Share

CTBC 2

Gabriel Tage Fernandez

"Kuya maanuna na po kami ni Gaston" paalam saakin ng isang kapatid namin na si Grace.

"Oh sige. Nandyan na ba si Renzo?" tanong ko sa kanya at saka naman pumasok sa loob ng pintuan namin ang batang si Renzo na kasing edaran lang ni Grace.

"Good morning po Kuya Gab. Mauuna na po kami nina Grace" paalam din ni Renzo.

"Oh sya sige. Mag iingat kayo sa pagpasok sa school ha. Gaston wag kang uuwi ng mag isa. Antayin mo sina ate Grace mo at Kuya Renzo" pagpapaalala ko sa bunso naming kapatid.

"Opo kuya" sagot naman nito.

Pagkaalis nila ay pumunta na ulit ako sa kusina at naabutan ko si mama na naghuhugas ng mga pinagkainan namin kaya agad ko siyang nilapitan "ma, ako na po ang magtutuloy nyan. Magpahinga nalang po kayo doon" pagpepresinta ko kaya nakatanggap na naman ako ng masamang tingin mula sa kanya.

"Diba sabi ko naman sayo anak kaya ko naman ang mga gawaing ganito. Hindi naman ako nagkikilos masyado at alam mo namang hindi ako sanay na umupo nalang lagi sa isang tabi. Tsaka ikaw lang naman ang inaalala ko, diba may pasok kapa kaya maligo kana at mag ayos. Ako ng bahala dito sa mga hugasin na ito" pag iinsist niya kaya wala na rin akong nagawa pa dahil ng tumingin ako sa wall clock namin ay mas aalas syete na ng umaga. May pasok pa ako sa tintrabahuhan kong restaurant ng alas otso.

"Sige po, pero pagkatapos mo po dyan ay magpahinga na po kayo sa sala. Wag na po kayong magkikilos masyado ha" paalala ko pa sa kanya.

"Hay nakong bata talaga na ito, ginagawa naman akong baldado" rinig ko pang katwiran ni mama kaya napailing iling nalang ako at dumiretso na sa kwarto ko para kunin ang mga damit ko at saka pumunta sa banyo.

"Ma yung gamot nyo wag ninyong kalimutan na inutan sa tamang oras ha. Tsaka po pala yung ulam ninyo mamayang tanghali ay natakpan po sa lamesa. Mamaya po pala baka gabing gabi na po ako umuwi kaya baka hindi na po ako makasabay sainyo kumain ng hapunan po" paalala ko sa kanya.

"Bakit naman anak? Diba hanggang alas singko lang naman ang pasok mo sa trabaho?" takang tanong sakin ni mama.

Kasalukuyan akong nagsasapatos habang kinakausap si mama "kasi po mayroon na po akong isa pang trabaho para po may pangdagdag tayong panggastos at pangbili din po ng maintenance ninyo. Alam ninyo naman po na hindi po nasapat yung kinikita ko sa restaurant diba kaya naghanap pa po ako ng trabaho. Mula alas singko hanggang alas dyes ng gabi yung isa ko pa pong trabaho" dumiretso na ako sa salamin namin sa sala at inayos ang sarili. Sinuklay ko lang ang buhok at inayos ang damit.

"Baka naman inaabuso mo na ang katawan mo nyan anak. Baka pwedeng wag na-" hindi ko na siya pinatapos pa dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon ni mama.

"Ma, ayos lang po ako. Alam nyo namang napakalakas ko po diba. Kayang kaya ko po ang trabaho ko at hindi po natin ititigil ang pagmemaintenance ninyo. Gusto ka pa po naming makasama ng matagal at diba po bibigyan ko pa po kayo ng mansion at marangyang buhay. Kaya ginagawa ko po tong lahat para matupad ang pangako kong iyon sainyo. Kaya wag na po kayong mag isip ng kong ano ano pa po ha baka makasama pa po iyan sa kalagayan ninyo" paliwanag ko sa kanya.

Nakita kong napatalikod ito pero hindi nakaligtas saakin ang pasimple nyang pagpunas ng luha kaya nilapitan ko ito at niyakap "mama talaga oh. Responsibilidad ko po ito bilang anak ninyo at higit sa lahat gagawin ko po ang lahat para saatin ng mga kapatid ko. Wag ninyo na pong sisihin ang sarili ninyo ha" pang aalo ko sa kanya. Niyakap naman ako nito pabalik.

"Ang swerte ko talaga sayo anak. Hindi ko alam kong ano ang nagawa kong mabuti at biniyayaan ako ng kasing bait mong anak. Ang swerte namin ng mga kapatid mo dahil nandyan ka para saamin. Mahal na mahal kita anak. Sana ay aalagaan mo  rin lagi ang sarili mo ha. Wag kaming lagi ang iniisip mo, kapag di mo na kaya ay hindi masama ang magpahinga" tuluyan na ngang naiyak si mama kaya pinatahan ko siya.

