Share

CHAPTER 2

"GOT any plans for today, She?" Bungad na tanong ni Melissa sa akin nang dumulog ako sa kaniya sa mesa.

Ramdam ko parin ang pagod sa buong katawan. Parang gusto ko lang tumihaya buong araw.

"Magandang umaga din sa 'yo, Mel," tugon ko naman. She's already having her breakfast dahil may kailangan raw siyang puntahan.

"Hindi mo ba ako pweding isama sa lakad mo?" Tanong ko at kumuha ng isang pirasong pandesal na nasa mesa.

Mabilis naman siyang umiling-iling. Lumaylay ang balikat ko at sinubsub ang mukha sa mesa. "Bakit?" I whined and pouted in front of her.

"Palagi ka nalang busy, kahit weekend. Wala ka ng oras sa akin. Sabi mo pa naman magdi-date tayo ngayon..." I paused and even look at her with a sadder face. "Hay, minsan tuloy gusto ko ng isipin na sagabal lang ako sa buhay mo." Pagdadrama ko pa.

Natahimik siya bigla at bumuntong-hininga. Nakokonsensiya tuloy ako.

"She, anong gagawin mo kung sakaling may nagawa kang isang pagkakamali? Itatago mo lang ba o aaminin mo?" Tanong niya sa malungkot na tono at boses.

It took me a minute na makarecover sa biglaang pagkagulat dahil sa tanong niya.

"Pagkakamali?" Pag-uulit ko sa sinabi niya at nag-isip sandali. "Well, for me, the longer you keep it, the more difficult it will for someone to accept it. Mas masakit kung tinatago mo sa isang tao nang mas matagal. Mas mahirap 'yon, Mel." I answered with all honesty.

She fell silent. Nababaguhan naman ako sa inaasta niya ngayon. This is so not her style. Palagi kasi itong mataas ang energy. Yung tipong hindi ka aantokin kapag kasama mo siya.

"Paano kung...kung natakot ka lang kaya hindi mo naamin? Does it still consider painful?" Maya-maya ay tanong niya ulit. Sasagutin ko na sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

Bumuntong-hininga na lamang ako at sumubo ng tinapay.

May pinagdaanan kaya siya, lately?

"She, kailangan ko ng umalis. Sorry talaga kung hindi kita masasamahan today," sabi niya na nagmamadaling kinuha ang kaniyang gamit.

"Nako, okay lang, ano ka ba. Ingat ka, Mel," tugon ko sa kaniya.

🤎

MATAPOS ang ilang minuto na pagninilay, napagdesisyon kong lumabas muna at tumingin-tingin sa paligid.

Hanggang sa may makita akong isang cafe. Hindi ako nagdadalawang-isip na pumasok. Alas otso emedya pa lang sa umaga at nagulat ako na may maraming tao na pala sa loob.

Most of them wear casual and formal attire. Napatingin ako sa aking suot. Isang plain na pink t-shirt pares ang isang pangbaba na pajama.

Whatever! Ang importante hindi ako hubad. Tama.

Dumiretso ako ng lakad at umorder ng isang drink. Then I settled myself sa isang bakanteng mesa na malaya kong nakikita ang labas.

I'm having a good sip on my coffee nang biglang may bagong pumasok. Isang babae at lalaki. They're wearing formal attires that just captured the eyes of everyone inside. Halos lahat ng mga mata na nasa loob ay napapatingin sa kanila.

I rolled my eyes. Attention seekers!

Ngunit tila walang pakialam sa paligid ang dalawa, na para bang may sarili silang mundo.

Mataman ko paring tinitigan ang dalawa hanggang sa makapag-order sila at maghanap ng bakanteng mesa.

Umupo silang dalawa sa mesa isang pagitan lang sa kinaroroonan ko. Nang maaninag ko na nang maayos ang kanilang mukha ay para akong nagiging tuod. Nalaglag ang aking panga at halos hindi ko na maramdaman ang sarili kong humihinga.

"Tim?! Trixxie?!" Hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan ng dalawa. Mabuti na lamang at may isa pang mesa sa pagitan namin at hindi ako narinig ng mga ito.

Mabilis kong hinalukay ang mga pictures sa gallery ko. Matapos matagpuan ang pictures ng dalawa ay ikinumpara ko ito.

At tama nga ang nakita ko. Sa loob ng apat na taon, maraming nagbago sa kanilang dalawa.

Mas lalong pumuti si Trixxie kumpara noon. Her face became fierce at pati style ng make-ups niya nag-iba rin. Habang si Tim naman ay mas lumapad ang kaniyang mga balikat. Siguro ay dahil sa palaging pag-ehersisyo.

Mabilis akong tumingin sa malayo nang mapatingin sa gawi ko si Tim. Ibinalik ko rin ang aking tingin nang hindi na siya tumingin sa gawi ko.

