Share

Carrying the Billionaire's Child
Carrying the Billionaire's Child
Author: Edrianzmoe

Prologue

Naalimpungatan si Gabriel dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa may bandang dibdib niya at meron ding nakadagan sa may ibabang parte ng katawan niya.

Akala niya ay kong ano lang pero ng sandaling maimulat na niya ang mga mata niya ay bumungad sa kanya ang nakakagimbal na pangyayareng babago sa buhay niya.

He was so confused at the moment at hindi malaman ang gagawin. Isang lalaki ang kasalukuyang nasa malalim na pagtulog na kapwa hubad din kagaya niya. Ang mabigat na mga kamay nito at binti ang dumadagan sa kanya kanina.

Kaagad na nilukuban ng kaba at takot si Gabriel sa mga naiisip na pwedeng mangyare.

Dahan dahan at maingat niyang inangat paalis sa katawan niya ang kamay at paa nito bago umusod pagilid para makaalis. Pero parang nilalapnos ang balat niya sa tuwing gumagalaw siya lalo na sa parteng pang upo niya. Hindi siya tanga para hindi malaman kong ano ang nangyare sa kanila ng lalaking kasama niya sa kama.

Halos maiyak pa siya ng sinubukan niyang tumayo. Nangangatog ang mga binti niya at muli siyang napaupo. Ilang beses niyang sinubukan tumayo at tiniis ang kirot at hapdi ng pang ibaba niyang parte at ng makolekta na niya ang mga nagkalat niyang mga damit kasama ng damit ng lalaki ay agad siyang nagbihis ng mabilis na parang may humahabol na mga pulis sa kanya dahil nakagawa siya ng isang kasalanan.

Aksidenteng napagawi ulit ang tingin niya sa lalaking nakahiga sa kama at kahit hindi niya maaninag masyado ang mukha nito ay alam niyang hindi ito basta bastang tao dahil sa damit nitong nakakalat sa sahig. It was a suit, slacks and long sleeves.

Nadaanan ng tingin niya ang tattoo nito sa kaliwang bahagi ng dibdib nito. It was a sunflower tattoo pero hindi na niya pa pinag aksayahan ng panahon iyon at dali daling lumabas sa kwartong kinaroroonan nila ng lalaking iyon.

Kasabay ng pag alis niya ay pinangako niya rin sa sarili na kakalimutan ang nangyare ng araw na iyon kahit na hindi niya masyadong maalala kong ano ba talaga ang tunay na nangyare sa kanila at kong paano sila humantong sa kalagayan na iyon.

Pero ang hindi niya alam ay hindi siya basta bastang makakatakas sa pangyayareng iyon dahil may isang bagay na mag uugnay sa kanilang dalawa kahit na pilit niya itong takasan at kalimutan because......

He will be carrying the Billionaire's Child.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status