Queencess Teresa
Cheya Santia
Buong buhay ko, wala akong ibang inisip kundi makapaglakbay sa ibat-ibang bahagi nang mundo.
Sobrang laki ba naman ng mundo.
Pero syempre hanggang pangarap muna ako. College student pa lang ako at kaylangan ko munang makapag trabaho.
Tsaka sobrang hirap din iwan netong lugar na to. Napaka ganda. Malapit pa sa napaka gandang dagat. Ang peaceful. Argh! I'm truly in love with this place. Queencess Teresa.
"Huy! Cheya!" napa irap ako nang marinig ko ang boses ng isa kong kaklase.
Nilingon ko sya sabay taas ko nang kilay.
"Oh! Bigay ng isa mong manliligaw! Jusko! Ano bang meron sa school na'to? Halos lahat ng lalake, kahit yung mga senior dumadagsa dito para lang bigyan ka nang mga regalo! Mas maganda naman ako sayo, duh!" sigaw nya sabay flip ng buhok.
Agad nya namang nilapag sa desk ko ang isang box of chocolates.
Napabuga na lang ako sa hangin.
Hayst. Sino bang gustong maging maganda?
Okay fine. Lahat naman siguro gustong maging maganda, perfect at malinis sa harap ng iba, pero hindi naman siguro yung tipong ikasasakit na ng ulo mo.
Argh!
Tinitigan ko na lang yung chocolate na nakalapag sa desk ko. Kung sanang hindi lang sa lalake to galing, edi sana kanina ko pa nilantakan to.
"Psst! Cheya!" pagod kong nilingon yung babae kong kaklase.
"Hmm?"
Nagulat ako nang iusog nya yung upuan nya sa harap ko tsaka sya umupo don at ibinagsak ang dalawang braso sa desk ko.
"Pupunta ka?"
"Ha?" takang tanong ko sa kanya.
"Hindi mo alam?" gulat naman na tanong nya.
"Ang alin ba?!" iritang tanong ko naman sa kanya.
Mapanuri nya kong tinitigan na para bang hindi naniniwalang wala akong alam.
"Seryoso ka?" di makapaniwalang tanong nya.
Eh kung ihampas ko kaya sa kanya tong mga ma-asukal sa kanya? Parang ewan amp.
"Ano ba kasi yon?" lalo akong naiirita ih.
Napakunot noo ako nang mapansin kong pati mga kaklase namin nakiki-tsismis na.
"Hay naku! Nakakaloka ka! Kala ko pa naman ikaw ang unang makakaalam sa mga kaklase natin. Ano kasi! Bali-balita sa mga nagtitinda don sa palengke! Yung mga Esteves, Da Villa at Dela Vega! Babalik na dito sa Queencess Teresa."
Napakunot noo naman ako don.
Oh eh ano?
"Oh? Tapos?" takang tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba?! Diba childhood bestfriend mo yung isa don? Si Natasha Dela Vega? Pumupunta ka pa nga sa mansion nila ih! Gosh! Napaka swerte mo talaga!" maarteng sabi nya.
Napanguso naman ako.
"Dati pa yon. Ni hindi ko na nga maalala mukha nya ih" tamad kong sabi.
Ow well, syempre kilalang kilala ko si Natasha, she became my bestfriend before. Yung tipong kung hindi nyo kami kilala, mapagkakamalan nyo kaming magkapatid sa sobrang close namin. But like what I'd said earlier, dati yon. Dati na yon and now I don't know.
I mean wala na kong balita sa kanya, at sa pinsan nya.
"Oh kahit na! Dikit kaya nang dikit sayo si Natasha. Kaya imposibleng hindi ka inimbitahan ng pamilyang Estevez, Da Villa at Dela Vega sa handaan para sa pagdating nila"
Nagkibit balikat naman ako. Aba malay ko don.
"Aba malay ko, baka yun yong sinasabe ni kuya na pupuntahan namin mamayang gabi."
Magtatanong pa sana sya nang biglang dumating na yung prof namin.
Hmm... kaya ba binilhan ako nang magandang dress ni kuya kagabi? Baka nga.
Pero wala naman akong gagawin don sa handaan. Inimbita ba kami? Kung ganon bakit? Naaalala pa kaya ako ni Natasha? Eh sya? Naaalala nya pa kaya ako?
***•••***
"Ayan! Ay Jusko! Napakaganda mo talagang dalaga Cheya. May nanliligaw na siguro sayo no?" tanong ni Manang Lordes matapos nya kong paayusan sa pamangkin nya.
Si Manang Lordes at ang pamangkin nyang si Lory ang kasambahay namin.