Pinagpatuloy ko ang pagmamasid at sinubukan kong pakinggan ang pag-uusap ng dalawa.

"Kailan ka pa umuwi ng Pinas?" Narinig kong tanong ni Trixxie.

"Yesterday. Sinundo ako ni Gaven. Ang init nga ng ulo no'n dahil may bumangga raw sa kaniya at binigyan lang siya ng isang libo para ipa-laundry ang polo niyang natapunan ng kape." Natatawang kwento ni Tim kay Trixxie.

Maligaya naman na tumawa ang huli.

Kahapon pa siya dumating? Ibig sabihin, may pagkakataon sana na magkita kami sa airport kahapon? At tama ba ang rinig ko? Natapunan ng kape? 'Yon kaya yung lalaking nabangga ko kahapon?

I shoke my head. Hindi siya dapat ang iniisip ko. Kailangan kong makausap si Tim. Pero paano ko naman siya malalapitan?

Maya-maya pa ay tumayo na ang dalawa. Naging alerto naman ako at sinundan sila.

Sumakay sila sa isang itim na sasakyan na sa hula ko ay pagmamay-ari ni Tim. Mabilis naman akong pumara ng taxi at sumunod sa kanila.

"Manong, pakisundan po 'yong itim na sasakyan." Sabi ko sa driver.

"Nako ma'am, alam na alam ko po ang ganitong eksena. Sanay na po ako sa ganitong habulan," bigla ay sabi ni manong driver.

Lumaki ang mga mata ko nang mali ang kaniyang sinabi na kahulugan.

"Manong, hindi po. Mali po ang iniisip ni—" naputol ang nais kong sabihin nang magsalita na naman siya.

"Nako ma'am, huwag na po kayong mahiya. Normal lang ito sa asawang may kabit. Huwag kayong mag-alala, mahuhuli rin natin ang mga hangal na 'yan. Wala pa akong pasahero na umuwing bigo, ano?." Muli ay sabi ni manong driver.

"Manong, kaibigan ko po 'yong lalaki, hindi po asawa." Tanggi ko ulit na binigyan pang diin ang tatlong salita.

Natahimik naman ito at napakamot na lamang sa kaniyang ulo.

Hindi nagtagal ay huminto rin ang itim na sasakyan kung saan lulan sina Tim at Trixxie. Pinahinto ko kay manong ang taxi sa may 'di kalayuan sa kanila.

Mabilis akong nagbayad at lumabas ng taxi. Huminga ako nang malalim.

This is it, She! The universe itself makes way for you to talk to him.

Lalakad na sana ako nang lumabas si Tim sa sasakyan. Tatawagin ko na sana siya nang sumunod din na lumabas si Trixxie. Mabilis na inangkla ni Trixxie ang kaniyang kamay sa braso ni Tim.

Kung titingnan mo sila ngayon, mukha silang magjowa. O baka, magjowa talaga sila. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso sa isipang iyon.

Nakita ko silang pumasok sa isang building.

"GLC Corporation." Basa ko sa malalaking letra na nakasulat sa harap.

Dali-dali akong sumunod para muli na namang mapatigil.

Bumaba ang tingin ko sa suot ko ngayon. Plain t-shirt at lower pajama. Sigurado akong hahanapan ako nito ng ID. Mukha pa namang isa itong kompanya.

Malayo na sina Tim at Trixxie mula sa kinaroroonan ko. Pumikit ako at humugot ng hininga.

Bahala na.

"Ma'am, bawal po kayong pumasok dito. Pasensya na po ma'am." Kusang pumikit ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ng guard na humihingi ng paumanhin.

"Ahh, kasi manong, kaibigan ko po 'yong dalawa." Sabi ko at tinuro sila na likod nalang ang nakikita mula sa entrance. "May importante lang akong sabihin. Sige na po, manong," I pleaded at pinagdikit ko pa ang dalawa kong kamay.

Umiling lang si manong bilang sagot. Laylay ang mga balikat kong lumabas.

🤎

"POGI, isa pa ngang bote ng beer." Sabi ko sa bartender at tinungga ang beer na nasa aking baso.

Pagkatapos kong sinundan sina Tim at Trixxie kanina, nakatanggap ako ng text mula kay Mel na hindi siya makakauwi sa tanghali. Kaya naman, mag-isa akong naghanap ng restaurant para kumain ng lunch.

Gayunpaman, lubos kong ikinalulungkot ang aking nakita. Dahilan upang maghanap ako ng bar at ininom lahat ng sakit at pait.

"Here's your beer, madam." Sabi ng bartender. 

"Salamat sir pogi," lasing ko ng pasasalamat.

