CHAPTER 46CALL ME, KUYA!“Huwag kang lumayo sa mga kaibigan mo, hindi na yan swimming pool na kung saan pwede ka agad makita kung nalulunod ka, alalahanin mo na, sa dagat ka maliligo, Miss Mahinhin.” Mahina at halos pabulong na wika ni sir Izaak malapit sa tenga ko, kaya halos nagsisitayuan ang mga balahibo ko.Dahan-dahan akong tumango sa kanya.“Yes boss, hindi ako pupunta sa malayo, sa malapit lang." Wika ko na halos pabulong na rin.Nagkatinginan kami at napunta ang mga mata ko sa mapupulang labi niya. Agad akong umiwas dahil naalala ko na naman ang sinabi ni Beverly and Nathalia noong nalunod ako sa pool. Hindi yata ako pinatulog kagabi dahil ang tinutukoy nila ay nasa tabi ko lang natutulog.“Kumain ka muna, how about yong bulalo?" Tanong ni boss Izaak.Bukas ng hapon ay uuwi na kami ng Maynila kaya naisipan nila na maligo sa isa sa mga sikat na beach na pinupuntahan ng mga turista. Kakilala ni sir Valentino ang may-ari kaya libre daw ito sa amin.Kaya ito, medyo nagtatampo ako
CHAPTER 47CALL ME, KUYA!Marahan akong lumapit sa kanya habang nakapamewang naman siya. At sa kanyang mga kamay ay naroon ang tuwalya at ang rashguard ko na hinubad kanina? Hala! Paano kaya niya nalaman na binigay ko muna ang rashguard sa nagbabantay na tagalinis doon na babae sa loob ng shower room. Paano niya nalaman or don't say bagong bili iyan?At nang tumigil na ako sa harapan niya ay tumingala ako sa kanya habang malapad ang aking ngiti ngunit nakita ko kung paano umigting ang kanyang mga panga na nakatingin sa akin. Parang anytime ay sisigawan n'ya na ako dahil sa ginawa ko na kasalanan. “Hi!" Ani ko paglapit sa kanya. "What did I say?” aniya sa malalim na boses. "Huh? Ano ba ang sinabi mo?” "O come on! Huwag kang mag maang-maangan na hindi mo alam Miss Mahinhin, may pinag- usapan tayo kanina sa kwarto pa lang bago kita hinayaan na maligo sa dagat,” aniya habang nakatingin sa mukha ko at pabalik sa katawan ko."Tinutukoy mo ba ang hindi ko pagsuot ng rashguard?” tanon
CHAPTER 48CALL ME, KUYA!“Cherry! Watch out!" Narinig ko na sigaw ni Nathalia sa akin.Kamuntikan pala akong matamaan ng bola galing sa kabila. Agad akong bumalik sa area ko at handa na para sa pagpalo ng bola. Mabuti na lang kahit matagal na akong hindi masyadong naglalaro ng volleyball ay kahit papano marunong pa naman ako, ang last kasi na laro ko ay naaalala ko ay noong nag-aaral pa lang ako ng highschool habang may intrams kami. Iyon lang at hindi na nasundan. Napansin kong nakatingin lang si kuya Izaak na nasa gilid, nakasquat tulad ng ibang mga lalaki na kanina pa nagche- cheer pero siya ay may hawak ng can ng beer at ang rashguard ko na hindi pa rin niya iniwan sa cottage kaya kahit anong iwas ko ay nakikita ko siya na matalim ang tingin sa akin kahit nakaharang sa kanyang mata ang sunglasses.Nanalo kami at dahil ako na ang susunod na magserve ng bola kaya pinagdasal ko na sana magawa ko ng tama dahil ayokong mapahiya sa kabila lalo at nariyan ang babae na naging dahilan
CHAPTER 49CALL ME, KUYA!“Kuya! Kuya! Kuya mo siya Unique Mahinhin. Huwag ka na dapat na lumampas pa diyan. Kung may something ka man na nararamdaman sa kanya ay ilayo mo, alisin mo na o itapon mo na palayo sa puso mo, dahil pagkatapos ng pagpapanggap niyo ay lalayo kana sa kanya at hindi ka na minsan magpapakita pa sa pamilya ng mga Legaspi. Ilagay ko iyan sa kukuti mo!” kausap ko sa sarili ko habang naliligo sa ilalim ng shower. Naligo ako dahil mayroon kaming dinner mamaya for the last time dito sa Batangas. Tinanong pa ako ni kuya Izaak kung sasama ba ako at baka pagod ako sa activities namin kaninang umaga pero hindi ako nakinig at naligo para makasama. “Are you done?" Bigla akong nagulat dahil sa biglang pagkatok sa pinto at sigaw ni sir Izaak sa akin. Napatabon pa ako sa dibdib ko dahil akala ko nasa likuran ko lang siyanagsasalita. “Wa-wait, ano uhmm, malapit na akong matapos, diyan ka lang! Huwag kang papasok!" Shit! Bakit mo naman naisip Unique na papasok siya? Uuwi n
