na tanong ni Shamcey na sinusundan ng tingin ang pagpasok at ginawang pagmamasid ni Gideon sa loob ng unit na nanatili pa rin magulo dahil sa namagitan sa kanila ni Aevo.Hinigpitan ni Shamcey ang pagkakapul
KUNG hindi pa dumating ang police patrol na nakakita sa kanya ay hindi pa titigil si Gideon sa kasusuntok sa semento."Sir, ihahatid na ho namin kayo," ani ng pulis na lumapit sa kanya. Akma siyang hahawakan nito, ngunit itinaas na lang ni Gideon ang kamay para umiwas."Huwag na kaya ko ang sarili ko," sabi ni Gideon na pinili ng tumayo."Sir, duguan po ang kamay niyo. Idaan na lang namin kayo sa pinakamalapit na pagamutan," wika naman naman ng kasama pa nitong pulis."Hindi na kailangan, kaya ko. Sige na salamat." Saka na naglakad at bumalik sa sasakiyan si Gideon.Pinaharurot na niya ang kotse, ngunit hindi gaanong kabilis. Mahirap na baka masita pa siya ng mga pulis na naagaw niya ng atensyon.Isa lang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Isang lugar na maari niyang puntahan para palipasin ang lahat ng problema niya ngayon.
NAGISING sa pagbukas-sara ng pinto ng kanilang silid si Minnie. Unti-unti ay iminulat niya ang mata at nakita niyang si Aevo ang pumasok. Nagpunta ito sa banyo, maya-maya ay lumabas ito roon at linapitan siya.Nanatili lang naman siyang nakapikit, pero gising na gising ang diwa niya."Are you wake up, can we talk?" tanong ni Aevo sa kanya.Unti-unti ay nagmulat naman si Minnie, nagkasalubong ang kanilang mata nito. Tuluyan na siyang bumangon at napaupo sa kanilang kama."Ano bang gusto mong pag-usapan." Nakaiwas ang tingin na sagot niya. Sa mga oras na iyon ay nanatiling masama ang loob niya sa asawa.Hindi pa rin niya ito napapatawad sa ginawa nito sa kanya."Gusto kong mapag-usapan natin ang nangyari kanina. First, inihihingi ko ng sorry. Sa totoo lang nabigla ako. Nagpadalos-dalos ako at aminado akong nasaktan kita. P-pero hindi mo naman ako m
UMUWI na nga sina Minnie at Aevo sa dating mansyon nila na nasira lang naman ng sumugod doon si Xiamvylle.Si Aizo ang umasikaso sa pagpapaayos ng mansyon. Mabilis naman natapos ang pagpapa-renovate dahil hindi naman problema ang pera.At katulad ng inaasahan ni Minnie ay pinanitili ni Aizo ang dating estilo nito."Welcome back Daddy!" Sabay-sabay na hayag ng mga anak nila."Kayo talaga ang kukulit niyo, sige na samahan mo na sila Candy para makapag-palit. May darating tayong bisita mamaya, tawagin ko na lang kayo kapag nandito na siya," bilin naman ni Minnie sa yaya ng mga anak na agad naman naman naintindihan ang ipinag-uutos niya.Habang nagbaba naman si Aevo ng mga maleta nila ay napatanong ito kay Minnie."Sino ba ang darating mamaya?""Si Mama Sandy, marami siyang pasalubong sa mga bata at sa atin galing Europe," balita niya sa asawa."Ah, ganoon ba..." ang tila walang-gana na sabi naman nito. Isang boy ng mansyon nila ang lumapit sa kanila at nagb