Bukas po ulit guys! Anong masasabi niyo sa update ngayong gabi?! Comment kayo para mas ganahan ako mag update po! Maraming salamat sa mga nagbabasa ng story ko!
“NASAN ang anak ko?!”Napalingon sina Tara at Aimee kay Alexander ng dumating ito kung saang ospital nila dinala si Tanya. Mabuti nalang at walang ibang tao sa emergency room dahil sa lakas ng boses ni Alexander kung hindi siguradong mapapatingin sa kanila ang ibang mga tao.“N-nasa loob ng emergency room,” nanghihina na sagot ni Tara lalo na kanina pa ito iyak ng iyak.“What happened? Bakit dinala sa ospital si Tanya?” seryosong tanong nito kay Tara na ikinalunok nito.Alam ni Tara ang tunay na dahilan kung bakit dinala sa ospital ang kaniyang anak. Tanging siya at walang ibang nakakaalam ng bagay na iyon dahil si Aimee ang tumawag ng ambulance.“H-hindi namin alam…” tanging sinabi niya dito.“Impossible! Hindi basta basta mapapahamak ang kapatid ko kung walang nangyari!”Bigla nalang sumigaw si Xander na ikinagulat ng mga ito.“Kilala ko si Tanya! Malakas siya at bibo! Paanong ganon ang nangyari sa kaniya?! Siguradong may ginawa kang kakaiba sa kapatid ko!”Susugod pa sana si Xander
Natahimik sa kanilang kinalalagyan na siyang ikinapagpasalamat ni Tara. Akala niya’y itutuloy pa ni Xander ang sinasabi niya, hindi nga niya alam kung paano ito nalaman ng bata. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ganon ang naging trato nito sa kaniya sa nakalipas na mga araw.Napapatingin pa siya sa gawi nito ngunit nginingisian lang siya ni Xander na lalong ikinakakaba ni Tara. Lalong hindi niya alam kung anong gagawin, ayaw niyang mabuko, ayaw niyang mawala sa kaniya si Alexander.Hindi siya papayag!Maya maya pa bumukas ang emergency room at lumabas doon ang isang nurse.“Nurse Kamusta ang anak ko?!” agad na tanong ni Tara dito dahil sila ang pinakang malapit sa pintuan.“Misis, sa ngayon inaalam pa namin ang dahilan pero mababa ang dugo ng bata. Kailangan namin ng dugo na maaaring magamit niya, sino ho ba ang compatible sa kaniya?”Natahimik si Tara dahil sa sinabing iyon ng nurse. Alam niyang hindi niya anak si Tanya kung kaya hindi mag mamatch ang kanilang dugo.Si Xander
“X-xandra?!” gulat na sabi ni Stanlee ng mamukaan niya ang nangungunang babae sa mga ito.Habang si Liam naman ay agad na bumagsak sa sahig dahil nahimatay ito ng makita si Xandra na buong akala nito ay multo.“L-liam! Huy!” hindi alam ni Stanlee kung tutulungan niya ang kaibigan o matatakot sa patvy na taong papalapit sa kanila.Si Tara ay kusang napatayo dahil sa biglang pagdating ni Xandra.“Mommy!” masayang tawag ni Xander sa ina at inantay na makalapit ito sa kanila.Habang si Alexander naman ay hindi makapaniwalang napatingin sa anak dahil sa sinabi nito.“M-mommy?”Nakita ni Xander ang kakaibang expression sa muka ng ama kung kaya hindi niya maiwasan na maawa dito. Ngunit kahit ganon alam niyang iyon na ang time para magkita ang mga ito.“I told you daddy malalaman mo ang totoo mamaya,” ngiting sabi niya sa ama.“Hindi na kailangan, kami sigurado ako na compatible kami dahil ako ang tunay na ina ni Tanya.” Seryosong sabi ni Xandra na nilampasan lang ang mga ito at sa nurse agad
“Arghh!” reklamo ni Tara dahil sa sakit na naramdaman.“Pwede ba nabibingi ako sa bunganga mo!” madiin na sabi ni Xandra at pabalang na binitawan ito na ikinabagsak nito sa sahig.“Aray!” tinignan niya ng masama si Xandra dahil sa ginawa nito ngunit hindi pa nakuntento si Xandra sa ginawa niya at nilapitan niya ang kaniyang ate pagkatapos ay sinampal ito ng pagkalakas lakas.*pak!*Rinig na rinig ang malakas na sampal ni Xandra kay Tara sa buong hallway na iyon.“Para sa nangyari sa anak ko ngayon,” seryosong sabi ni Xandra at muling sinampal si Tara sa kabila.*pak!*“Para naman sa pagkuha at pagpapalabas na patvy na ang bunso ko.”*pak!*“Para sa pag set up satin years ago dahilan para makasal kami ni Alexander.”*pak!*“Para sa pagpapalabas na patvy na ako para tuluyan akong mabura sa mundo niyo.”*pak!*“T-tara!” umiiyak na tawag ni Aimee sa kaibigan ngunit pinipigilan ito ni Iara at Ginrose.“Para sa muntikan ng pagdukot sa anak kong si Xander!”*pak!*“T-tama na!” nanghihinang s