"Opo alam ko naman po yun" sagot ko sa kanya. Inalayo ko na siya saakin at pinunasan ang luha nya "ano ba yan mama ang aga aga ang drama drama natin eh. Malelate na tuloy ako sa trabaho nito" pagpapatawa ko sa kanya na tinawanan naman niya.

"Pasensya na anak hindi ko lang kasi maiwasan eh. O sya sige na baka malate kapa sa trabaho" kinuha ko na ang bag ko saka nagpaalam sa kanya papuntang trabaho.

"Good morning Kuya Ben" bati ko kay Kuya Ben. Siya ang guard dito. Tinanguan naman ako nito saka ngumiti "magandang umaga din sayo Gab" bating balik nito.

Dumiretso na ako sa locker room namin para magbihis ng uniform namin. Naabutan ko doon si Nathaniel at Russo.

"Oy andyan kana pala Gab" pagpuna saakin ni Russo sabay hubad ng suot niyang damit at kinuha ang uniform namin na pamalit.

Nilagay ko na rin sa locker room ko ang bag ko at nagsimula na ring hubarin ang damit ko.

"Kakarating mo lang rin Rus?" tanong ko sa kanya habang nagbibihis.

"Oo, halos kasabayan ko lang itong si Nathaniel" sagot naman niya.

Napatingin naman ako kay Nathaniel na tapos ng magbihis at inibubungkos nalang ang apron niya.

"Oy, kamusta ang happy happy ninyo kagabi ni Caden?" tanong ko kay Nathaniel. Ang tinutukoy ko ay ang pagliwaliw nila kagabi. May bagong bar daw kasing napuntahan si Caden kaya inaya niya sana kami kaso parehas kaming tumanggi ni Russo kasi naghanap pa ako ng isa pang trabaho kagabi kasama si Pat habang si Russo ay may date daw kasama ang jowa nito.

"Ayos naman kaso lang muntik pa kaming mapaaway. Kasi naman si pareng Caden, pipili nalang ng ififlirt na babae yung may sabit pala" natatawang kwento ni Nathaniel na sakto namang dating ng isa pa naming kasamahan dito na si Caden.

"Bakit parang narinig ko ang pangalan ko dyan ha?" may kaingayan na sabi nito sabay diretso rin sa locker room niya at saka nagbihis.

"Wala kinekwento ko lang dito kina Gab yung ginawa mo kagabi. Muntik pa tayong mapaaway doon eh. Gago ka talaga pre" natatawang wika ni Nathaniel na tinawanan din namin ni Russo.

"Gago eh yung babae ang unang lumapit saakin eh, malay ko ba namang may sabit pala yun. Kasalanan ko bang lapitin ako ng mga babae, muntik pang mabangasan ng mukhang aso nyang jowa ang gwapong mukha ko. Mabuti nalang kailag ako eh" may pagmamayabang na kwento naman ni Caden.

"Tigilan mo nga ako ulol kong hindi pa ako nagpagitna at nagpaliwag doon ay baka nagkarambulan na doon sa bar" kontra naman sa kanya ni Nathaniel.

"Tama na nga yan. Tara na baka inaantay na tayo don ni Manager. Anong oras na oh, magbubukas na tayo" pag aaya samin ni Russo pero hindi parin tumitigil sina Nathaniel at Caden sa bangayan nila.

Actually Caden and Nathaniel are bestfriends at sabay silang pumasok dito sa restaurant habang si Russo naman ay nauna saakin ng one week. Magkaka edad lang sina Russo, Nathaniel at Caden habang ako ang pinakabata sa kanila.

They also know my gender preference and I'm glad na hindi sila yung taong madaling manghusga. They accepted me at hindi naging iba ang turing nila saakin.

I'm actually a gay person pero lalaki parin ang pananamit ko at syempre ang kilos ko. Lean lang ang shape ng katawan ko. Hindi rin gaanong maputi ang balat ko at katamtaman lang ang kulay nito. Sabi nina Nathaniel ay ang liit ko daw. Nasa 5'5 lang kasi ang height ko habang sila ay nasa 5'9 to 5'11. Si Russo ang pinakamatangkad saamin dito.

Pagkalabas nga namin ay diretso trabaho na kami dahil lumabas kanina si Manager mula sa opisina niya para tingnan kong nagsisimula na kaming mag ayos sa loob mabuti nalang ay nagsimula na kami bago pa icheck ni Manager kong nagtatrabaho na ba kami. Dumating na rin sina Kuya Ethan at Kuya Ronald. Sila ang mga chef dito sa Restaurant. Si Kuya Ethan ang main chef habang si Kuya Ronald naman ang assistant chef.

Pagkatapos ng trabaho namin ay kanya kanya na kaming paalam. Nakaabang na si Patrick sa labas. Dala dala nito ang motor nito.

"Oh suot mo na yan bakla ka. Malelate na tayo" sabay abot nya saakin ng spare helmet na dala dala nya.

Hindi naman kalayuan ang papasukan naming bar dito sa pinagtatrabahuhan kong restaurant kaya alam kong makakaabot naman kami sa call time doon.

