Share

Chapter 27

"SAGOT!" ang malakas at galit na galit na boses ni Clyde ang pumuno sa kabuuan ng basement niya. Matapos ang nangyaring pag-atake sa kanila sa Baguio ay diretso dinala ang mga naiwan na buhay sa mansyon niya rito din sa Baguio.

Nakahilera ang lima at nakaluhod sa kanyang harapan. Tanging suot ay pantalon lamang. Nakatali ang mga kamay sa likuran. At kahit subukan ng mga ito na tumakas ay imposible dahil nakatutok ang mga baril nina Tom at Tommy sa mga ito. Isang maling galaw ay siguradong patay.

Nauubusan na siya ng pasensya. Kahit na halos limang minuto pa lang siya nakakapasok sa loob. Maikli ang pasensya niya lalo na at pakiramdam niya ay naisahan siya. Nagmukha siyang mahina sa mata ng putang'inang Lorenzo na 'yun. Ipinamukha lang naman nito na hindi siya ang nararapat sa pwestong iniwan ng ama.

Isang malakas na putok ang umalingawngaw kasabay ng pagbagsak nang nasa gitnang lalaki. Nanlalaki ang mga mata ng natirang apat.

"Easy, couz." Masamang tingin ang ipinukol niya kay Yuri
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status