Maraming salamat sa pagbabasa, bukas naman po!
HABANG kumakain ang dalawa ay tahimik lang si Xandra habang pinapanood sila. Ngunit kahit ganon at lumilipad ang isip niya dahil ang nasa kaniyang isip ay ang anak.“Hoy Xandra!”Nagulat siya ng batuhin siya ni Ginrose ng karton na lalagyan ng pagkain nila.“Kanina ka pa namin kinakausap. Ano bang iniisip mo at tulala ka jan?” tanong nito na ikinairap niya dahil masakit ang bato nito ng karton.“Wala naman, naiisip ko lang ang anak kong si Axel. Nakita ko kasi siya kanina,”Biglang nabilaukan ang dalawa dahil sa sinabi niya kaya natawa si Xandra ng magunahang uminom ang dalawa. Mabuti nalang at kadarating palang ng tubig nila at nakainom agad sila.“Nakita mo na si Axel?!” sabay na sabi ng dalawa ng makainom sila at tumango si Xandra.“He is beautiful just like Xander,” ngiting sabi ni Xandra at bumalik sa kaniya ang muka ng anak na nakangiti. Hinding hindi niya iyon makakalimutan.Nagkatinginan naman si Ginrose at Iara dahil doon.“So, anong balak mo?” tanong ni Ginrose na ikinaseryo
Ayon sa lola niya ay naroon na ang ina kaya bababa sana siya para kausapin ito at kamustahin. Ngunit sakto ang topic ng mga ito tungkol sa kapatid niyang si Tanya kaya hindi siya nagpakita sa mga ito.Kung nagulat ang ina niya ay mas nagulat siya. Ngayon naiintindihan na niya. Malamang na iyon ‘din ang iniisip ng daddy niya, dahil ang alam nila ay tunay na kapatid ni Xandra si Tara.‘Bakit nga ba hindi ko agad naisip ‘yun?’ sermon ni Axel sa kaniyang sarili at tumakbo papunta sa kaniyang kwarto.Sinubukan niyang tawagan ang kambal niya ngunit hindi ito sumasagot. Mukang tulog na kaya wala na siyang magawa. Hinayaan nalang muna niya ito hanggang sa dumating ang ina at nagpanggap na wala siyang alam.Kailangan niyang umisip ng paraan para malaman ang totoo. Tama ang pakiramdam niya na buhay ang bunso nilang kambal ni Xander. Naiiyak siya sa isipin na iyon pero hindi pa siya sigurado.Ang isipin na tunay na kapatid niya si Tanya at hindi lang iyon, anak ‘din siya ng mommy niya ay tumatalo
KATATANGGAP lang ni Xandra ng text mula kay Tanya na maaari na siyang pumasok sa subdivision. Dahil na ‘rin lihim lang ang pagpunta ni Xandra sa kanilang bahay kinakailangan talaga na hindi sila mahuli ng kasama nila sa bahay.Mabuti nalang at tuwing hapon umaalis ang kaniyang step-mom kaya nakakatakas sila. Si Tara naman ay wala dahil na ‘rin bukas na ang party nito para sa kaniyang birthday kaya busy ito.Nang masiguro ni Xandra na wala na ang mga katulong sa salas ay dali dali siyang umakyat sa taas kung saan andoon si Tanya at ang kaniyang daddy.“Hi dad,” nakangiti niyang bati dito.“How are you anak? Ngayon ka nalang ulit dumalaw ah?” ngiting tanong ni Johnny sa kaniyang anak.“Sorry daddy may inasikaso lang po ako. Tyaka dumating ‘din po kasi mga kaibigan ko kaya hindi ako makaalis ng bahay.”“Wow! That’s good, masaya ako na dinalaw ka ng mga kaibigan mo anak.”Nag kwentuhan pa sila sandali ng kaniyang ama hanggang magpaalam ito na matutulog muna dahil na ‘rin sa pagod. Nang mas
KADARATING lang ni Angeline sa kanilang bahay ng mapansin niya ang kotse na papalabas ng kanilang subdivision. Agad niyang naihinto ang kaniyang kotse ng saglit na mamukaan ang nakasakay sa loob ng sasakyan.“Xandra?!” gulat na sabi niya at nilingon iyon ngunit nag tuloy tuloy lang ito sa pag andar.Agad na bumilis ang tibok ng kaniyang puso at napahigpit ang kapit sa kaniyang manibela. Tama nga ang sinabi sa kaniya ng anak na si Tara. Nakauwi na si Xandra sa Pilipinas.Muli ay nanlaki nanaman ang mata nito ng mayroon siyang maalala—ang kaniyang asawa!Dahil doon ay dali dali siyang umuwi sa kanilang bahay at ng maiparada ang sasakyan ay mabilis na pumasok sa loob.“Tanya! Tanya!”Tawag niya sa kaniyang apo ngunit walang sumasagot. Agad ‘rin lumitaw ang katulong nila na nagulat sa pagsigaw ng kanilang apo.“Madam! May problema po ba?!” tarantang tanong ng siyang pinakang matanda sa lahat ng katulong na naroroon.Naninilbihan na ito sa kanila matagal na at hindi pa ito ang asawa ng kan