Marami naman talaga kaming kasambahay ih. Kaso tinanggal lang ni Kuya simula nang mamatay sila Mama at Papa at sya na ang namuno sa kompanya nang pamilya namin.
Hindi naman daw kasi namin kaylangan ng maraming kasambahay.
Pero alam ko naman yung totoo, nalulugi na yung kompanyang ipinundar nila Papa. Hindi ko naman masisisi si Kuya, alam ko naman na nahihirapan na din sya.
Agad ko namang nginitian si Lory sabay baling ko kay Manang Lordes.
"Naku wala po, wala po akong manliligaw. Tsaka alam nyo naman po diba? Malalagot ako kay Kuya" sabay tawa ko.
"Aysus! Oh sya! Bumaba kana don at kanina ka pa inaantay ng kuya mo."
"Salamat po"
Tumayo na ko at humarap sa salamin. Pinasadahan ko muna ang sarili ko sa salamin.
Black strapless silky dress hanggang binti ang suot ko na tinernohan ng dirty white stiletto. Tas light make up lang ang nilagay ni Lory sa mukha ko at naka-lugay naman ang buhok ko na nakakulot pa sa bandang ibaba.
Napangiti ako sa itsura ko.
Agad kong kinuha ang sling bag ko tsaka ako bumaba.
"Kuya---" tawag ko kay Kuya nang makababa na ko pero agad nyang hinawakan ang palapulsuhan ko tsaka nya ko inatak.
"Ano ba Cheya?! Bat ba napaka tagal mong kumilos? Kanina pa ko hinahanap ng mga Da Villa. Alam mo namang may pag uusapan pa kami tungkol sa kompanya" bakas ang galit at irita sa boses ni Kuya kaya natahimik na lang ako.
Agad nya naman akong ipinasok sa passenger seat.
Nanatili na lang akong tahimik sa buong byahe.
Grabe, nakakatakot si Kuya. Hmm... ganyan naman sya lagi pag kompanya na ang usapan. Pero mabait yan, protective at lagi pang concern sakin.
At dahil sa pagkabagot ay agad kong kinuha yung phone ko sa sling bag ko.
Agad kong tinext ang kaibigan kong si Shine.
To: Shine
'Pst!'
Wala pang isang minuto nang mag beep ang phone ko
From: Shine
'Oh? Dika pumunta sa handaan?'
Agad naman akong nagtipa nang mensahe para sa kanya.
To: Shine
'Papunta pa lang, kaso tingin ko mababagot lang ako don. Kaya tatakas ako mamaya kay Kuya. Pasundo naman ako sa labas ng gate nang mga Da Villa.'
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko habang inaantay ang reply ni Shine.
"Stop it Cheya" napatingin ako kay Kuya nang seryoso syang nagsalita.
"H-ha?" kinakabahan kong tanong.
"You're not allowed to have a boyfriend. No boys. Don't entertain them" seryosong sabi nya.
Napalunok naman ako.
"P-pero kuya, kaibigan ko lang naman si---"
"Cheya!" napayuko na lang ako nang marinig ko syang sumigaw.
Napanguso ako, wala naman akong planong jowain si Shine ih. Tsaka babae si Shine.
Ow shocks! W-what if... what if tomboy yung babaeng yon?! Ow gosh! Di ko naisip yun ah! Kaya pala gusto nya kong laging kasama?!
Sh*t! Simula ngayon kay Czarina na lang ako didikit.
Hayst ano ba tong mga iniisip ko?!
Huminga ako nang malalim staka ko ipinikit ang aking mga mata.
Pinilit ko na lang na hindi ipadyak ang paa ko sa inis.
Simula pagkababa namin ng sasakyan ay nakadikit na ko kay Kuya.
Dapat daw lagi akong nasa tabi nya, natatakot syang gumawa ako nang kalokohan o bigla nalang mawala.
Kaya ang ending, halos lahat nang businessman na pumunta dito at kinakausap nya ay kasama ako at pinapakilala ako.
"What a beautiful lady. What's your name again?" tanong ng isang businessman na kausap ni kuya.
"Ah yeah, this is my sister. Cheya Santia" si kuya ang sumagot sa tanong nung matandang lalake.
"Nice to meet you Ms. Santia. I am---"
"Mr. Santia" napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang napakalamig na boses na yon.
Agad na bumati yung kausap namin kanina, don sa mga magkakapatid na Da Villa tsaka sya umalis. Agad namang lumapit si kuya don sa tumawag sa kanya.
At syempre, bilang bodyguard ng kuya ko... heto ako sumunod na lang sa kanya.
