Share

Chapter Twenty

"Anong kailangan mo?" nagtanong na ako dahil napaka tahimik nya at mukang walang balak magsalita. Kung hindi ko siguro kinapalan ang muka ko upang magtanong ay magtititigan lang kami rito. 

Tumikhim sya bago nagsalita. "Seth wants you to join us on lunch," napapaos na sabi nya. 

"Pakisabi hindi na, may kasabay ako." Tumalikod na ako at hindi na hinintay ang sasabihin nya. 

Pasimple kong binatukan ang sarili nang makalayo dahil tumanggi pa ako! Pabebe ka Sky, inuna mo pa 'yang pride mo kesa sa ebidensyang maaring makalap mo. You're  so stupid! 

Narinig ko ang pagsunod ng yabag nila Zack at Atasha sa likod ko. 

"What did you say to her?" rinig kong tanong ni Atasha sa nakakainis na tono. 

"Nothing," simpleng sagot ni Zack at hindi na dinagdagan. 

Napangiwi ako at napa-irap sa kawalan nang banggitin nya 'yon. Tsk! Magaling kang bata ka, para hindi magselos 'yang Atasha mo ay kailangan mong magsinun

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status