Share

Chapter 22: Second Chance, Terrence?

NIKITA

"Ma, masyado na po yatang marami tayong kinuhang gatas. Tama na po siguro ang isa lang muna?" Sabi ko sa nanay kong kumuha ng tatlong lata ng gatas para sa mga buntis at inilagay sa cart.

"Sige, isa nalang muna." Sabi nito kaya tinanguan ko nalang siya.

Ayoko sanang paggastusin o pabilhin ng mga kakailanganin ko sa pagbubuntis sila mama dahil nahihiya ako. Ako naman ang gumawa ng anak ko at walang engagement sila mama habang ginagawa namin ito ni Kent kaya ayoko ng mandamay pa sa kanila. Pagtapos kong gumawa ng panibagong buhay ay mangpeperwisyo ako sa mga magulang ko na hindi naman sana kasali sa paggawa nitong anak ko?

But they insisted on buying me my needs. Giit nila mama, gusto lang nila ang nakabubuti sa apo nila kaya nagpumilit silang bilhan ako ng gatas, magazine, pregnancy books, fruits, veggies, at marami pang iba.

"May vitamins ka pa ba?" Tanong ni mama habang pumipila kami sa counter para mabayaran ang mga pinamili namin.

"Meron pa po, ma. Nakabili na po ako."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status