CHAPTER 50CALL ME, KUYA!“Ayos ka lang? Kagabi ka pa na wala sa mood. Did I do something wrong?” Napanganga ako sa tanong ni Kuya Izaak I mean boss. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa kalsada. Alas otso na at pauwi na kami ngayon sa Maynila. Hilaw akong ngumiti, “oo naman po. Ayos lang ako."“Na miss mo na agad ang Batangas? Pwede tayong bumalik? I can do that…for you, if you want." Agad naman akong umiling sa suhestyon niya.“Namimiss ko ang lugar na iyon boss pero iba na ang pakiramdam kung bumalik tayo kasi di ba, nakauwi na rin ang mga kaibigan mo po, it will never be the same kaya tama na muna ang gala ko, kailangan na nating umuwi sa realidad ng mundo at magtrabaho lalo na ako, ikaw kasi nagtatrabaho ka naman doon pero ako? Parang tumatanggap lang ako ng suhol pero hindi ko naman ginagampanan ang obligasyon ko sa mga magulang mo, kay mommy, at saka namimiss ko na ang mga magulang ko. Pwede bang dumaan na muna tayo sa kanila?” “Sure!" Tipid niya na sabi.Pero actual
CHAPTER 51CALL ME, KUYA!Nakatulala lang ako habang pinagmasdan ang aking pinggan na konti na lang ang laman na pagkain dahil sa nalaman ko tungkol kay kuya.Akala ko ba….?Wala man lang siyang binanggit sa akin para sana makapag handa ako.Makahanda sa mga katanungan nila kung sakali. “Okay ka lang baby? Here pa oh, kain ka ng marami, pumayat ka pa yata na wala ako, hindi ka ba pinapakain ni kuya mo habang nasa Batangas kayo? May iniwan ako sa inyo na pera. Izaak ha, I told you and you promised me na babantayan at alagaan mo ang kapatid mo. Ang dami niyo yatang activities na ginagawa sa Batangas tapos ngayon hinayaan mo ang kapatid mo.”Umiling ako sa sinabi ni mommy."Hindi naman po, kumain po ako ng marami mommy at sa katunayan nga ay busog na busog po ako palagi lalo at maya maya laging nagtatanong kung ano ang kakainin ko.” Saad ko sa kanya para hindi na siya magtanong pa kahit gusto ko pa sanang idagdag na gusto niya akong kumain ng marami para hindi ako makasuot ng bikini per
CHAPTER 52CALL ME, KUYA! “Sasama ka ba sa akin mamaya anak? Pupunta tayo sa mall and let's go to the salon na gusto mo? Or what if bibili tayo ng mga clothes and shoes that you like? What do you think?” Tanong ni ma’am Maribel sa akin habang kumakain kami ng breakfast sa gazebo.Katabi ni mommy si daddy, samantalang katabi ko naman si kuya Izaak sa long table.“Baka hindi siya sasama mommy-" agad na sabi ni boss. “Yes mommy. I'll go with you," ani ko sabay ngiti kay mommy at hindi pinansin ang sinabi ni kuya Izaak.“Yehey, narinig mo iyon hijo? She goes with me. Lagi na lang Ikaw ang kasama niya, malapit na ako magtampo, di ba, dad? Ilang days kayo sa Batangas kaya this week ako naman ang kasama ng kapatid mo, okay? And you? Puntahan mo si Samantha at magbonding din kayong dalawa. Kababalik niya lang sa Pilipinas kaya puntahan mo siya mamaya. We don't mind, right Cherry?”"Po? Yes po, yes po… mommy." In my peripheral vision ay alam ko na nakatingin si kuya sa akin. Hindi ko na siya
CHAPTER 53CALL ME, KUYA!“Totoo?" Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa tanong ni Budang. “Oo bes, at saka imagine, siya ang napupusuan na ipakasal kay sir Izaak.” wika ko sa aming kaibigan habang nasa fast food kami ngayon at kumakain. May bagong trabaho na kasi si Budang kaya pinuntahan ko dahil sabi niya, ililibre niya ako dahil ngayon ang unang sahod niya. Gaya ko, nakapag-abot na siya sa kanyang mga magulang kaya ako naman ngayon ang gusto niyang ilibre na agad naman akong nagpaalam kay mommy Maribel, dahil… why not, libre na yan eh, tatanggihan ko pa ba?“Then, bakit ka malungkot kung talagang siya ang napili ng mga fake parents mo na ikasal sila? Ikaw na ang nagsabi na dati pa sila itinakda na magpakasal pero hindi lang natuloy dahil nga sa umalis ang babae sa ibang bansa,” saka palang ako natauhan dahil sa sinabi ng kaibigan. Napanguso na lamang ako, "kasi ano… uhmm kasi hindi niya sinasabi sa akin, dapat sinabi niya para malaman ko. Para naman tulad niyan, close pal