Share

Chapter 2: You're Mine

Cheya Santia

"Hala! Kuya Adrien si Kalix! Hanapin nyo na dali!" mangiyak-ngiyak at natataranta nang sabi ni Natasha.

Kaka-announce pa lang kasi na pababa na ang mga tagapagmana nang pamilya.

Pfft! Takteng tagapagmana amp. Taga lumang henerasyon lang ang peg?! Jusko!

"Bat ako? Pahanap mo dun sa mga kapatid mo, kila Kurt, kay Hunter" reklamo ni Adrien na kapatid nila Natalie, Kiel at Kian.

"Ano ba? Tumigil nga kayo. Natalie at Natasha, ipatawag nyo na yung ibang pinsan natin para makapag-ready. At ikaw Natasha sabihin mo kila Kurt at Hunter yang problema mo. Malalagot kayo kay Dwayne nyan." seryosong sabi ni Kiel sabay lingon samin ni Kuya "Ahm Mr. Santia kakausapin po kayo nang kuya namin mamaya para sa business. Sa ngayon ipapasama po muna namin kayo sa assistant namin para sa VIP seat nyo."

"Yah fine, Cheya mamaya sa kwarto tayo ni Natalie" sabi naman ni Natasha.

"Sure" sabay pa naming sabi ni Natalie.

***•••***

Nagkakanda inip-inip pa ko nang marinig ko ang violin na tumugtog.

Nagsitayuan yung mga tao kaya nakitayo na rin ako.

Mula sa paikot at malaking hagdan, unang bumaba ang isang matanda na tingin ko ay si Donya Olivia.

Pagkababa nya nakasunod ang tatlong Da Villa. Si Kiel, Adrien at Natalie.

Pagkatapos nila, nakasunod naman ang dalawa pang Da Villa na pinsan din nila. Si Zachary Da Villa at si Dariu Da Villa.

After ng mga Da Villa sumunod ang mga Dela Vega. Nauna si Hunter, sunod si Kurt at Si Natasha.

Shocks! Gusto kong lumuhod dahil sa ganda ng lahi nila!

So yon, pag tas ng mga Dela Vega nakasunod naman ang mga Estevez. Nangunguna si Clyde sunod si Tyroll tas si Ace na bunso nila.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang sumunod na bumaba.

Ang taong dahilan kung bakit itinigil ko na ang koneksyon ko kay Natasha.

Shocks! Para akong kinakabahan na ewan! Kinahihiya ko yung kapangahasan ko dati! Hindi ko alam na maiilang ako nang ganito dahil sa ginawa ko noon.

Napayuko ako, sh*t ka Cheya! Pano mo nagawang ipahiya ang sarili mo noon?! Pano mo nagawang umamin sa lalakeng yan?! Tapos ano?! Ire-reject ka lang?! Hell!

"Cheya, focus" bulong sakin ni kuya "Sya ang ka business meeting ko mamaya. Si Kian Da Villa" napapikit ako sa narinig ko kay Kuya.

Alam ko! Jusko!

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harapan.

Nasa gitna ang tatlong tagapagmana na katabi ang lola nila.

Tinitigan ko ang tatlo.

Bakit ganon? Hindi naman sila magkakapatid, magpipinsan lang pero pare-pareho silang tatlo nang aura.

Napaka seryoso nila. Kung seryoso ang lahat ng lalake sa pamilyang Estevez, Da Villa at Dela Vega, mas seryoso ang mga tagapagmana nila.

Matapos kong titigan yung dalawa, napatingin naman ako kay Kian.

At halos manlambot ang tuhod ko nang makita kong naka titig na pala sya sakin.

Parang nagkaroon ng bara sa lalamunan ko na kahit paglunok hindi ko magawa.

Seryoso syang nakatingin sakin at parang may galit sa mga mata nya. Para akong isang kaaway na handa nyang balatan ng buhay.

Nakatulala na lang ako matapos ang mahabang intro nang party.

Gusto kong matawa sa sarili ko sa tuwing naaalala ko ang katangahan kong ginawa noon. Pero sa seryoso nang itsura nya, mukhang ni ngiti hindi ko magagawa.

Bakit sya ba yung nagagalit?! Sya ba yung na-reject?! Ako!

"Cheya" tawag sakin ni kuya kaya napatingin ako sa kanya, pero agad nyang tinignan ang nasa harapan namin kaya napatingin din ako sa harapan ko.