“1 MONTH?!”Sabay na sabi ni Iara at Ginrose ng marinig nila ang sinabing iyon ni Xandra.“Ako ‘din nagulat. Gusto ko pa naman ng sagot sa lalong madaling panahon.”Pabagsak na naupo si Xandra sa kanilang sofa, kauuwi niya lang ngayon galing sa ospital kung saan siya nagpasagawa ng DNA test. Ang gusto niya sana within tomorrow or sa isang araw, kaso sabi ng doctor ay isang buwan pa ang aabutin.“Dapat hindi ka na doon nagpa DNA! Humanap ka pa ng iba ‘yung mas mabilis!”Napaisip si Xandra dahil sa sinabing iyon ng kaibigan at mayroong naisip na kilalang tao sa kaniyang isipan.“Wait,” sabi niya sa mga ito at mayroong tinawagan.“Hello, Ken?—Yes it’s me Xandra—I miss you too, pero mayroon lang sana akong gustong malaman mula sa’yo.”Hinayaan lang ni Iara at Ginrose ang kaibigan na kausapin ang kakilala nito. Maya maya pa ay nag liwanag na ang muka nito ng marinig mula dito na within 3 days ay makukuha niya ang result.Matalik na kaibigan ni Xandra si Ken, isa itong Gay at nakilala niya
KONTI nalang ay bibigay na siya at sisigawan ito dahil sa pang snob nito sa kaniya ngunit hindi naman siya makapag reklamo dahil andoon palagi ang anak nitong si Axel. Isa pa ang anak nito, sa nakalipas na mga araw ay mas tumalim ang tingin nito sa kaniya at lantaran na kung paano siya nito bastusin.Hindi naman niya ito maisumbong kay Alexander dahil sa oras na may sabihin siya tungkol sa anak nitong si Axel ay mas magagalit ito. Ayaw na ayaw pa naman ni Alexander na ginagalaw niya ang anak kay Xandra.Kaya nga ayaw na ayaw niya kay Axel, kung hindi lang ito napunta sa puder ni Alexander ay baka ipinatapon na niya ito noon pa. Nagsisisi na tuloy siya na hinayaan niyang mabuhay pa ang kambal. Sigurado siya na kasama ni Xandra ang huli sa triplets at iyon ang iniiwasan niyang mangyari.Ang lumabas si Xandra habang kasama ang huli sa triplets at kunin lahat ng meron siya.‘Hindi ako papayag! Akin lang si Alexander!’Tinawagan ni Tara ang kaniyang staff upang tanungin kung nasaan na si A
NATIGILAN si Xandra ng marinig niya ang maliit na boses na iyon. Nagulat siya ng makita si Tanya pero ang mas ikinagulat niya ay kung paano siya nito nakilala gayong naka mask siya at siniguro talaga nila na hindi siya mamumukaan ni Tara dahil mayroon pa silang isang plano.“Paano mo ako nakilala Tanya?” mahinang tanong ni Xandra dito.“Kilala ko po kasi ang tawa niyo. Isa pa po, ramdam ko na kayo ‘yan tita. Na-miss po kita! Ang ganda ganda niyo po!”Natigilan siya ng bigla siyang yakapin ng bata. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya katulad ng unang naramdaman niya ng makilala niya ito. Ang mga mumunting pakiramdam na iyon ang nagsasabi sa kaniya na maaaring iyon ang kaniyang namayapvng anak.Agad niyang ipinilig ang ulo at ngumiti dito.“Thank you, Tanya. Ikaw ‘din ang ganda mo,” sincere niyang sabi dito na ikinangiti ng malaki ni Tanya.“Pwede ka po bang sumama saakin mamaya tita? May ipapakilala po ako sa’yo! Sure po ako na matutuwa kayo pareho!”Natigilan si Xandra sa kaniyang
“Sorry talaga!”“Hindi! Halika dito!”Nagulat ang marami ng sabunutan ni Iara si Xandra ngunit pakunwari lang naman. Pigil na pigil si Ginrose sa pagtawa ngunit syempre kita na niya ang reaction ng target nila ng sadyain ni Iara na alisin ang mask ni Xandra.Nagtagpo pa ang mata ni Tara at Xandra dahil sinadya nito iyon lalo pa’t alam niya kung saan ito nakapwesto.Mabilis ang kilos niyang tumakbo paalis doon at kitang kita ni Ginrose ang pamumutla ng muka ni Tara.“X-xandra?”Agad na napalingon si Tara sa kaniyang katabi ng banggitin ni Alexander ang pangalan ng babaeng ayaw niyang makita nito.“A-alexander, namamalik mata—”Hindi na natapos ni Tara nag kaniyang sasabihin ng bigla nalang tumakbo pasunod si Alexander sa tinakbuhan ni Xandra.Syempre kasama sa kanilang plano ang bagay na iyon lalo pa’t alam nilang kasama ni Tara si Alexander. Literal na guguluhin nila ang buhay ni Tara at Alexander.“It’s my turn now.” Ngising sabi ni Ginrose at nagmadaling tumakbo papunta sa kitaan nil