Share

Kabanata 44

Blair Castro

MAHIGPIT kong hinawakan ang sirang pinto ng kwarto ko. Humigpit rin ang pagkakahawak ko sa tuwalyang nasa balikat ko pa rin. Pagkatapos kong talikuran si Lukas kanina ay lakas loob akong bumalik dito sa kwarto ko.

Napailing ako at bumaba ulit. Naupo ako sa nag-iisang upuan sa sala saka mariing ipinikit ang mga mata ko. Napalunok ako nang bumalik sa isipan ko ang mukha ng lalaki kanina. Sigurado ako na siya rin 'yung inutusan ni Alicia noon para patayin ako. That bitch! Wala nga siya dito pero hindi talaga siya titigil hangga't hindi ako nabubura sa landas niya. Akala niya ay papayag ako sa pagkakataong ito? Hindi!

Hindi na ako na nakatulog. Puyat na puyat ako kinabukasan at halos nanlalata ang katawan ko. Bandang alas cinco ng umaga nang may kumatok sa pinto ng bahay ko. Halos mawala ang antok ko nang mapagbuksan ko si Lukas na agad sinalubong ang mga mata ko.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status