Good dog Cheya!
Tatlo lang sila ngayon dito sa harap namin. Baka nasa kanya-kanya pang kwarto yung iba.
"Kuya Kiel, nakita nyo ba si Kalix?" singit ng isang babae na galing pa sa taas ng mansion. Kasama nya ang isa pang babae na parang mas matanda lang sa kanya ng mga dalawang taon. Agad naman nyang nilingon ang pwesto namin ni Kuya tsaka sya napakunot noo "Oh my God! Is that you Cheya?!" bakas ang gulat sa kanyang mukha.
Napakunot noo ako.
"What the hell Natasha? Minimize your voice." saway sa kanya nang isang Da Villa.
Ow shocks! Si Natasha na ba to? Oh my God! Ang ganda nya!
"What?! I'm just happy duh!" sabay flip nya nang hair tsaka nya ko hinawakan sa palapulsuhan. "Oh my God! You look so beautiful! Come on Cheya! I have so many gifts for you. And by the way marami akong dapat ikwento sayo."
Kung sa normal na sitwasyon lang baka kanina ko pa sya inakap at nagtatatalon sa tuwa. Pero tuwing iisipin kong mga Da Villa, Estevez at Dela Vega ang nakapalibot samin, kinikilabutan ako.
Ow well, they have the looks. Almost God and Goddesses na nga yung physical appearance nila ih. Yun nga lang, isinumpa ata lahat ng lalake sa pamilya nila na maging cold as ice.
Jusko! Kikilabutan ka sa sobrang lamig at seryoso. Nakakatakot.
Yung tipong lalapit kana sana kasi sobrang gwapo pero bigla kang aatras ng isang hakbang nang lumingon sya ng sobrang lamig sayo tas namalayan mo na lang yung sarili mo na tumatakbo ka na pala.
"Wait, Natasha where's your twin brother?" napahinto kami ng magsalita ulit yung isang Da Villa.
Napasapo naman sa ulo si Natasha.
"I don't know! Kaya nga tinatanong ko sa inyo diba?!" sagot naman nya.
"Kuya pababa na daw yung mga tagapagmana ng Da Villa, Dela Vega at Estevez kaya mag ready na daw---aray!" sabi naman ng kasama ni Natasha na babae pero agad naman syang binatukan ni Natasha.
"Ano ba Natalie? Para kang tanga, lagot ka kila kuya Dwight pag narinig ka nila" saway sa kanya ni Natasha.
Napakunot noo ako sa narinig ko.
Pero kalaunan naintindihan ko naman. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan yung pinag uusapan nila.
Kilala ang pamilyang Estevez, Da Villa at Dela Vega sa usaping business. Napakamakapangyarihan at napaka yaman nila.
At ang tinutukoy ni Natalie na tagapagmana ay yung tatlong pinakamatatandang apo ng mga Dela Vega, Esteves at Da Villa.
Si Kian Da Villa
Si Dwayne Dela Vega
At si Dwight Estevez
Ang tatlong magpipinsan na mas nakakatakot pa sa lolo at Lola nila.
Si Natasha naman bunso ng mga Dela Vega. Nakatatandang kapatid nya si Dwayne at kambal nya si Kalix.
Si Kalix Dela Vega na sakit sa ulo nang pamilya. Madalas magtago sa kung sang lupalop ng mundo dahil ayaw ng responsibilidad bilang isang Dela Vega.
Si Natalie naman na kasama ni Natasha uhmm... sa pagkakaalam ko isa syang Da Villa. Bunsong kapatid nila Kian.