Pumarada kami sa labas ng Bar 'Seraphim' yan ang pangalan ng bar. Buhay na buhay ang pangalan nito na napapalibutan ng mga lights kaya hindi pwedeng hindi mo sya mabasa gayong maliwanag ito at nasa tuktok ng bar.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad kong nalanghap ang iba't ibang amoy ng alak na hinahaluan ng amoy ng sigarilyo. Kailangan kong masanay na sa araw araw na ganitong eksena.

Sa may likuran kami duman kung saan ang daanan ng staff ng bar. Mga customers lang kasi ang pwedeng dumaan doon sa may entrance kong saan may dalawang bouncer na nakabantay. Mahigpit sa mahigpit ang patakaran sa bar na ito. Strongly prohibited sa mga minors at talagang wala namang nakakapasok na minor dito.

"Andyan na pala kayo. Oh heto ang mga uniforms ninyo. Dalian nyo at dumadami na ang mga customers" sabi ng manager namin saamin sabay abot saamin ng uniform namin. Halos parehas lang naman ang uniform namin dito at sa restau na pinagtatrabahuhan ko except sa top nito na long sleeves at may bowtie na kulay beige.

Parehas kaming mabilis na nagsipagbihis ni Patrick sa locker room namin. Actually parehas kami ng kasarian ni Patrick, pero gaya ko ay lalaki paring kumilos ito at manamit. Mahahalata mo lang ito na hindi straight kapag nagsasalita kasi medyo may kalamyaan. Medyo maharot din ito kaya minsan ay kakahiyang kasama ang baklang to dahil sa sobrang ratrat ng bibig.

Nagsimula na kaming magtake ng orders at kagaya ng inaasahan ay medyo nakakapanibago dahil kong sa restaurant ay medyo light ang mood dito ay medyo intense lalo na at umiinom at kong ano ano pang bisyo ng mga tao ang ginagawa nila sa loob.

Nandyan ang naghahalikan ng walang pakundangan, mga nagsisipaghaplusan kahit saang parte ng katawan at higit sa lahat ang hook up na para bang normal na lang na bagay ang sex para sa kanila.

Alam kong kailangan kong sanayin ang sarili ko sa mga ganitong bagay ngayong nagtatrabaho na ako dito. Kailangan mong sikmurain ang ganitong trabaho para kina mama.

Kinakabahan man sa unang araw ko dito ay ginawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. Minsan ay nagkakasalubong ang mga mata namin ni Pat at nagtatanguan nalang kami bilang paalala na maayos pa kami.

Ilang minuto at oras pa ang lumipas at medyo nagagamay ko na ang trabaho dito.

Kuha ng order dito at hatid ng order doon. Yan lang ang ginagawa ko sa mga nakalipas na oras. May mga nagpeperform din na mga dancers sa may mini stage kagaya ng mga nakikita ko noon sa tv. Mga babaeng nakabra at panty lang. Nakasuot sila ng nagsisikintabang mga maskara para matakpan ang mga mukha nila. Todo giling ang mga ito sa stage habang dumadagundong ang sexy music sa loob ng bar. Medyo may kadiliman din dito sa loob dahil mga party lights lang naman ang nagbibigay ng liwanag sa area at doon lang sa stage kong saan may sumasayaw ang may malinaw na liwanag.

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa muntik na akong mabuwal dahil sa dala dalawang tray ng order ang nasa kamay ko pero hindi iyon natuloy dahil sa dalawang kamay na pumigil sa bewang ko.

"Oppss are you okay little guy?" medyo deep ang boses nito kaya inayos ko ang pagkakatayo ko.

Agad ko itong hinarap at awtomatiko akong napatingala dahil sa tangkad nito. Nakapaskil ang isang ngiti sa mukha nito habang nakatingin saakin.

"S-Salamat sa pagsalo sakin kanina. Pasensya na sa abala" pagpapasalamat at paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

Mas lumawak ang ngiti nito. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil medyo madilim nga ang paligid pero samyong samyo ko ang mamahaling pabango nito at humahalo doon ang amoy ng isang wine kaya alam kong nakainom ito.

"No worries. Good that you're fine. Why are you carrying a two tray heavy loaded especially with your size. Talagang mabubuwal ka nyan" may halong birong wika niya.

"Parte po ito ng trabaho ko. Salamat ulit, kailangan ko na pong maihatid ito sa pagdadalhan ko nito. Salamat po ulit" paalam ko sa kanya at siguro narealize naman niya na hinohold back niya ako sa pagdeliver ng order ng customer.

"Oh sorry, are you sure you don't need help?" tanong pa niya.

I just give him a reassuring smile para matapos na "okay lang po ako, sige po mauuna na po ako baka inaantay na po itong order na dala ko eh" paalam ko sa kanya saka tinalikuran na ito at muli na sanang maglalakad para hanapin ang table na pagdadalhan ko nito ng magsalitang muli ito.

"Zaden..... Zaden Ennis Ricaldi is the name, little guy"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status