"Hi Mr. Santia. I am the CEO of Santiago corp." pakilala nung lalake.

Tamad kong nilingon si kuya na tumayo at nakipagkilala din sa lalake.

Wala akong nagawa kundi tumayo din. Aso nya nga ako diba? Psh!

Hindi na ko nakinig sa mga pinag-uusapan nila nang marinig kong mag-ring yung phone ko.

"Uhm... Kuya sagutin ko lang to" paalam ko kay Kuya.

"Bilisan mo" sagot nya kaya agad na kong tumalikod sa kanya.

Narinig ko pang tinanong ni Mr. Santiago yung pangalan ko kay Kuya pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin yon.

Agad akong lumabas ng mansion.

May iilang tao pa naman sa labas pero konti lang.

Agad kong sinagot yung tawag na galing kay Shine.

"Shine"

(Oh babaita? Kala ko tatakas ka?! Dito na kami sa labas ng gate)

Agad nanlaki ang mga mata ko. Shocks! Tatakas nga pala ako.

"Wait. Kami?"

(Yah, I'm with Czarina and Jean)

"Ano?! Bat mo sinama?!"

(What?! Club daw tayo after ih)

Napasampal ako sa noo ko tsaka agad na naglakad papuntang gate.

"Wait, palabas na ko---f*ck!" napahinto ako nang biglang may humigit sa braso ko.

(Hello?! Hoy babaita!) Dahan-dahan kong ibinaba yung phone tsaka sya hinarap.

Nanatili ang seryoso at nagliliyab nyang tingin sakin.

"B-bakit?" kinakabahan kong tanong.

"Where are you going? Hindi pa tapos yung party" halos mapakapit ako sa braso ko dahil sa lamig ng pagkakasabi nya.

"H-ha? M-may kikitain lang ako... s-sa labas" nauutal kong sabi sabay kagat ko sa pang ibabang labi ko para mabawasan ng kahit konti ang kabang nararamdaman ko.

Gusto kong batukan ang sarili ko sa paraan ng pagsasalita ko! Traydor ang bibig ko!

Nang marinig nya ang sinabi ko, biglang umigting ang panga nya.

Napalunok ako, dahil kahit alam kong galit sya, kita ko pa rin ang pagiging sexy nya sa paraan ng pag-igting ng panga nya.

Sh*t! Ang hot!

"Can't you see? Pinalilibutan ng media ang labas ng mansion. Atsaka hahanapin ka nang kuya mo. O baka naman may balak kang tumakas?" seryosong sabi nya.

Napalunok ako sabay kurap-kurap ko.

Agad kong binawe ang braso ko sa kanya.

Abat!

"Mr. Da Villa, ipapaalala ko lang sayo. Ang kaylangan mong kausapin para sa business ay ang kuya ko. Wala ka nang pake sa gusto kong gawin AT! Wag mong subukang magsumbong sa kuya ko!---"

"Shems! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap--- ow hi kuya Kian... uhm by the way hinanap kana ng kuya ni Cheya" biglang singit ni Natasha.

Napamura na lang ako sa lahat ng hayop sa mundo dahil sa biglaang sulpot ni Natasha.

Is she going to save me?! Argh!

"Yah, susunod na ko. Mauna ka na sa loob." nanlaki ang mata ko nang bigla akong hawakan ni Kian sa pulsuhan ko staka ako inatak sa kung saan.

"What the--- Kuya! Si Cheya!"

"Shut up and leave!" seryosong sabi ni Kian na nagpatahimik kay Natasha pati sa mga bisita na nasa labas ng mansion.

Napalunok na lang ako sa sobrang kabang nararamdaman ko.

"T-teka K-Kian, bitaw na p-please..." hindi nya ko pinansin at dire-diretso lang sya sa paglalakad habang hawak ako.

Hanggang sa makarating kami sa parking lot.

Agad nyang pinatunog yung sasakyan nya sabay bukas ng passenger seat staka nya ko galit na ipinasok don. Umikot naman sya at agad na nakapasok sa driver seat.

Napalunok ako nang titigan nya ko nang seryoso at sobrang lamig.

Napaiwas ako nang tingin sa mga mata nya.

Hindi ko alam kung san ako lilingon para lang maiwasan ang mga mata nya.

"A-ano ba? Anong... anong kaylangan mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Bakit ba ako ang nahihiya at naiilang saming dalawa?! Walang kasing kapal ang mukha nya kung ganon!

