Share

Chapter 79

“NASAN ang anak ko?!”

Napalingon sina Tara at Aimee kay Alexander ng dumating ito kung saang ospital nila dinala si Tanya. Mabuti nalang at walang ibang tao sa emergency room dahil sa lakas ng boses ni Alexander kung hindi siguradong mapapatingin sa kanila ang ibang mga tao.

“N-nasa loob ng emergency room,” nanghihina na sagot ni Tara lalo na kanina pa ito iyak ng iyak.

“What happened? Bakit dinala sa ospital si Tanya?” seryosong tanong nito kay Tara na ikinalunok nito.

Alam ni Tara ang tunay na dahilan kung bakit dinala sa ospital ang kaniyang anak. Tanging siya at walang ibang nakakaalam ng bagay na iyon dahil si Aimee ang tumawag ng ambulance.

“H-hindi namin alam…” tanging sinabi niya dito.

“Impossible! Hindi basta basta mapapahamak ang kapatid ko kung walang nangyari!”

Bigla nalang sumigaw si Xander na ikinagulat ng mga ito.

“Kilala ko si Tanya! Malakas siya at bibo! Paanong ganon ang nangyari sa kaniya?! Siguradong may ginawa kang kakaiba sa kapatid ko!”

Susugod pa sana si Xander
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa napakagandang update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status