Share

Chapter 33 Spain

Sobra ang pagkabigo ng puso ko. Nasasaktan ako dahil sa mga pinagagawa ko. Deserve kong masaktan dahil nagmahal ako.

Mahirap man tanggapin ang lumayo sa tabi ni Lucas pero titiisin ko. Labis na pangungulila ang bumabalot sa puso ko.

Oo, masakit? sobra! Hindi ako mapakali sa lungkot. Paikot-ikot na tumatakbo si Lucas sa isipan ko.

Alam kong nasasaktan ko siya ngayon. Alam kong nahihirapan siya dahil sa mga ginagawa ko. Masakit para sa akin ang maramdaman kong nagkakaganoon si Lucas.

I'm sorry Lucas ha! Iniwan man kita na walang paalam pero ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko. Patuloy kitang mamahalin at hindi ako magsasawa!

Alam kong magulo pa ang takbo ng mundo mo ngayon. Alam kong sobrang naguguluhan ka lang Lucas kaya nagawa mo akong ipagtabuyan.

Pero naniniwala akong nagmamahal pa rin ang puso mo. Alam kong tumitibok pa rin ang puso mo para sa akin.

Alam kong nasasaktan lang ang puso mo Lucas kaya nagawa mo akong kamuhian. Alam kong nabigo kita kaya labis ang pagkainis mo sa akin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status