Share

Chapter 6: Fiancee

Cheya Santia

"Sorry, kanina ka pa?" tanong ko kay Trimma.

Shocks! 8:30 na! Pano ba naman, sobrang hirap takasan si Kuya. Bantay sarado ako ih. Buti nalang nakapag ready na ko nang mga dadalhin kahapon.

"It's okay, ang mahalaga dumating ka. By the way, sasakay tayo papuntang terminal ng bus. Don nag aantay yung pinsan ko na kasama natin sa pagluwas" paliwanag nya habang nag aayos ng gamit.

Agad naming binuhat yung mga dala naming bag.

"Talaga? So mag w-waiter din sya?" Agad naman kaming lumabas para mag abang ng taxi.

"No, kinuha kasi sya bilang singer sa pagta-trabahuhan natin" napatango-tango naman ako sa sinabi nya

"Nice. Ganda siguro nang boses" manghang sabi ko.

"Oo naman! Pambato kaya nang pamilya namin yung lalakeng yon. Ngapala nasa kanya na yung ticket natin papuntang maynila" na-excite naman ako sa huling sinabi nya.

Napatingin naman ako sa pinarahan nyang taxi. Agad nyang binuksan ang passenger seat at dinungaw yung driver.

"Kuya sa terminal po nang bus" sabi nya. Tumango-tango naman yung driver "Lika na" sabi nya sakin kaya agad naman kaming pumasok.

Magkatabi kami sa likod nang taxi nakaupo.

"First time mong tutungtong sa maynila?" agad na tanong ni Trimma habang nakatingin sakin.

Umiling-iling naman ako sa tanong nya.

"Hindi naman... nung buhay pa yung mga magulang ko madalas nila kaming isama ni Kuya sa maynila pag may kasosyo silang businessman. Pero hindi naman kami nagtatagal. Tsaka masyado pa kong bata non" napatango-tango naman sya pero kasabay non ang pagkunot ng noo nya.

"Pero mukha ka namang mayaman. Bakit di ka bumisita don? O di kaya mag decide na tumira don?"

Napaayos ako nang upo sabay lingon ko sa kanya.

Ow... Ang ganda nya pala talaga.

"Ow well. Naisip ko yan nung mga nasa highschool pa lang ako. Pero kasi nung mga times na yon naisip ko 'kaya ko bang iwan yung lugar kung san ako lumaki?' Tas namamalayan ko na lang yung sarili ko na umiiling na pala ako. Mahalaga para sakin tong Queencess Teresa kaya mahirap magdesisyon. Lalo na ngayon na kami na lang dalawa ni kuya natira" napangiti ako nang mapait.

Napatango-tango naman sya.

"Ahh... sabagay, ang ganda naman din kasi ng tanawin dito sa Queencess Teresa, alagang-alaga nang mga Da Villa, Dela Vega at Esteves. Oh eh pano nagbago yung isip mo? Buti napagdesisyunan mong mag maynila"

Napanguso naman ako.

"Eh kasi graduating na naman ako. Kaya ko na namang makapag decide para sa sarili ko tsaka narinig mo naman yung sinabi ko noon diba? Gustong-gusto ko talagang maranasan ang buhay sa maynila. Ang makapagtrabaho habang nag aaral na imposibleng mangyare kapag nasa paligid ko lang si Kuya. Gusto kong maranasan ang buhay na malayo sa kuya ko" malayo sa mga Da Villa.

"Sa bagay"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Eh ikaw? Bat ka magta-trabaho sa maynila?"

"Ahh... may hinahanap kasi ako. At alam ko na kung san sya makikita" sabi naman nya.

Napatango-tango naman ako.

"Ahh... kamag-anak?" tanong ko naman.

Nanlaki ang mata ko nang bigla syang lumapit sakin at inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko. May ibubulong sya.

"Yung naka one night stand ko" napaubo ako sa sinabi nya "I'm sorry. Hehehe nakakabigla ba?" sabay kamot nya sa batok nya.

Napalunok ako sabay tingin sa kanya.

"S-seryoso ka?" kinakabahang tanong ko.

