Share

CHAPTER 61

CHAPTER 61

CALL ME, KUYA!

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa maraming iniisip. Lumabas ako ng kwarto at bumaba para hintayin siya sa sala pero walang dumating na Izaak. Mabuti na lang at walang katulong or hindi nagising sina mommy habang umiiyak ako sa sala mag-isa.

Bakit ba ako nasasaktan? Wala namang kami? Kapatid ang turingan namin sa isa't-isa pero bakit ganito? Bakit ang sakit-sakit pala kapag patalikod kayong niloloko, shit! Wala namang kaming label na dalawa, pero bakit ako nasasaktan?

Kinabukasan.

Pinunasan ko ang mga luha ko sa mga mata at tinapos ang pagsusuklay ng buhok ko na may naalala na naman. Agang-aga kumikirot ang puso ko. Tatlong oras lang yata ang tulog ko kaya kitang-kita ang itim sa ilalim ng mga mata ko.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nakita ko si Yaya Mely na cook sa pamilya ng Legaspi.

“Tulog pa po ba sila Yaya? Sina mommy po?"

“Tulog pa po ma’am." Ngumiti ako at tumango.

Nauna na akong kumain dahil aalis ako ngayong araw. Mag-eenroll
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status