"Look at me" diretsong sabi nya.

Wow, bossy.

"B-bakit ba?! Ayoko na! Bababa na ko!" akmang bubuksan ko na yung pinto.

"Cheya Santia!" kumalabog ang puso ko nang marinig ko ang pagsigaw ni Kian.

Jusko! Kung may sakit lang talaga ako sa puso!

"A-ano ba kasi yon?"

Pinilit ko pa rin syang hindi lingunin. Manigas sya jan!

"Wag mo kong talikuran pag kinakausap kita" seryoso ulit na sabi nya.

Napalunok ako tsaka sapilitang humarap sa kanya.

And then gaya nang normal na sya, seryoso at ang nagliliyab nyang tingin.

"A-anong... k-kaylangan mo?"

"Bakit di kita ma-contact? Bakit hindi updated ang account mo sa social media? Bakit pinutol mo ang koneksyon mo kay Natasha?---"

And with that...

"Bakit ba ang dami mong tanong?! Ano bang pake mo?! Sino ka ba ha?! Tantanan mo ko sa kakatanong mo na akala mo jowa kita! Tigilan mo ko Kian! Naiirita ako" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na sya.

Ang kapal ng mukha nya!

Alam kong bata pa ko nung umamin ako sa kanya pero sya naman ang unang nagbigay ng motibo ha! Tas ano?! Mang re-reject sya?!

Well wala na kong pake! Gaya nga nang sabi ko, bata pa ko non.

"What the hell Cheya? Almost 7 years tayong di nagkita tas yan yung sasabihin mo?---"

"Ow shut up Kian! Don't you dare dictate me! Hindi na ako yung batang umamin sayo! Ano bang inaasahan mong sasabihin ko sayo? Na masaya ako at nakita kita? Na gusto pa rin kita? The hell Kian Da Villa! That's just a puppy love---"

"Shut up!---"

"Oh bakit? Naapakan ko ba yung pride mo? Oh my God I forgot! Hindi nga pala dapat naaapakan ang pride mo dahil ikaw ang tagapagmana ng mga Da Villa---"

"Cheya!" galit na sigaw nya, at kahit natatakot na ko tinatagan ko pa rin ang sarili ko.

"Oh bakit? Ano ba kasing problema mo?! Galit na galit ka jan! Kala mo diko alam?! Napaka playboy mo talaga! Andami-dami mong babae sa maynila tas aatakin mo ko dito para dramahan jan! Napakalandi mo! Ano ha?! Ilang babae na ba ha?! Ilan?!" napakunot noo ako nang yung galit nyang ekspresyon napalitan ng mapang asar na tingin.

Napakurap-kurap ako nang masilayan ko ang pag-ngisi sa kanyang labi.

Nanlaki naman ang mata ko nang unti-unti syang umusog palapit sakin.

Habang palapit ng palapit ang mukha nya ako naman tong paatras ng paatras. Iniharang ko ang dalawa kong kamay sa pagitan namin, hanggang sa dumikit na ang palad ko sa dibdib nya.

Sumunod ang mga tingin nya sa kamay ko. Saglit lang yon at ibinalik nya ulit ang tingin nya sakin.

"A-ano ba Kian" gusto kong sampalin ang bibig ko dahil sa tono nang pagkakasabi ko.

Shocks! Para akong nang-aakit!

Nakita ko ang pagtaas baba nang adams apple nya.

Lalo syang napangisi.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang pagdampi nang labi nya sakin.

Para akong nalalasing sa paraan ng paghalik nya. Ramdam ko ang pagsuyod ng dila nya sa loob ng bibig ko.

Naramdaman ko rin ang paghawak nya sa batok ko upang mapalalim ang halik nya.

Nang mabalik ako sa katinuan bago pa ko tuluyang  malasing at magpadala sa kanya ay agad ko syang tinulak.

Buong lakas ang ginawa ko.

Sumilay ulit ang nakakalokong ngisi sa labi nya.

"Nice lips, that's only mine woman. You. Are. Mine." seryosong sabi nya.

Napakurap-kurap ako sa sinabi nya.

Ramdam ko ang bilis ng bawat pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. No. Not this time Cheya.

"Neknek mo! Sobrang kapal ng mukha mo!" sigaw ko sa kanya sabay takbo ko palabas.

"F*ck Cheya! I don't like your dress! That's so revealing!" pahabol nya pa pero agad kong ibinagsak yung pintuan sabay takbo ko paalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status