Share

Chapter 3: We Kissed

Cheya Santia

"Cheya, anong nangyare? Hingal na hingal ka" napatingin ako kay Czarina na nasa passenger seat habang si Shine naman ang nagd-drive. At si Jean naman katabi ko dito sa likod.

Napalunok ako. Hanggang ngayon... a-ang lakas pa rin ng kalabog ng dibdib ko. Parang biglang nagkabuhol-buhol yung organs ko!

What a jerk!

A-anong karapatan nyang halikan ako?!

"Huy! Cheya Santia!" napatingin naman ako kay Shine.

"H-ha?"

"Tulala ka jan, ano? Club? G?" tanong nya naman.

"A-ano, p-pwede bang dun na lang tayo sa bahay nyo Czarina? Dun na lang tayo sa rooftop nyo uminom."

Napakunot noo naman sila sa suggestion ko.

"Okay lang, besides wala naman sila Mom don. And may stock pa naman ng alcohol samin" sabi naman ni Czarina.

"Nice! Andun din si Kuya James diba? Well mas okay yon, makikita ko ulit sya" sabi naman ni Jean kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Ano yan? May relasyon kayo? Naku! Sinasabi ko sayo Jean ha!" seryosong sabi ko sa kanya.

"Wala! Ano ba! Lifetime crush ko lang sya noh!"

Inirapan ko na lang sya sabay tingin ko sa labas ng bintana.

"Ow guys don't worry, tulog na yon si Kuya. Walang sasaway satin mamaya" sabi naman ni Czarina.

"Ow well, mas better" -Shine.

"Bakit hindi na lang natin sya isali?" suggestion ni Jean.

Galit ko naman syang nilingon.

"Shut up!" sabay-sabay naming sigaw sa kanya

Huminga ako nang malalim atsaka ipinikit ang mata ko.

Hindi ko dapat iniisip yung malanding lalakeng yon.

***•••***

"Oh dali, kwento ka na. Kamusta? Anong nangyare? Kumpleto ba sila don?" sunod-sunod na tanong ni Shine.

Nandito na kami sa rooftop at nakapaglatag na. Ready na rin yung alcohol at sisig namin.

Napangiti ako, ang ganda talaga nang tanawin dito. Sakto pa yung lamig. At ang ganda rin ng view, lalo na ngayon na gabi na at kita mo na yung mga nagkikislapang bituin.

Huminga ako nang malalim staka nilingon si Shine na nasa kanan ko.

Sabay lingon ko din sa katabi nyang si Jean na kanina pa nakatulog, pagkalatag namin ng foam sumalampak na sya don tas di namin namalayan na nakatulog na pala. Mamaya na lang namin gigisingin pag lilipat na kami sa kwarto ni Czarina.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Shine.

"Okay lang, pangmayamang party. Kita nyo naman diba? Andaming media don sa labas. Kaso wala don si Kalix. Sya lang ata yung kulang don" tamad kong sagot.

"Kalix? Kalix Dela Vega? Yung kakambal ni Natasha?" napatingin naman ako kay Czarina na nasa kaliwa ko at nakahiga sa foam na nilatag namin kung san kami nakapwesto ngayon.

"Yap." maikling sagot ko.

"So nagkita na kayo ni Natasha? Ano? Kamusta? Naaalala ka pa nya?" tanong ulit nya.

"Oum... sobrang tuwa pa nga nya ih. Tas may mga gift pa daw sya sakin"

"Talaga? Oh buti pinayagan ka nyang umalis sa party" napatingin naman ako kay Shine.

"Tss. Gaya lang ng ginawa ko kay Kuya. Tinakasan ko lang din si Natasha." sagot ko naman.

"Oh bakit? Di mo na-missed?" tanong naman ni Czarina.

"Syempre na-missed ko. Sadyang hindi lang ako palagay na makihalubilo sa kanya kapag nasa paligid lang namin yung ibang Dela Vega at yung mga Da Villa at Estevez"

"Bakit naman?" mapang-asar na tanong ni Shine.

Napalunok naman ako.

"H-ha? Ano... k-kasi ano... m-masyado silang mataas! Oo tama! Ganon nga!"

"Oh bat masyado kang defensive? O baka naman... baka naman nagkausap na kayo don ni Kian Da Villa"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Czarina.

"Ano?! Bat naman kami mag-uusap?! Tapos na yon! Hindi na dapat namin pag-usapan yung pag-amin ko sa kanya! Ano ba?! Hindi na ko affected sa past no! Tsaka hindi ko na sya gusto!" sunod-sunod na sagot ko sabay paypay ko sa sarili ko.

