Share

Chapter 4: Arranged

Cheya Santia

Nagising ako dahil sa pag-ring ng phone ko.

Kinapa-kapa ko ang uluhan ko. Pagkawak ko nang phone ay nakapikit kong ini-swipe yung screen staka ko ito itinapat sa tenga ko.

"Hell---"

(What the hell Cheya Santia?! Where the hell are you?! Are you f*cking crazy?! Andami ko nang missed call sayo simula kagabi tas wala kang sinagot?! Tumakas ka na nga sa party tas hindi ka pa umuwi dito! San ka natulog ha?!) pino-proseso ko muna sa utak ko ang mga narinig ko at nang maintindihan ko ang nangyayare ay agad akong napaupo.

Napahilamos ako sa mukha ko nang makita kong mga bagsak din ang mga kaibigan ko at ang hihimbing ng tulog.

At dahil ayoko silang maabala ay dahan-dahan akong tumayo at naglakad palabas ng rooftop.

"Hello kuya? I'm sorry, pauwi na ko---"

(The hell Cheya! Ayusin mo yang explanation mo mamaya! Dalian mo sa pag-uwi at may pag-uusapan pa tayo) medyo kalmado na si Kuya sa last sentence na sinabi nya pero agad nya ding ibinaba yung tawag.

Pagkababa ko sa first floor ay agad kong kinuha yung sling bag ko sa sofa nila.

"Nandito ka pala" muntik na kong mapatalon sa gulat ng marinig ko ang boses sa likod ko.

"Ow shocks ikaw pala Kuya James. Uhm... sorry po sa abala. Nasa rooftop po sila Czarina" sabi ko sa Kuya ni Czarina.

"Ow, it's okay. Dun kayo natulog?" tanong nya naman.

"Uh opo"

"Okay, uuwi kana? Ipapahatid na kita sa driver" sasagot na sana ako nang makita ko ang hawak ni Kuya James.

Long sleeve na polo. Maliligo na ata sya.

"Ah, opo kuya. Tumawag na rin po kasi si Kuya Ethan sakin. Uhm Kuya James, pwedeng favor?" tanong ko sa kanya.

"Ow sure, ano yon?"

Sh*t! Nahihiya ako.

"Can I borrow your clothes? At least that one" sabay turo ko sa hawak nya.

Napatingin naman sya sa hawak nya.

"Ow sure" sabay abot nya sakin ng damit nya.

"Thank you Kuya! Pagamit na rin ng cr. Thank you!" sabi ko sabay takbo papuntang CR.

Mas okay nang ganito suot ko kaysa makita ni Kuyang pareho pa din ang suot ko kagabi. Jusko malalagot ako!

Patakbo akong pumunta sa cr sa kitchen staka madaliang sinuot yung long sleeve polo na hanggang binti ko lang.

Umabot yung haba sa gitna ng legs ko. Okay lang dahil naka cyclings naman ako

Patakbo akong lumabas at naabutan ko pa si Kuya James na kausap yung driver.

Agad syang napalingon sa direksyon ko at pinasadahan ako nang tingin pero agad ding nag-iwas ng tingin.

"Uhm, you sure yan ang susuotin mo? Di kaya lalong magalit ang Kuya mo nyan?" seryosong tanong ni Kuya habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Uh opo, kaylangan ko na rin kasi talagang umuwi"

"Alright. Ihahatid ka nang driver namin. Nasabi ko na yung address mo" seryosong sabi pa din nya.

"Okay! Thank you talaga Kuya. Pasabe na lang po kila Czarina na tatawag nalang ako sa kanila."

Pagkatapos makapag paalam ay agad akong sumakay ng sasakyan nila.

Ow shocks! Malalagot talaga ako nito kay Kuya ih! Tas yung tipong amoy na amoy ko yung alcohol sa katawan ko! Shems!

Nagkanda pawis-pawis na ko dito dahil sa kaba tas dagdagan pa nang bilis ng tibok ng puso ko!

Matapos ang ilang minuto ay huminto na rin ang sasakyan sa labas ng gate namin.

"Uhm... thank you Kuya. Pasabi na rin kay Kuya James na thank you. Babye!" hindi ko na inantay ang pagsagot ng driver nila at kumaripas na ko nang takbo papasok sa loob.

Pagpasok ko nang bahay ang unang sumalubong sakin ay si Manang Lordes.

"Jusko iha! Ano yang suot mo?! Hala sige pumasok kana at kanina ka pa hinahanap ng Kuya mo" napakunot noo ako nang biglang mag-sign of the cross si Manang Lordes.

Napatingin ako sa suot ko, anong problema?

Nagkibit balikat na lang ako sabay lakad ko papuntang dining area kung san nandon daw si Kuya.

