Share

CO 42:

•Gaea•

Pagkarating namin sa taas ay dinala ako kaagad ni Clyden sa opisina niya. May mga empleyado roon na kakaiba ang tingin na ibinibigay sa akin ngunit wala naman akong pakialam sa kanila.

Itinuro ni Clyden ang sofa na malapit sa may binatana ng opisina nito kaya kaagad pumunta roon at umupo. Sumunod naman siya sa akin at ipiniin ako roon.

"Hintayin mo lang ako rito, babe. Babalik din ako kaagad kapag natapos ang meeting," saad niya habang hinahaplos ang aking mukha. Tumango naman ako at hinawakan ang kamay niyang humahaplos sa aking mukha. "Kapag na-bored ka, buksan mo lang iyong pintuan na iyon. Kwarto ko iyon dito sa opisina para makapagpahinga ako kapag pagod sa trabaho."

Tinuro nito ang kulay puti na pintuan sa may kanang bahagi. Tumango naman ako at tumayo na para hilahin siya palabas. Sa tingin ko ay ilang minuto na ang lumipas nang magsimula ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status