KATAHIMIKAN ang pumalibot sa hallway kung saan naiwan ang mga ito ng umalis si Xandra at pumasok sa loob. Tanging ang iyak lang ni Tara ang maririnig dahil na ‘rin sa pagkabigla ng lahat sa pangyayari.Si Stanlee at Liam, hindi alam kung anong sasabihin dahil ang taong buong akala nila’y matagal ng patvy ay buhay pa at kasama pa nito ang isa pang anak ng kaibigan nila! To think na triplets pala ang anak ni Alexander ay hindi nila alam kung paano ipoprocess sa utak nila ang lahat ng iyon.Isama mo pa na hindi pala talaga si Axel ang nakakasama nila kundi si Xander na siyang kambal ni Axel. Kung ang dalawa ay naguguluhan paano pa kaya si Alexander? Kanina ng dumating si Xandra, katulad ni Liam ang akala niya’y nakakita lamang siya ng multo pero ng magsalita ito ay doon niya narealize na hindi.Lalo na ng sabihin ng kaniyang anak ang tinutukoy nitong katotohanan na sa buong buhay niya ay hindi na tumakbo sa isip niya. Simula ng mamatvy si Xandra tila kalahati ng buhay niya ay namatay at
Hindi siya nakagalaw dahil doon, alam niya sa sarili niya na magkasabwat sila ni Tara kung kaya maaaring magkatotoo ang sinabi sa kaniya ng dalawang babae.“Kinuha mo ang anak ko at pinamukang patvy na ito! Pagkatapos itatanggi mo na hindi ikaw ang nagpamukang patvy na si Xandra?! Hindi na ako maniniwala sa kasinungalingan mo! Nang dahil lang naman kay Tanya kaya ako nag titiis makasama ka at anong sinasabi mong propose? Never akong mag popropose sayo dahil kahit matagal na nawala si Xandra siya pa ‘rin ang laman ng puso ko hindi ikaw!”Mas lalong napaiyak si Tara dahil sa kaniyang mga naririnig mula sa lalaki. Todo ang iling niya dito na tila ba matatanggal na ang kaniyang ulo. Pinagsaklop na ‘rin niya ang kaniyang mga kamay at nagmakaawa sa harapan ni Alexander.“N-no, no! Nasasabi mo lang ‘yan dahil galit ka saakin!” iyak na sabi ni Tara. “Isa pa sinabi sakin mismo ni Axel na mag popropose ka saakin kaya mo kami sinama dito sa bakasyon na ‘to!” sabay turo niya kay Axel habang tinit
Samantalang si Angeline naman ay natigilan sa narinig sa anak pero ng ilibot niya ang paningin sa paligid ay mayroong mg amukang hindi familiar sa kaniya.“X-xyra…”Napatingin siya sa asawa ng magsalita ito nang mahina. Hindi siya makapaniwala na nagsalita na ang asawa kung kaya napatingin siya dito at nagtanong.“Sweetheart nakakapagsalita ka na?!” gulat na sabi niya dito ngunit nasa iisang direction lang ang mata ng lalaki.“X-xyra…” muli nitong sabi na siyang ikinatigil na ng tuluyan ni Angeline.Matutuwa na sana siya dahil nakakapagsalita na ang asawa ngunit hindi siya natutuwa sa sinabi nitong pangalan. Dahil doon ay agad siyang lumingon sa tinitignan nito at natigilan siya ng makita si Xyra na siyang unang asawa ng kaniyang kinakasama ngayon.Ilang taon na ang lumipas nang huli niyang makita ito at sa nakalipas na mga taon na iyon ay walang ibang paramdam ang babae. Ang alam niya ay tanggap na nito na wala na silang mag-asawa, ibig sabihin siya ang tumulong kay Xandra kaya naman
“Mom, can you hold the twins for a while?” seryosong sabi ni Xandra na agad ikinatango ni Xyra at lumapit sa mga ito at kinuha ang kambal na umiiyak.Si Xandra ay naglakad palapit kay Tara na ikinaatras nito.“Gusto mo ba ng ebidensya para mapatunayan ang mali mong ginawa?”Napakunot ang noo ni Tara dahil sa sinabing iyon ni Xandra at hindi na nito inantay ang isasagot ng kapatid pagkatapos ay mayroong kinontak sa kaniyang cellphone.Ilang ring lang ay mayroong sumagot sa kabilang linya.“Pumunta ka dito sa emergency room.” Iyon lang ang sinabi ni Xandra at binaba na niya ang tawag.“Ano ‘yan?! Hindi magbabago na ikaw ang rason kung bakit nasa loob si—”*Pak!*Hindi pinatapos ni Xandra si Tara at muli niya itong sinampal.“Huling huli ka na gagawa ka pa ‘rin ng kasinungalingan?” diin na sabi ni Xandra dito.“How dare you slap may daughter?!”Biglang sigaw na sabi ni Angeline at tumakbo sa gawi ni Xandra para sampalin ito pero agad iyong nasalo ni Xandra.“Kung akala niyo po ay katulad