Share

Chapter 5: Breathe

Cheya Santia

I'm grounded

Just what the hell? Ano ba ko sa tingin nya? Bata? As if susunod ako. Yah he's my brother, but I can rule myself without him.

Pag akyat ko sa kwarto ko ay agad akong sumalampak sa kama ko.

Nakakapagod mag isip.

Napapikit ako, pero wala pang isang segundo nang bigla kong imulat ang mga mata ko at napaupo ako ng may naalala ako.

"Basta, gagawin ko lahat para makapunta sa maynila" sagot ko kay Shine sabay inom ko nang tea ko.

We're here sa pinakamalapit na pub mula sa school namin.

"Mahal na mahal mo talaga yang pangarap mo no? Alam mo nagtataka na ko sayo. Ang ganda naman ng buhay mo dito sa Queencess Teresa. Isa ka ngang SeƱorita ih. So bakit gusto mo pang pumunta sa maynila? Para ano? Para maghirap?" Napipikong sabi ni Shine.

"Ano ka ba? Iba ang buhay sa maynila. At gusto kong maranasan yon. Ah basta! Hahanap talaga ako nang tyempo para makatakas kay Kuya---"

"Ahh Ma'am eto na po ang order nyo" singit ng isang waiter na babae sabay lapag nya nang in order namin sa desk namin.

"Thankyou" sabi ko naman.

Akala ko aalis na sya pero nanatili pa rin syang nakatayo sa pwesto nya.

"Ahmm... may kaylangan ka pa Miss?" tanong naman ni Shine don sa babaeng waiter.

"A-ahmm... sorry po kung narinig ko yung usapan nyo kanina. Ano po kasi... uhmm may offer po ako sainyo" napakunot noo ako sa sinabi nya.

"Offer?" Tanong ko sa kanya.

"Ow, uhmm kasi po may trabaho pong inaalok sakin sa maynila. Waiter po. Tas kumuha daw po ako nang isa pang kasama. Libre nila lahat, simula transportation hanggang sa pagkain sa byahe. Ang paggagastusan lang po ay yung matitirhan don---"

Agad naman syang pinutol ni Shine

"Ow wait, don't tell me ino-offer mo sa kaibigan ko yung isa pang spot ng pagiging waiter sa maynila. Ay naku hindi pwede! Malabong payagan sya nang kuya nya---"

"Ano ba Shine" agad kong binalik ang tingin ko don sa babae "I'm sorry pero pwede bang pag isipan ko muna?"

"Sure sure... by the way... here" sabay abot nya sakin ng papel na may pangalan at number nya "I'm Trimma Lopez, nandyan na yung number ko incase na makapag desisyon kana. Nextweek friday na yung alis ko, sana makapagdesisyon ka kaagad" tsaka sya yumuko ulit "I'm sorry sa abala. Thankyou and enjoy your food ma'am" sabay alis nya.

"What the hell Cheya?! Hindi ko alam na tototohanin mo yang tumatakbo dyan sa utak mo" saway agad sakin ni Shine

Hindi ko na sya pinansin at napatingin nalang ako sa papel na hawak ko, staka ako napangiti.

Napatingin ako sa kalendaryo ko na nakadisplay sa study table ko. Thursday ngayon. At bukas... bukas na.

Agad kong hinanap sa drawer ko yung kapirasong papel na yon.

Nang di ko yon makita sa taas ay tumungo naman ako sa ibaba nang drawer.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang kapiraso na papel sa lapag na dinaganan ng isang box.

Kukunin ko na sana yung papel nang mapatingin ako sa box.

Kinuha ko muna yung box staka ko kinuha yung papel.

Inilapag ko sa kama ko yung box, tsaka ko yun binuksan. Napangiti ako nang mapait nang makita ko ang iilang litrato namin nila Natasha at Kian.

Napatingin ako sa isang litrato kung san hawak ni Kian ang isa kong kamay habang nakatingin sakin ng seryoso at ako naman ay nakatingin sa camera at nakangiti nang malapad.

Napangiti ako nang mapait.

You've never changed.

Hinding-hindi ako magpapakasal sayo, sa kagaya mo. Hindi sa isang Da Villa.

Gusto ko nang putulin ang koneksyon ko sayo, kasabay non ang paglayo ko sayo.

Hindi mo ko mahahanap. Lalayo ako sayo.