Pagtapak ko mismo sa dining area ay napako na ko sa kinatatayuan ko.

What the hell is he doing here?!

Lalo akong kinabahan ng makita ko sya.

"K-kuya?" agad silang napalingon sakin dalawa.

Galit na ekspresyon ang nakita ko kay Kuya lalo na nang makita nya ang suot ko. Ganon din ang naging reaksyon ni Kian at paulit-ulit pang umigting ang panga nya.

Oo sexy syang tignan sa lagay na yon pero sh*t! Mas nangingibabaw yung takot ko sa kanya ngayon.

"What the hell Cheya?!" galit na sabi ni Kuya.

Natataranta akong lumapit sa kanya sabay kiss sa pisngi nya, halos kumalabog ang puso ko nang maramdaman ko ang presensya ni Kian sa gilid ko.

"F*ck! Uminom ka? What the hell Cheya?! Amoy alak ka! At kanino yang damit ha?! Sinong nakasama mo kagabi?! San ka natulog?!" napaatras ako sa takot kay Kuya.

"Kuya naman, wala akong ginawang masama. Sorry kung tumakas ako sa party. Kila Czarina lang naman ako pumunta tas nakainom kami nang... uhmm konti. Tsaka tong damit" sabay hawak ko sa polong suot ko "S-sa Kuya to ni Czarina, nagmamadali na kong umuwi kaya nung nakita kong hawak to ni Kuya James hiniram ko agad" nakita kong medyo kumalma si Kuya.

Pero kabaligtaran ang nangyare kay Kian. Lalong nag-igtingan ang mga panga nya.

"Kian, James is a friend of mine" napakunot noo ako sa sinabi ni Kuya.

Bat kaylangan nyang magpaliwanag sa lalakeng to?

"Uhm Kuya, bibihis lang ako" paalam ko kay Kuya.

"No, maupo kana jan. Masyadong busy si Mr. Da Villa at aalis na rin kami para sa meeting ng company, inantay ka lang talaga namin" napakunot noo ako sa sinabi ni Kuya.

Nagkibit balikat na lang ako tsaka naupo sa tabi ni Kuya na harap ni Kian.

"Bakit kaylangan ako dito?" tanong ko sa kanila.

Huminga nang malalim si Kuya staka ako nilingon.

"Cheya... we all know na nasa tamang edad kana. I think I should start to fix your future" napakunot noo ako sa sinabi ni Kuya.

Pero hindi nakatakas ang kaba sa nararamdaman ko. Sa tingin ko alam ko na ang kahihinatnan ng usapan na to!

"Kuya, ano bang---"

"Ikakasal ka kay Mr.Da Villa---"

"Kuya!" nagulat sya nang masigawan ko sya, kahit naman ako nagulat din. "I'm sorry, but please Kuya... don't say that. I'm just 22. I'm still young. Hindi pa ko ready sa mga ganyang bagay. Please---"

"Magpahinga ka muna, pupunta ang mga Da Villa dito bukas para pag-usapan ang kasal" napatayo na ko sa sinabi ni Kuya.

"Kuya naman... di ba parang masyado ka namang nagmamadali?" napalingon naman ako kay Kian na kanina pa tahimik at kanina pa seryosong nakatingin sakin. "Ikaw! Anong kalokohan to? Ang balita ko hindi naman kayo nabubuhay sa arranged marriage for business and as if naman na nalulugi na yung business nyo. Ano ba talagang kaylangan mo?"

"Cheya" saway sakin ni Kuya.

"I want you. Kung alam mong hindi kami nabubuhay sa arranged marriage for business I hope alam mo din na lahat ng gusto nang pamilya namin nakukuha namin. Now I say to you. I want you and I'll get you" seryosong sabi nya.

Kumalabog ang puso ko sa sinabi nya. What the hell is he thinking?!

"Sino ka para gawin to sakin?! Pinaglalaruan mo ba ko?!" agad kong nilingon si Kuya, kaylangan ko nang palusot "Kuya I have a boyfriend. Hindi ko kayang masaktan---"

Sasagot na sana si Kuya nang maunahan sya ni Kian.

"Then break up with him" seryosong sabi nya.

Nataranta ako nang tumayo si Kian at Kuya.

"Kuya wait! Please listen to me. He's not serious! This is about marriage! My f*cking future!"

"Shut up Cheya." seryoso na ring sabi ni Kuya.

Tinitigan muna ako ni Kian ng seryoso bago sya dumiretso palabas.

"Don't make a scene tomorrow. Ow and before I forgot, you're grounded" sabay sunod nya kay Kian.

Napaupo na lang ako sabay sabunot ko sa buhok.

What the hell?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status