Share

Chasing Her Untamed Heart
Chasing Her Untamed Heart
Author: STAYANGNIE

CHAPTER 1

Elodie’s POV

“WHAT are you doing here?” I asked my ex-boyfriend that currently in front of my face. His name is Bruce.

Halata sa hitsura niya ang pagkabigla habang nakatitig sa akin. “Wow, Elodie, ibang-iba ka na ah. Ang sexy mo na! Kung ganiyan ka sana manamit noon, eh ‘di hindi na ako naghanap pa ng iba.”

I’m wearing a black tube with mini pink skirt and black heels. Hindi ako ganito manamit noon pero sadyang sinanay ko na ang aking sarili.

I rolled my eyes. “Kahit naman ganito ako manamit noon maghahanap ka pa rin ng iba. A f*cker always a f*cker and a cheater always a cheater.”

“Well, that was before, nagbago na ako!”

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Sa pananamit at hitsura totoo ngang nagbago siya. Mahilig siyang magsuot ng leather jacket at pants noon, ngayon naka-suit siya na parang businessman. Noon din, mukha siyang mayabang, ngayon mas yumabang pa.

“I doubt it,” saad ko’t akmang tatalikuran siya. Ngunit, hinawakan niya ako sa braso na mabilis kong iwinaksi. “Don’t touch me!”

“Easy! Makikipag-usap lang naman ako. Don’t you miss me? Parang noon dikit na dikit ka sa ‘kin. By the way, kauuwi mo lang ba galing Australia o matagal ka na rito?”

I was in Sydney, Australia for almost six years. Nineteen years old palang ako noong nagpunta ako roon. Doon ko ipinagpatuloy ang pag-aaral ko’t nakapagtapos ako roon sa kursong architecture.

Ang alam ng mga magulang ko, pag-aaral lang ang ipinunta ko roon. But, I actually have a big agenda. I’m looking for someone there. Someone that’s very special in my heart, my childhood sweetheart. Wala sana akong planong umuwi dito sa Pilipinas hangga’t hindi ko pa siya nahahanap ngunit may mahalagang okasyon akong dapat daluhan dito: the engagement ceremony of my sister that will be held tomorrow night.

Habang nasa Australia ako, nagkaroon kami ng relasyon nitong si Bruce doon. We dated for almost three months. Hindi ko naman talaga siya sineryoso. Ginawa ko lang siyang coping mechanism ko nang nag-away kami ni Papa noon at nang hindi ko mahanap-hanap ang childhood sweetheart ko. But I treated him well. Sadyang s*x lang ang habol niya sa ‘kin kaya no’ng hindi ko ibinigay ang sarili sa kaniya, nakita ko na lang siya isang araw may kinakama ng iba.

“Pakialam mo ba?” I rolled my eyes.

“Malaki na talaga ang pinagbago mo. But I actually like you the way you are now. Fierce and so f*cking sexy. Dati kasi ang tahimik mo lalo na sa iba at minsan laging snob—”

“Puwede ba umalis ka na? I’m waiting for someone here and I don’t want him to see you.”

Kasalukuyang naririto ako sa parking area ng hotel na pinaglalagian ko. Pupunta ako ngayon sa isang bar kung saan may birthday celebration doon ang pinsan ng boyfriend ng kaibigan kong si Clarisse. Isa ako sa mga imbitado.

Naghihintay ako sa lalaking inutusan ng kaibigan ko upang sunduin ako papunta roon. I don’t want that at first. I want Clarisse to fetch me but according to her, she’s busy since she’s the organizer of the said celebration. Kaya wala na akong nagawa kun’di sumang-ayon.

Hindi ko alam kung sino iyong lalaki pero sabi ni Clarisse, makikilala rin naman niya ako dahil may picture ako niya.

Kung hindi lang natagalan ang lalaking susundo sa akin, hindi ko na sana kausap ngayon si Bruce.

“Who’s that someone? Boyfriend mo?” tanong ni Bruce.

Sasagot sana akong ‘no’ ngunit hindi ‘yon ang lumabas sa bibig ko. “Yes, my boyfriend. My loyal boyfriend.” Nakitaan ko ng inis ang kaniyang hitsura.