Agad kong dinampot ang phone ko tsaka tinype yung number na nasa papel.

Nakailang ring pa bago sumagot ang nasa kabilang linya.

(Hello---)

"Sasama ako sayo" kalmado ngunit seryoso kong sabi.

(Oh my God really?! Ow wait I'm sure naman na ikaw yung babae dun sa pub diba?)

"Yah" maikling sagot ko.

(Good, okay tomorrow morning... uhmm 8 am sa pub kita tayo. Dala ka nang enough na clothes mo and money ofcourse and oh! Don't forget your ID, baka kaylanganin ih)

After naming mag usap ay agad kong pinaalam kay Shine yung plano ko at sinabi ko ring sya na ang bahalang magpaliwanag kila Jean.

(Siraulo ka ba? Sige nga! Pano na ang pag aaral mo?! Jusko naman Cheya! Two months nalang ga-graduate kana! Hindi ka ba muna makapag antay?!)

"Shine relax okay? Nakausap ko kanina yung Dean and mga head teachers, pumayag sila na makipag exchange student ako sa maynila nang One and half month. Then babalik nalang ako dito after non para kunin yung certificate ko" paliwanag ko sa kanya.

(Alam mo Cheya? Ang sakit mo sa ulo. Wag lang talagang sumugod sugod dito ang kuya mo bukas at masasapak talaga kita! Sh*t naman talaga oh! Sabihin mo na lang kaya sa Kuya mo?)

Agad naman akong napaupo sa sinabi nya.

"Hell no! Shine! Don't you dare! Mapapatay ako nang Kuya ko pag nagkataon. Atsaka hindi talaga pwede... b-baka sabihin nya pa kay... kay K-kian"

Napakagat ako sa daliri ko dahil sa kabang nararamdaman ko para sa paglayas ko bukas.

(Oh? Nung kinalaman ni Kian Da Villa dito?)

"A-ah... ano kasi... shit pano ba?... uhmm... Shine listen carefully okay? Kasi... kasi pinagkasundo kaming ikasal ni Kian---"

(What the hell?! Seriously?! Sinasabi ko na nga ba at may gusto din sayo yang lalakeng yan ih! So ano?! Gusto mong umalis at pumunta nang maynila para takasan sya?! Para di matuloy yung pangarap mong kasal---)

"F*ck you Shine Demi! Hindi ka nakakatuwa! Hindi ko pinangarap at never kong papangaraping makasal sa lalakeng yon! Atsaka ano bang pinagsasabe mo jan?! Pupunta ako sa maynila dahil yon ang pangarap ko. Walang kinalaman yung lalakeng yon sa pag alis ko"

(So payag ka na makasal kayo?) Napalunok ako sa tanong ni Shine.

Ano bang sinasabi nang babaeng to?!

"No way! Never! Para ano?! Para paglaruan nya?!"

(But we both know na wala kang magagawa. Isa syang Da Villa. Lahat nakukuha nila.)

"Kaya nga ako pupunta nang maynila ih" bulong ko naman.

(Akala ko ba walang kinalaman si Kian sa pagpunta mo sa maynila? Uhmm anyways, alam mo naman siguro na marami silang sources. You can't hide from him. Kahit san ka man magtago at pumunta kayang kaya ka nyang makita. Isang kumpas nga lang siguro nang kamay nya, kaya ka na nyang mapabalik agad dito ih)

Napayuko naman ako.

"Ano ba Shine, wag mo naman akong takutin"

(Bakit? Natatakot ka? Hayss... basta ang sakin lang, mag iingat ka. Galingan mo ang pagtatago mo. Anyways... may lakad pa ko. Party nang Kurt Dela Vega. Actually ayokong pumunta dahil naiinis ako sa mukha nang mga Dela Vega pero maligalig si Natasha. Dinahilan ko na nga lang na may sakit ka dahil kanina pa sya nagpupumilit na isama ka. Oh basta, mag iingat ka. Ako nang bahalang magpaliwanag kila Jean.)

"Salamat"

(Ingat sa byahe ha? Subukan namin na ihatid ka sa airport)

"No need. May kasabay naman ako"

(Sino? Yung Trimma? Ang ganda non ha, sabihin mo pakilala ko sya kay Kuya James)

"Siraulo!" natawa na lang ako hanggang sa matapos ang tawag.

Huminga ako nang malalim.

I need this.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status