"Oo naman, mukha bang joke yon? Eh kasi naman, nalaman ng pamilya ko yung nangyare edi pinalayas nila ako at hanapin ko daw yung lalake. Kailangan daw ako panagutan" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya sabay tingin ko sa tyan nya.

"Don't tell me..."

"Ano?!" kinakabahang tanong nya.

"A-are you... are you pregnant?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"No! I-I mean... I don't know. One month na yung nakakalipas so I really don't know kung buntis nga ako. K-kung totoo man, jusko! Lalong kaylangan ko syang makausap. Mapapatay ako nang pamilya ko pag nagkataon" problemadong sabi nya.

"D-dinatnan ka na ba?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

Napasampal naman sya sa noo nya.

"Actually wala pa. Dapat two weeks before meron na ko ih. Kaso... k-kaso nga wala pa" nakayukong sabi nya.

"The hell Trimma?! Seriously?! Tingin mo papapasukin ka sa trabaho natin pag nalaman nilang buntis ka?" pabulong kong sigaw sa kanya.

"Hindi ako b-buntis! A-atsaka kaylangan ko talagang makapasok sa trabaho na yon kasi... kasi nandon yung taong hinahanap ko" napabuga ako sa hangin.

"Malaki ang tyansa na buntis ka. Teka nga, pano napunta sa maynila yang lalakeng yan gayong one month lang naman ang nakalipas ng may nangyare sa inyong dalawa?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Eh... k-kilala naman kasi yung lalakeng yon bilang gala. S-siguro... bumisita sya dito nung araw na yon at nagkataong pareho kaming dumalo non sa party kaya yon! Tas bumalik ata sya don sa maynila para ipagpatuloy yung trabaho nya" sabi naman nya.

"Jusko! Sino yan?! Nang ma-search ko at ipapahanap ko sa mga kakilala ko. Magpapatulong ako sa mga kaibigan ng kuya ko" susubukan ko na ring humingi nang tulong kila Shine o kaya naman kay Natasha. Tutal mas malaki naman ang hawak nila ih.

"Yun na nga ih. Mahirap hanapin ang isang Kalix Dela Vega" dismayadong sabi nya dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko.

"A-anong... what the f*ck?" tahimik kong ibinalik ang tingin ko sa harap sabay hilamos ko sa mukha ko.

Akala ko makakawala na ko sa pamilya nila. Pero putspa! Bakit hindi maiwasang magkaroon ng isang taong magiging tulay para magkaron ulit ako nang koneksyon sa kanila?!

Sabi ko lalayo ako! Tangina talaga!

Nanghihina akong napatingin kay Trimma.

"O-okay ka lang? Hala!" napatakip sya sa bibig nya "Oh my God I'm sorry, may gusto ka ba kay Kalix?! Sh*t! Di ako nag iingat, may mga fangirl pala syang nagkalat sa paligid. Hala! Sorry talaga" kinakabahang sabi nya.

Nagpilit ako nang ngiti.

"Trimma"

"B-bakit?"

Napalunok ako sa sasabihin ko.

"Sigurado ka bang kaylangan pa nang ama yang magiging anak mo?"

"H-ha?" nalilitong tanong nya.

Umiling-iling ako.

"Bestfriend ko ang kakambal nya, si Natasha Dela Vega" nanghihinang sabi ko.

Agad namang nanlaki ang mga mata nya sabay hawak nya sa mga kamay ko.

"T-talaga?! So... so matutulungan mo ko?!"

Huminga ako nang malalim.

"At fiancee ko ang pinsan nila. Ang tinatakasan ko. Ang isa sa dahilan kung bat ako pupunta nang maynila. Fiancee ko ang cousin nila sa mother side. Ang tagapagmana nang mga Da Villa"

Di makapaniwalang tinitigan ako ni Trimma.

"T-tangina seryoso?! T-tagapagmana nang mga Da Villa?! Si---"

"Kian Da Villa"

Napatakip na sya sa bibig nya.

"Oh my God"

"So sabihin mo sakin, pano kita matutulungan?" naiiritang tanong ko sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status