“Talaga lang huh. I want to meet him.”

I scoffed. “I said, I don’t want him to see you. Nakakainsultong makita ng boyfriend ko ngayon ang cheap kong ex-boyfriend.”

“Cheap? Then let me meet him, para malaman mo kung sino ang cheap sa aming dalawa!”

“Matigas talaga ang ulo mo?!”

“Mukhang hindi siya kasing guwapo ko kaya ayaw mong makita ko siya.”

Masama ko siyang tiningnan. “Fine, basta huwag kang gagawa ng gulo! Oh, he’s here! Hi, Baby!”

Mabilis kong tinalikuran si Bruce at nilapitan ang matangkad na lalaking kalalabas lang mula sa kaniyang kotseng kakaparada niya lamang.

And I kissed him.

Ramdam ko ang pagkabigla ng estrangherong lalaking hinahalikan. But, I need to continue what I started. Alam kong nanonood si Bruce.

Nang akmang kakalas na ako sa halik, hindi ako hinayaan ng lalaki, bagkos ay hinapit niya ang aking baywang upang idiin ang mga labi sa labi ko.

Ilang saglit pa, siya na ang kusang bumitaw, habang ako ay nagulat.

He smirked and with deep voice he whispered, “You kissed me. You need to take the consequences of your actions, Baby.”

Matagal akong napatitig sa kaniya. Papaano ko nagawang halikan ang ganitong kaguwapo’t sexy na lalaki?

I unconsciously cleared my throat and also whispered to him. “I’m so sorry for what I did. Pero puwede mo ba akong tulungan? This guy behind me was my boyfriend, and now he’s annoying me. Could you please pretend that you’re my current boyfriend, para naman makaganti ako. Please.” Sinadya kong palandiin ang boses upang bumigay siya.

Bahagya akong napakislot nang hinawi niya ang kaunting buhok ko papuntang taynga habang nakangising tinititigan ako.

“Sure,” saad niya na ikinangiti ko.

“Talaga—”

“Pero may kapalit. I’ll tell you when this is done. Deal?”

Napalunok ako sa narinig. Pero wala na akong choice, kaya tumango ako.

Ilang saglit pa, namalayan ko na lang ang sarili na nakalingkis ang mga braso sa braso ng lalaki habang lumalapit kami kay Bruce.

“Hi! So, you’re my girlfriend’s ex-boyfriend. Nice to meet you, I’m Russel Lardizabal. Thank you for loving her before,” pagpapakilala ng estrangherong lalaki kay Bruce sabay abot ng malayang kamay dito. Asking for shake hands.

Tinanggap naman iyon ni Bruce. “Bruce Rueda. Don’t mind it, sadyang kaakit-akit lang ang girlfriend mo.”

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Parehong guwapo. Matangkad nga lang ng kaunti si Russel.

“I know.”

“Mukhang inaalagaan mo siya nang maayos. Malaki kasi ang pinagbago niya’t galit na galit siya sa ‘kin ngayon.”

I heard Russel chuckled. “I’m so sorry to hear that, she’s just so in love with me to the point that she’s making herself grumpy in front of the others.”

Asar na ngumisi si Bruce. “I see. By the way, I’ll go ahead. Nice to meet you, Russel, asahan mong magkikita pa tayo ulit.” Kumindat pa sa ‘kin si Bruce bago tumalikod.

Napahinga naman ako nang maluwag pagkaalis ni Bruce.

“Halatang napikon siya sa ‘kin,” saad ni Russel.

“I’m so sorry again, and thank you,” saad ko sabay bitiw sa kaniya.

“Hindi ko tinatanggap ang salamat lang.”

“I know, pero puwede bang sa susunod mo na lang ako singilin, may lakad ak— wait!”

Bigla na lang akong hinila ni Russel papunta sa kaniyang itim na sports car at pinapasok sa passenger seat. Umikot naman siya upang pumasok sa driver seat at agad niyang binuhay ang engine.

“Fasten your seatbelt, Baby,” he sexily said.

“S-saan mo ako dadalhin? Sa motel?!”

“If that’s what you want.” Sabay kindat sa ‘kin.

Gosh! Mukhang matatalakan ako ni Clarisse nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status