Share

Capturing The Billionaire's Heart
Capturing The Billionaire's Heart
Author: MEI_SUMMER

CHAPTER 1

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Baka mamaya pagsisihan mo 'yan, ha?" Melissa asked me for the ninth time already.

I heave a sigh as I took the last bite of my donut. "Mel, siguradong-sigurado na ako at huwag kang mag-alala, dahil hindi ko ito pagsisihan," I answered as I chewed the food in my mouth.

Galing pa ako sa kompanya dahil kinuha ko ang natitira pang gamit at tsaka nagpaalam narin ako sa mga naging kaibigan ko habang nagtatrabaho sa TelePerformance. Isang call center company dito sa Cebu.

Hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin, ang mga mata'y malalaki. "Really, She? Pupunta ka talaga rito dahil sa kababata mo? Dahil lang gusto mo siyang kumustahin, ganon?" She asked and scoffed afterwards.

Hindi niya ako hinayaang makasagot at nagpatuloy muli sa pagsasalita.

"Paano kung wala pala siya rito? Paano kung nasa labas pala siya ng Pilipinas? Paano kung may pamilya na pala 'yong tao? Or worse..." She paused while her one hand covered her mouth as if the next words she's going to utter is totally a crazy idea.

"Paano kung patay na pala siya?" She blurted out.

"That's it, Mel. I'm hanging up." Sabi ko sa seryoso na boses.

"Teka, teka lang, She-binibiro lang kita, sorry na." Biglang bawi niyang sabi habang nakanguso. "Pero kahit naman maging totoo lahat ng sinabi ko, alam ko namang pupunta ka parin ng Maynila, eh." Malungkot niyang sabi at bumuntong-hininga.

"Paano ba 'yan? Tuloy na tuloy ka na talaga. Wala na akong magagawa sa desisyon mong 'yan. O siya sige na. Maglilinis pa ako sa tutuluyan mo, mahal na prinsesa. Tawagan mo nalang ako bukas, okay?" She added and ended the call.

I heave a deep sigh. Melissa's words got me thinking. Paano kung totoo ang mga sinasabi niya? Na baka may pamilya na si Tim? O baka naman doon na naninirahan sa ibang bansa?

Paano kung magiging useless lamang itong paghahanap ko sa kaniya dahil hindi naman pala niya ako kailangan? Do he still remember me?

O baka ako lang 'tong umaasa na sana...sana may patutunguhan 'tong gagawin ko.

Napabuntong-hininga ako nang malalim at kinuha ang picture frame na nasa bedside table ko.

Masuyo kong tiningnan ang larawan naming dalawa ni Tim. This was taken four years ago during our graduation. Suot-suot namin ang itim na toga sa kolehiyo at makikita ang tunay na kasiyahan sa mukha naming dalawa.

Ngayong tinitigan ko nang matagal ang larawang ito, kusang bumalik sa aking alaala ang mga nangyari noon. It feels like it just happened yesterday. Yet, the wound is still there, it always open as I recall everything.

Kakasimula lamang ng first semester namin as a graduating students sa college, nang maaksidente ang magulang ni Tim na nauwi sa pagkamatay.

His parent's death completely shattered his whole world.

Noong panahong 'yon, si Tim ang kasalukuyang SSG President. He thrives to embody a positive characters while he's grieving of his lost. And the person that everyone's expecting to be at Tim's side in his lowest point of life, left him to follow her dreams.

Lubos na ikinagulat naming lahat ang pag-iwan ni Trixxie kay Tim sa ere. Supposedly, nandoon siya upang samahan ito hanggang sa makabangon at makabawi mula sa pagkakalugmok. She's the girlfriend and that is the best thing for her to do that time. Ang manatili sa tabi ni Tim at tulungan ito, to cope from everything.

But she chose to do the opposite.

Unfortunately, everything that happened only led Tim to depression.

He withdraws himself from eating food, from sleeping, and even talking to people. He was isolating himself for almost two months.

Ako naman itong mabait na kaibigan niya, ay nanatili sa kaniyang tabi. Ayaw kong makita siyang nakakaawa na parang wala ng pag-asa. Ayaw ko siyang makitang nahihirapan. At mas lalong ayaw ko siyang makitang sinukuan ang mga pangarap niya.