Mabilis kong nilantakan ito at hindi na gumamit pa ng baso. Pangatlong bote ko na ito.  Nagsimula na akong tamaan ng alak. Ang paningin ko rin ay unti-unti ng umiikot at lumabo.

Hindi ko lang lubos na maisip kung bakit sa dinami-dami ng babae sa buong mundo, bakit si Trixxie pa ang makita kong kasama niya? Bakit si Trixxie pa na iniwanan siya sa ere nang basta lang, bakit siya pa?

Pwedi namang ako...bakit hindi nalang ako? Napahikbi ako at tumungga muli ng beer.

The scenes earlier keep on replaying in my head. And every time I remember how Trixxie locked her arms to Tim, it breaks my heart. Mabuti pa siya nagagawa ang gano'ng bagay, samantalang ako, ni hindi man lang binigyan ng pagkakataong makausap siyang muli.

Pasado alas otso na nang magdesisyon akong umuwi. Ubos na ang pangatlong bote ng beer na inorder ko. Dumarami narin ang mga tao.

Pasuray-suray akong naglakad palabas. Mabuti nalang at madali akong nakahanap ng taxi.

Nadaanan namin ang GLC. At hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at nagpababa ako.

Siguro ito na ang tamang oras para kausapin ko siya. Sabi nga nila drunk people are the most confident.

Tiningnan ko ang nakasulat na mga letrang umiilaw na ngayong gabi.

You better be good, GLC.

Tiningnan ko ang guard. Mukha itong inaantok kaya kinuha ko na ang pagkakataong tumakbo papasok.

Sumakay ako sa elevator at pinindut ang 15th floor.

I took a deep breath. Tim naman, huwag mo naman akong pahirapang makausap ka.

Magsasara na sana ang elevator nang biglang may kamay na pumigil dito at pumasok ang isang matikas na lalaki. Napausog tuloy ako bigla papalapit sa may dingding. 

Tumikhim ako at sinubukang kunin ang atensiyon niya. Ngunit wala akong narinig mula sa kaniya.

Kaya naman, bilang isang lasing na tao, pumunta ako sa harapan niya. Nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo dahil siguro sa pagkabigla.

I smiled widely at him. Isang ngiti na kita lahat ang mapuputing ngipin ko, pati ang malalim kong dimple. Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang gallery. Pinakita ko ang larawan ni Tim.

"Kilala mo ba ito?" Tanong ko at inilapit pa lalo sa kaniyang mukha ang cellphone ko.

"Aish," reklamo niya at inilayo ang aking kamay.

"Alam mo bang kababata ko siya. Magkasabay kaming lumaki nito. Same din ang course na pinili namin. Pati sa mga plano sa buhay, sabay namin 'yon ginawa." Kwento ko sa kaniya kahit nakikita ko naman sa kaniyang mukha na hindi siya enteresado.

"Noong namatay ang mga magulang niya, sina Tita Merly at Uncle Rico, lugmok na lugmok siya no'n. At alam mo ba kung ano pa ang mas masakit?" Natawa ako ngunit bumalatay sa aking mukha ang pait.

"Iniwan siya ni Trixxie, ang girlfriend niya, sa panahon pa na lugmok na lugmok siya." Tumulo ang isang patak ng luha mula sa aking mata habang inaalala ko ang mga pangyayari.

"Noong mga panahong 'yon, natatakot akong gumraduate mag-isa. Kaya tinulungan ko si Tim, sayang kasi diba?" Pagpapatuloy ko.

"Tinulungan ko siyang bumalik sa pag-aaral, huling taon na namin 'yon sa college, kaya nagawa ko siyang pagtiyagaan. Dahil hindi ko lang siya kaibigan noon, siya rin ang..." Nabitin ako sa aking mga sinasabi.

Pumatak na namang muli ang aking mga luha.

"Siya ang lalaking minahal ng puso ko. Kaya hindi ko siya sinukuan noon dahil mahal ko siya. Pero...isang araw matapos ang graduation namin, bigla nalang siyang nawala. At..." Huminga ako nang malalim ngunit napahikbi lang muli ng maalala ko ang nangyari kanina.

"Ngayong nakita ko siya ulit, nasasaktan ako." Sabi ko at tinuro ang sarili ko. "Ang sakit dito," I said as I pointed my left chest where my heart is.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat ng tao at niyugyog ko ito. "Bakit? Bakit kasama niya ang babaeng iniwan siya noon? Tanga ba siya?" Tanong ko at niyugyog siyang muli.

Sumandal ako sa dibdib niya at umiyak. Hanggang sa maramdaman kong parang sinuntok ang sikmura ko.

Sinubukan kong pigilan ngunit hindi ko nagawa at sumuka na sa dibdib ng lalaki.

"What the hell?!!" I heard him roared.

Umikot ang paningin ko hanggang sa magdilim ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status