Cheya Santia"Hala! Kuya Adrien si Kalix! Hanapin nyo na dali!" mangiyak-ngiyak at natataranta nang sabi ni Natasha.Kaka-announce pa lang kasi na pababa na ang mga tagapagmana nang pamilya.Pfft! Takteng tagapagmana amp. Taga lumang henerasyon lang ang peg?! Jusko!"Bat ako? Pahanap mo dun sa mga kapatid mo, kila Kurt, kay Hunter" reklamo ni Adrien na kapatid nila Natalie, Kiel at Kian."Ano ba? Tumigil nga kayo. Natalie at Natasha, ipatawag nyo na yung ibang pinsan natin para makapag-ready. At ikaw Natasha sabihin mo kila Kurt at Hunter yang problema mo. Malalagot kayo kay Dwayne nyan." seryosong sabi ni Kiel sabay lingon samin ni Kuya "Ahm Mr. Santia kakausapin po
Cheya Santia"Cheya, anong nangyare? Hingal na hingal ka" napatingin ako kay Czarina na nasa passenger seat habang si Shine naman ang nagd-drive. At si Jean naman katabi ko dito sa likod.Napalunok ako. Hanggang ngayon... a-ang lakas pa rin ng kalabog ng dibdib ko. Parang biglang nagkabuhol-buhol yung organs ko!What a jerk!A-anong karapatan nyang halikan ako?!"Huy! Cheya Santia!" napatingin naman ako kay Shine."H-ha?""Tulala ka jan, ano? Club? G?" tanong nya naman."A-ano, p-pwede bang dun n
Cheya SantiaNagising ako dahil sa pag-ring ng phone ko.Kinapa-kapa ko ang uluhan ko. Pagkawak ko nang phone ay nakapikit kong ini-swipe yung screen staka ko ito itinapat sa tenga ko."Hell---"(What the hell Cheya Santia?! Where the hell are you?! Are you f*cking crazy?! Andami ko nang missed call sayo simula kagabi tas wala kang sinagot?! Tumakas ka na nga sa party tas hindi ka pa umuwi dito! San ka natulog ha?!) pino-proseso ko muna sa utak ko ang mga narinig ko at nang maintindihan ko ang nangyayare ay agad akong napaupo.Napahilamos ako sa mukha ko nang makita kong mga bagsak din ang mga kaibigan ko at ang hihimbing ng tulog.
Cheya SantiaI'm groundedJust what the hell? Ano ba ko sa tingin nya? Bata? As if susunod ako. Yah he's my brother, but I can rule myself without him.Pag akyat ko sa kwarto ko ay agad akong sumalampak sa kama ko.Nakakapagod mag isip.Napapikit ako, pero wala pang isang segundo nang bigla kong imulat ang mga mata ko at napaupo ako ng may naalala ako."Basta, gagawin ko lahat para makapunta sa maynila" sagot ko kay Shine sabay inom ko nang tea ko.We're here sa pinakamalapit na pub mula sa school namin.
Cheya Santia"Sorry, kanina ka pa?" tanong ko kay Trimma.Shocks! 8:30 na! Pano ba naman, sobrang hirap takasan si Kuya. Bantay sarado ako ih. Buti nalang nakapag ready na ko nang mga dadalhin kahapon."It's okay, ang mahalaga dumating ka. By the way, sasakay tayo papuntang terminal ng bus. Don nag aantay yung pinsan ko na kasama natin sa pagluwas" paliwanag nya habang nag aayos ng gamit.Agad naming binuhat yung mga dala naming bag."Talaga? So mag w-waiter din sya?" Agad naman kaming lumabas para mag abang ng taxi."No, kinuha kasi sya bilang singer sa pagta-trabahuhan natin" napatango-tango naman ako sa
Cheya Santia"Trimma, here" tawag samin ng medyo may katangkarang lalake.Hindi mapagkakailang magpinsan nga sila.Ang gwapo ih."Ow kuya Rendell. Sorry, kanina ka pa?" tanong ni Trimma dun sa pinsan nya.Agad nyang kinuha ang mga dala naming bag staka nya ipinasok sa sasakyan na tingin ko ay pagmamay ari nya."Hindi naman" sagot nung pinsan nya"Ow by the way Kuya, si Cheya" humarap sakin yung lalake sabay ngiti nya nang matamis.Shete ang gwapo. "And Cheya, meet my cousin sa father side ko. Kuya Rendell Lopez"Inilahad nya yung kamay n
Cheya SantiaNakahinga ako ng malalim ng maamoy ko ang simoy ng hangin na mula sa maynila.This is it.Hmm...Eto ang gusto ko noon pa man, ang makalayo at makahinga sa mabibigat na tingin ng mga taong nakapaligid sakin."We're here. For now dun muna tayo didiretso sa bahay ng kaibigan ko, alam nya na dun ako titira pansamantala pero hindi nya alam na may kasama ako" paliwanag ni Rendell.Napaisip naman agad ako."Baka di yon pumayag, you know, babae kami tas lalake kayo, baka magalit?" nahihiyang sambit ko sa kanya.
Cheya SantiaNang huminto ang taxi ay ako na ang nagbayad saming dalawa ni Trimma.Hindi na maman sya umangal kaya nakababa na kami agad.Napatingin ako sa restau na kaharap ko.Sarado pa pero tingin ko may staff na sa loob.Agad na naglakad si Trimma papasok na sinundan ko naman.Nang makapasok ay agad na may lumapit saming babae na naka uniform ng pang waiter."U-uhm, sorry po Ma'am pero sarado pa po kami" sambit ng babae habang hawak ang isang basahan.Agad ko naman syang nginitian.