And so I chose to do the right thing.

Hindi ko siya sinukuan. Kahit ilang beses niya akong hindi pinansin at tinapunan ng pagkain, nanatili parin ako. Halos araw-araw akong pumunta sa bahay nila noon upang kumustahin siya, kumbinsihin siyang kumain at magpatuloy. Dahil sa pag-aakala kong kaibigan ko siya, na hindi ko siya dapat iniwanan.

Little did I know, unti-unti ko na pala siyang minahal. Buong akala ko na normal lang iyong mga ginagawa ko dati, dahil kaibigan ko siya. But my heart, it tells otherwise.

Nagawa kong manatili sa tabi niya dahil mahal na mahal ko na pala siya. Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ko sa aking sarili dahil hindi ako sumuko hanggang sa makapagtapos kami ng kolehiyo.

A small smile form in my lips nang maalala ko ang graduation namin. Noong mga panahong 'yon, napatunayan ko na may katapusan talaga ang lahat. Lahat ng patak ng luha habang nag-aaral ako ay nagbunga.

Ngunit lubos na ikinagagalak ng aking puso ang makitang gumadruate din si Tim, sa kabila ng lahat na kahirapan na nadadaanan niya. My heart was touched when he himself refused to give up. Doon palang, sobrang proud ko na sa kaniya.

Ang buong akala ko ay may mas maraming panahon pa kaming magkasama ni Tim. Naalala ko pa noon, na parehas kaming nagpaplano na sabay maghahanap ng trabaho after graduation. O 'di kaya'y mag-abroad.

Ngunit, gumising na lamang ako isang araw na wala na siya. I tried to find him sa malalapit niyang kamag-anak ngunit pati sila ay wala ring alam. I tried to contact him but to no avail. Even his social medias account vanished that time.

Sa unang buwan ng pagkawala niya ay halos mabaliw ako. Iniisip ko na sana nakidnap lang siya o baka nagbakasyon, dahil panigurado, uuwi din naman. Ngunit, mas lalo lamang akong nadismaya nang tumungtong na ng isang taon at wala paring Tim.

Hanggang ngayon, hindi parin ako tumigil sa paghahanap sa kaniya. Kahit saang lugar na ako pumunta at palaging nagbabakasakali na mabangga namin ang balikat ng isa't-isa.

Hinaplos ko ng aking daliri ang ngumingiti niyang mukha sa larawan. A lonely tear escaped from my eyes as I smiled bitterly.

Napadako ang tingin ko sa aking mga gamit. Isang may kalakihang bag at isang maleta lamang ang dadalhin ko papuntang Manila. Ngayong alas dos ng madaling-araw ako aalis at pupunta sa airport, dahil alas kuwatro sa umaga ang flight ko papuntang Manila.

Ralph Timothy Villanueva, wait for me, I'm on my way to you.

šŸ¤Ž

"SAAN ka na? Palabas na ako ng airport," I said to Melissa on the other line. Bitbit ko sa isang kamay ang isang cup na instant coffee at ang luggage ko, habang bitbit sa isa ko pang kamay ang asking cellphone.

"Bilisan mo, may lakad pa ako pagkatapos nito." Agaran akong napahinto dahil sa naging sagot nito.

"May lakad ka? Mel, today's Saturday." Sabi ko sa kaniya na parang hindi niya ito alam. Nakikita ko tuloy ang kanyang pagkibit-balikat habang nakataas ang isang kilay.

I silently laugh in my mind.

"So? She, I'm not outdated, duh," maarte niya pang tugon sa kabilang linya. Sigurado akong sinabayan niya ito ng pag-ikot ng mata.

"Hindi ba dapat nasa bahay ka lang? Nagpapahinga or unwind, walang trabaho ngayon eh. Besides, diba sabi mo na magdedate tayo. What happened?" Mahaba kong litanya sa kaniya.

I heard her scoffed. "Nah, bukas na tayo magdi-date. I'm sure may jetlag ka, magpahinga ka muna, okay?" Saka ko lang naramdaman bigla ang pagod dulot ng mahabang biyahe. Tama siya, kailangan ko ng pahinga.

