Hindi ako makatulog nang gabing ito dahil sa pag-iisip sa problema ko sa probinsya namin. Nakalipas na apat na araw pero wala pa rin akong mahanap na malaking halaga na kailangan. Naghanap na rin ako ng maaaring utangan pero lahat sila ay wala rin ipahiram sa akin. Naiintindihan ko naman sila at katulad ko ay hirap din sila sa buhay. Wala na akong maisip na solusyon sa suliranin namin. Sobrang importante sa amin ng bahay at lupa na 'yon. Kaya hindi ako papayag na mawala na lang yon basta. Saka saan na lang titira ang pamilya ko kung mawawala ang bahay namin? May tatlong araw pa ako na itinakdang araw ni Sang na kailangan mabayaran ang bahay namin. Hindi ko na alam kung kanino lalapit pa. Pagod na ako, sa totoo lang. Pero laban lang!Kapag kay Cory naman ako lumapit upang umutang ay baka hanggang sa kaapo-apohan ko ay may utang sa kanya. "Lord, bigyan mo ako ng senyales kung dapat ko na bang ibenta ang aking pooh key, este puri at dangal pala," kausap ko sa kawalan. Napabuga na lang a
"Your balance is not enough to make this call," namilog pa ang aking mga mata ng marinig ko ang sabi ng operator bago naputol ang linya. Anak ng pating! Halos mategi ako sa nerbyos at kaba tapos wala naman pala ako load! Ang sarap iuntog ng sarili ko sa pader!"Gelay, libre ang maging tanga, wag mo lang araw-arawin!" pagalit ko pa sa sarili ko. Mamaya ko na nga siya tatawagan at para makapag-ensayo pa ako ng sasabihin ko sa kanya.Nagdesisyon na lang ako na ubusin muna ang king kape bago pa ito tuluyang lumamig. Winaglit ko muna sa aking isipan ang mga bagay-bagay. At kahit saglit ay mapahinga ko muna ang utak ko. Pero buo na ang desisyon ko na tanggapin ang alok ni busangot basta hindi ako ang talo sa kasunduan. Habang nagkakape ako ay mayroon na naman kumatok sa pinto. Hindi na yata matatahimik ang buhay ko ngayong umaga!"Vakla! Napasugod ako rito, alam mo kung bakit?" pambungad na tanong ni Vienna sa akin ng mapagbuksan ko siya ng pinto. Pinasadahan ko pa ang ayos niya mukhang h
"Hindi raw type. Sus, feeling gwapo!" kausap ko pa sa aking sarili matapos ang pag-uusap namin. Kahit sa cellphone ay masungit pa rin. Kaya siguro walang gustong magpakasal sa kanya dahil may kasama ang kanyang ugali na tagay. Saka parang galit sa mundo, hindi magawang ngumiti. Tatawa na nga lang ay yung may pang-iinsulto pa. Pero mabuti na rin ang malinaw na hindi niya ako type at lalong hindi ko siya type! Ito na talaga at wala nang bawian. Ayaw ko naman na ibenta ang atay ko. Napailling na lang ako nang maalala ko na naman si Vienna. Loka talaga ang babaeng 'yon. Hays, ewan."Vakla! Vakla! Saan ka punta?" Sigaw ni Vienna sa akin nang makita niya ako sa baba. Nakatambay pala ang bruha sa may tindahan ni Ate Elda. Sure ako na may bagong chismis siyang nasagap kaya nasa tindahan siya. Kaya naman kahit nagmamadali ako ay pinuntahan ko pa rin siya."Saan ka pupunta?" tanong niya ng makalapit na ako. Abalang-abala pa siya sa pagdukot sa kinakain niya."Kay Manong Frank, nakapag-desisyon k
Kamag-anak ba niya si Vienna? Kung anu-ano rin kasi ang mga pinagsasabi niya sa buhay. Baka naman nagkakamali lang siya. Hindi naman ako mukhang girlfriend ng boss niya. Wala akong natatandaan na mag-jowa kami. Magkaaway, pwede pa. Jowa, hindi pa, soon to be kunwaring asawa pa lang. Teka, teka, nga. Naliligaw na ang utak ko sa daming nangyari ngayong araw. Hanggang kelan ito? Parang konti na lang ay malapit na akong mawala sa katinuan ko dahil sa kanila.Hindi tuloy ako nakaimik sa dami ng sinabi niya. Hindi ko alam ang uunahin kong sagutin sa dami.Nalunok ko pa ata ang dila ko at ngayon ay hindi ko mahanap kung saan ko hahanapin."S-sure ka? Ako talaga? Naku, naku, scam! Baka naman—" hindi ko na tuloy ang nais kong sabihin dahil muli na naman siyang sumingit."Yes, Ma'am Geraldine! Hindi ako pwedeng magkamali." Tumikhim siya at pinalaki pa ang kanyang boses. "Jennifer , pick up my girlfriend, later. Bring her to my unit " ganyan na ganyan ang sabi ni bossing sa akin. Nakakakilig tala