Gosh! Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.

"What the hell Cheya?! Wala kaming sinabing pinag-usapan nyo yung past nyo! Jusko masyado kang halata ih" mapang-asar naman na sabi ni Shine sabay tawa nilang dalawa.

Napalunok naman ako.

"K-kaya nga... s-sinasabi ko lang"

"So nag-usap nga kayo? Ow well... wag ka nang magkaila! Kilalang-kilala ka na namin. Hmm... well sinasabi ko lang sayo ha, base sa mga naririnig ko, mahirap pag minahal ka nang isang Estevez, Da Villa o ang mga Dela Vega man" napaiwas ako nang tingin kay Czarina.

"A-ano bang sinasabi mo? Hindi nya ko gusto at hindi ko sya gusto. Bata pa ko non kaya nasabi ko yung mga bagay na ganon" sagot ko naman.

Gagawin ko ang lahat, maipagtanggol ko lang ang sarili ko laban sa mga paratang nila sakin!

"Chill, sinasabi lang ni Czarina na mahirap pag minahal ka nang isang Estevez, Da Villa at Dela Vega" napatingin naman ako kay Shine.

Pero agad ko ding binawi ang tingin ko staka ko nilagok ang isang shot glass.

Argh! Putspa! Ang sakit sa lalamunan!

"B-bakit naman?" tanong ko sabay lagok ulit ng isa pang shot glass.

"Ow well base sa naririnig ko at sa mga sources ko. Hindi nabubuhay ang tatlong pamilyang yan sa arranged marriage for business. Mas kilala ang pamilyang Estevez, Dela Vega at Da Villa sa salitang 'Kung ano ang gusto, nakukuha' so in short, kahit kasing hirap mo pa ang daga, basta gusto ka nang isa sa pamilyang yan, kahit ayaw mo. Makukuha ka pa rin nila. Or let say ipapakasal ka pa rin sa kanila" mahabang paliwanag ni Czarina.

Hindi ko namalayan na napainom ulit ako nang alak dahil sa sinabi nya. Nakita ko rin ang pag inom ni Shine sabay pabagsak nyang inilapag ang shot glass.

"Seryoso? Pero nakakapanibago yun ha, kasi diba mas normal sa society yung ipagkakasundo yung anak ng dalawang mayamang pamilya para sa company or para sa mas mataas na kapangyarihan?" napainom ulit ako sa tanong nya.

"Well technically, ganon naman talaga ang ginagawa ng iba. Pero hindi ang pamilyang yon. Kasi ang sabi sa article nung in-interview si Donya Olivia, hindi na nila daw kaylangan ng dagdag kayaman dahil sa sobrang yaman ba naman ng pamilya nila. Basta ang gusto ni Donya Olivia, lahat daw ng gusto nang mga apo nya dapat makuha nila. That's the use of money daw ih" kinuha ko ang bote ng alak staka ko tinungga yon.

"Huy Cheya relax, lagot tayo sa kuya mo pag nalaman nya yan"

"Shut up! Argh! Nahihilo ako! Dito na tayo matulog!" sigaw ko sa kanila.

Naalala kong mababa lang pala ang tolerance ko pagdating sa alcohol.

Isang bote at apat na shot glass na pala ang nainom ko.

Argh!

"Ano?! Hala teka! Dun na tayo sa kwarto! Staka maligo kana muna don ng makapagpalit ka!" saway ni Czarina.

Pero nakapikit na ko at nakahiga sa foam.

Ayoko nang maingay *hik*

"Anong ayaw mo nang maingay?! Tumayo ka jan!" napatakip ako sa bibig ko.

Ayy, nasabi ko pala nang malakas yon? Hehehe.

"Ano ba Czarina? Hayaan mo si Cheya jan, lika dito uminom kang madaya ka!" rinig kong sabi ni Shine.

"We kissed..."

"Ano?!"

"What?!"

Sabay na sigaw nila kaya napatakip ako sa tenga ko.

Inaantok na ko.

"Hoy! Wag mo kaming tulugan jan! Magkwento ka!" sabay yugyog sakin ni Shine.

"Who? Sinong nakahalikan mo?! Tumayo ka jan babae!"

Galit kong idinilat ang mata ko.

"Inaantok na ko! Lubayan *hik* lubayan nyo ko!" sabay pikit ko ulit.

"What the hell?! Babatukan kita hanggang sa magkabukol ka bukas pag di ka nagkwento!" rinig kong sigaw ni Shine.

"What?! No! Tumayo ka jan ngayon din at magkwento ka!" sigaw naman ni Czarina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status