Share

CHAPTER 2

Elodie’s POV

“R-RUSSEL, h-hindi tayo puwedeng mag-s*x ngayon! I can give you my number naman eh. Baka puwedeng sa ibang araw mo na lang ako singilin. Promise, hindi kita pagtataguan. May lakad lang talaga ako, kapag hindi ako makapunta, baka magalit sa ’kin ang kaibigan ko,” pakiusap ko.

“That’s why I’ll take you there, Elodie.”

Napasinghap ako sa narinig. “How did you know my name? Hindi pa ako nakapagpapakilala, ah. And what? You’ll take me there? Who really you are, Russel,” takang tanong ko.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa dashboard at ibinigay sa ‘kin na kinuha ko naman agad. There I saw my photo with Clarisse. Napatango-tango naman ako nang mapagtanto.

“So, ikaw pala ang nautusan ng kaibigan ko?”

“It’s the celebrant who asked me, ako lang ang libre kanina kaya wala akong nagawa kun’di pagbigyan siya. So be at ease.”

Bumuntong hininga ako’t ibinalik ang cellphone niya sa kaniyang dashboard. I fastened my seatbelt and rest my back on the back rest.

Mukhang wala na akong kailangan alalahanin pa. Mabuti na lang at siya ang n*******n ko kanina.

“Kaano-ano ka ng celebrant?” tanong ko.

“Kinakapatid. Ninong at Ninang ko ang parents niya.”

Tumango-tango ako sa narinig.

“About what happened earlier, wala namang nakakita pero wala naman sigurong magagalit ‘no?” pag-iiba ko ng usapan.

“What do you mean?”

“May girlfriend ka?” Bago ko pa mapigilan ang bibig, kusa nang lumabas ang tanong na ‘yon. Mahirap na kasi kapag mayroon, baka may paparazzi pala siya’t mai-report pa ang halikan namin kanina sa girlfriend niya.

Ayaw kong bumalik sa Sydney na may kaaway rito sa Pinas.

Napangisi siya’t saglit akong sinulyapan. “Don’t worry, walang magagalit.”

Sa hindi namamalayan, napangiti ako sa nalaman.

He’s single.

Habang nagmamaneho siya, nakatitig naman ako sa kaniya. Nakapagtataka na single ang guwapong tulad niya. Moreno, has fined shape of jaw, thicked eyebrow with deep enchanting brown eyes, matangos ang ilong with kissable lips.

“Are you planning to melt me?” tanong niya na ikinahiya ko naman.

I cleared my throat. “I’m so sorry, ganito talaga ako sa mga tao kapag kakilala ko pa lang. Did I made you uncomfortable.”

“Hindi naman. It’s okay with me na tumitig ka sa ‘kin o magsalita’t magkuwento ka. I’m a good listener.”

Ngumiti ako. “Kung gano’n mag-ra-rant ako tungkol sa ex ko.”

He sexily chuckled.

Gosh, ang guwapo.

MABILIS kaming nakarating sa bar, dahil na rin siguro sa sarap ng pag-uusap namin kaya hindi na namin namalayan ang oras.

Pagkapasok sa loob, ingay ng musika at ng mga tao ang sumalubong sa ‘min. Kaagad kong hinanap si Clarisse, pero dahil sa neon lights, nahirapan ang mga mata ko.

“She’s upstairs,” saad ni Russel.

Napatingin naman ako sa ikalawang palapag at nakita ko nga roon si Clarisse na kasalukuyang kumakaway sa ‘kin.

Sumunod ako kay Russel nang umakyat siya roon.

“Bestie! Mabuti naman at sumama ka kay Russel!” Sinalubong ako ni Clarisse ng yakap.

“He’s not dangerous, kaya bakit ako hindi sasama sa kaniya?” I asked that made her smirked.

“Oy, kakaiba ang himig mo ah. Sabihin mo nga, pumasa ba si Russel sa ‘yo?”

“What’s with that question? Plinano mo ba na ipasundo ako sa kaniya?”

“Ito naman, hindi na mabiro! Halika, ipakikilala kita sa kanila!”

Hinila ako ni Clarisse papunta sa table ng isang grupo kung saan siya nakiki-upo. Nakaupo na rin ngayon si Russel doon.

“Everyone! Meet my bestfriend, Elodie. She’s from Sydney, Australia at kauuwi lang niya rito last Saturday!”

Ngumiti ako sa kanila at isa-isa na silang nagpakilala na hindi ko naman agad matandaan. Basta ang medyo kilala ko lang ay si Niguel, boyfriend ni Clarisse, si Jade, ang celebrant at si Russel.

“THANK you for joining us here, Elodie. And also for this gift,” saad ni Jade habang suot na ang imported necklace na regalo ko sa kaniya. Kami na lang ang naiwan sa table dahil nagsasayawan na ang ibang kasamahan namin.

“Don’t mention it. It suits you.”

She smiled. “By the way, iiwan muna kita rito, huh? I need to entertain my other guests.”

“No problem.”

Nang umalis na si Jade, uminom lang ako sa kinauupuan ko. Nakikita ko mula sa taas na sinisenyasan ako ni Clarisse upang makisayaw sa kanila pero umiling lang ako. I’m not in the mood.

“Baka malasing ka niyan.”

Napatingin ako sa nagsalita. Si Russel na umupo sa puwesto niya kanina sa harap ko.

Hindi ko alam pero parang ang hot niyang tignan, lalo na’t binuksan niya ang tatlong upper buttons ng white polo blouse niya.

I shook my head. “Mataas ang tolerance ko sa alcohol.”

“That’s good. Mabuti ka pa.”

“Mahina ang tolerance mo?”

“Hindi naman sa gano’n. Hindi lang ako puwedeng maglasing ngayon. I’ll have an event tomorrow.”

Magsasalita pa sana ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko mula sa pouch. I took it and read the message from my mother.

“Elodie, we know that you’re here already. And I know this is not the right way to tell you this, but your sister is pregnant with another man and she can’t attend her engagement ceremony tomorrow night. That’s why, your Papa and I want you to replace her. Please, understand us.”

P*tangina!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status