Bakit kailangan niya pang tumawag? At para lang sabihin na pauwi na siya. Una, bahay naman niya ito, sunod, eh, ano naman kung pauwi na siya? Pakihanap ng pake ko!"Just give me 10-15 minutes, I'll be there," habol niya pa. Kahit sa cellphone ay ang lamig pa rin makipag-usap ng busangot na ito. May ice plant ba sila?"Bilisan mo! Baka nakawin ko ang ref mo—" naawang pa ang bibig ko nang babaan niya ako ng linya. Kahit nakakainis ay wala akong magawa. Napailling na lang ako sa inasal niya. Busangot nga talaga siyang tunay. Binalik ko muli sa aking bag ang cellphone ko. At nagmasid na lang ako sa paligid. Medyo kinakabahan ako sa pagdating ni busangot dito. Ano kaya ang una kong sabihin? Anong mga kasunduan kaya ang aming pag-uusapan? Baka naman isahan niya ako, subukan niya! Pinilig ko ang aking ulo upang alisin sa isip ko ang kung anu-anong bagay na naiisip ko. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga bagay na maganda dito sa loob ng bahay niya. Pero bakit mag-isa lang sa bahay? W
Umayos ako ng upo at sinalubong ko ang kanyang titig. Pasabi-sabi pa na hindi niya ako type tapos magtatanong kung may boyfriend na ako? Sorry, hindi ako marupok! Tumikhim muna ako at seryoso ko siyang tiningnan. "Bakit mo tinatanong kung may boyfriend na ako, huh? Para sabihin ko sayo na hindi ako basta-bastang babae lang. Saka hindi ang katulad mo ang tipo ko! Maghanap ka ng iba. Hindi porket pumayag ako sa alok mo ay ibig sabihin non ay basta-basta lang ako! Ganyan na ganyan kayong mga lalaki. Tahimik ang buhay namin tapos basta-basta na lang kayo papasok, magugulo ang tahimik naming buhay, tapos papasukin namin kayo, saka niyo naman kami iiwan?! Kung sasabihin mo na manliligaw ka, no thanks—""Pwede ba tumahimik ka muna dyan? At least a few minutes. Of course I need to know kung may boyfriend ka, baka nakakalimutan mo na magkukunwari tayong mag-asawa. For sure, you know what I mean.I don't want any compromise, Ms. Tiger," supalpal niya pa sa mahabang litanya ko. Kaya naman bigl
Wala naman akong choice dahil kailangan ko ng pera. Wag lang siyang magkakamali at talagang may bugbog siya sa akin. At babasagin ko ang kanyang kaligayahan!Muli akong naupo at pilit kong kinakalma ang aking sarili. Gelay, wala kang mahahanap na pera, isipin mo na makakauwi ka na sa pamilya mo pagkatapos nito. Makakaipon ka pa! Mukha tayong pera diba? "M-magkasama tayo? Magkatabi matulog?! Ibig sabihin ba—" hindi ko na nagawang tapusin ang aking tanong. At halos panawan ako ng ulirat dahil sa mga bagay na naiisip ko. Ito na ba ang hudyat upang isuko ang Bataan? Ito na rin ba ang kapalit ng lahat? Ang puri at dangal na aking iningatan at pinangako na walang kahit sinong lapastangan na makikinabang?! Hindi!"You know what, hindi ka lang pala maingay, malisyosa ka rin," komento niya pa. Kaya naman tumaas pa ang aking kilay. Ako pa tuloy ang masama ngayon."W-wala akong iniisip na kahit ano!" kaila ko pa. Pero mukhang hindi siya naniniwala."Hoy, kurimaw! Basta, wala sa usapan yung a
"Joke time! M-masyado ka kasing seryoso. B-brief…briefcase! Tama, briefcase nga! Di ba may ganyan kayong mga rich people?!" palusot ko pa. At baka sakaling uubra sa kanya. Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Hay, naku!Gelay, brief pa more!"Ah, eh, wala na pala akong itatanong. O-okay na pala." Tumawa pa ako nang malakas upang makalimutan niya ang tungkol sa brief. Pero mas okay na rin na brief lang ang nasabi ko kesa naman yung patola niya, mas nakakahiya 'yon!Ang bilis naman ng ganti ng karma! Tama ba ang narinig ko? Misis ko? Tse! Pa-fall ang ferson. Hindi naman ako marupok no!At bakit kasi iba ang nasa utak ko kesa sa sinasabi ni bibig ko? Muli akong umupo at tumikhim habang siya naman ay nakasunod lang ng tingin sa akin. Hindi tuloy ako mapakali mula sa aking kinauupuan kaya kinuha ko ang aking bag at pinatong sa aking harap. Nakakainis naman ang lalaking ito. Nakakakaba kung tumingin. Pakiramdam ko tuloy ay pinagpapawisan ang kili-kili at singit ko!"Ano ba ang ti