"Huwag ka ng magtampo diyan, ang pangit mo pa naman." Dagdag niya pang sabi at pinatay ang tawag.

I glared at my cellphone as if it was Melissa. Seriously? Kailan pa naging tupakin ang kaibigan kong 'yon?

Napailing-iling na lamang ako at mabilis na pinasok ang aking cellphone sa aking bulsa at kinuha ang bitbit kong kape sa kabilang kamay.

Hahakbang na sana ako nang bigla akong mabangga sa isang matigas na pader. Pader? Bakit may pader? Eh papalabas na ako diba?

Mabilis kong tiningnan ang nasa harapan at nagsilakihan ang aking mga mata nang makitang tao pala ang nabangga ko.

"Shit." Mahina niyang sabi habang ang isa niyang kamay na hawak ang kaniyang cellphone ay iniangat. Nakasuot siya ng shade at nakatungo sa kaniyang white polo na suot na para bang may mali doon.

Kusa namang naglakbay ang mga mata ko doon at dumoble pa ang paglaki ng mga mata ko kaysa kanina. The coffee that I am holding splattered on his shirt.

Double shit talaga! First day na first day ko dito sa Manila, minamalas agad ako, argh!

My mouth formed an 'O' as I covered it with my hand. Napakurap pa ako ng ilang beses at nagbabakasakali na sana'y panaginip o guni-guni ko lang ito, pero hindi parin nawala.

"So-sorry sir, hindi ko sinasadya." Utal kong panimula. "Bakit ka kasi nagsusuot ng shade? Ayan tuloy, at tsaka isa pa huwag kang pakalat-kalat dito habang may katawag s-"

Napatigil ako sa pagsesermon nang iangat niya ang isa niyang kamay. Mabilis ko namang kinuha ang aking panyo at sinubukang pahiran ang basang parte ng kaniyang polo ngunit pinatigil na naman niya ako.

Aba! Ang hilig mambara ng isang 'to ah.

"You talked too much already." Bigla niyang sabi. Napatulala pa ako ng ilang segundo dahil sa baritono niyang boses. Bumuntong-hininga siya at tinuro ang parte ng polo na natapunan ng kape. "Do you even know how much the cost of this polo?" Kalmado niyang tanong.

Ay, hambog pala.

Naitikom ko ang aking bibig at tiningnan ang aking sapatos.

Think of a way, She. Ilabas mo na ang pinakatago mong kagalingan sa palusot.

My eyes twinkled nang may maisip akong ideya. Mabilis ko na hinugot ang aking wallet at kumuha ng isang libo. I hold it and wave it in front of him.

"Syempre sir, hindi ko alam kung magkano ang polo mo na 'yan." I paused and took a deep breath hoping that my plan will work. "Pero heto, isang libo, ipapa-laundry mo nalang." Sabi ko sa kaniya.

Malaki ang dismaya ko nang hindi man lang siya gumalaw upang kunin ang pera. Nakatayo lang siya na parang tuod. Kaya naman, tinupi ko ang pera ng isang beses at pinasok sa bulsa ng kaniyang polo.

I tapped it three times. "Keep the change, sir." Sabi ko habang may mabait na ngiti sa aking labi. Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at iniwan doon.

Nabawasan lang ng isang libo ang ipon mo, She. Hindi 'yan kamalasan, kalma.

šŸ¤Ž

"SHE loves Tim?" Basa ko sa dinala ni Melissa na cardboard. Mabilis siyang kumaway sa akin nang makita niya ako.

Nagtatanong ang aking mga mata nang makalapit ako sa kaniya. Pero ang bruha, tumawa lang. "Love mo naman talaga eh," depensa niya pa.

Napailing-iling na lamang ako.

"Anong plano mo?" Tanong niya bigla nang makasakay na kami ng taxi.

I was speechless. Like for the last hours, sobrang desidido ako na pumunta rito and the next moment, is me, doubting my own plan.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa tinitirhan ni Mel, hindi ko maiwasang isipin ang tanging plano na tinatak ko sa aking isipan at puso. Ngunit, nakaramdan ako ng kakaibang kaba.

Ito ba'y simbolo ng pagka...hindi. Sana hindi.

Sana'y hindi pa ako huli.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status