Share

CO 73:

•Gaea•

"Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita." Nanunuring tingin ang binibigay nito sa akin tila ba may kulang sa aking sinasabi. "Totoo nga, Clyden, gusto ko ngang humingi ng tulong sa'yo para ipahanap siya."

Nagdikit ang kanyang kilay dahil sa sinabi ko. Iyon naman palagi ang reaksyon niya kapag may sinasabi akong tungkol sa mga lalaki.

"Bakit kailangan mo pa siyang ipahanap? Nagustuhan mo ba siya sa unang kita mo sa kanya?" kunot-noong tanong niya. Kaagad akong umiling at hinuli ang kanyang kamay. Lumanghap ito ng hangin at malalim na bumuntong-hininga tila ba ang laki ng problema niya.

Mas lalo itong lumapit sa akin at niyakap ako. Yumuko ito nang kaunti at inilagay ang ulo niya sa aking balikat. "Natatakot akong mawala ka ulit sa akin, Gaea," puno ng sinseridad niyang usal.

Tumaas ang kamay

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status