Share

Chapter Nineteen

Naka-uwi na kami pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari. Hindi naman pala ganoon kasama ang grupo ng gangster na sinalihan ni Anton, dahil kung sakaling umalis din sya sa puder namin ay bukas pa rin ang mansyon ni Uno para sa kanya. 

Pinaliwanag ni Anton na oras na nakapatay kami ng isang tauhan ni Uno ay paniguradong patay na sya bago pa man namin sya maabutan doon. Tinanong ko kanina si Uno kung paano kami makakasigurong hindi nya kami papatayin o susundan upang patayin kung tuluyang maka-alis kami sa mansyon. 

Tinawanan nya lang ako at inilingan. Sinabi nyang 'pag sinabi nya ay matutupad. May isa syang salita kaya iyon ang aming panghawakan. 

"Grabe! Napagod ako roon."

Tignan mo 'tong isang 'to, akala mo pag-aari nya itong bahay. Sobra naman yata ang pagiging feel at home nya? 

"Hoy, magluto ka. Hindi puwedeng tumira ka rito ng walang ginagawa, dapat ikaw ang taga laba, taga linis ng buong bahay at higit sa lahat.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status