Share

CHAPTER 4

We went to Beijing for summer vacation. Sinama ako ni Daddy pabalik doon. Ayaw ko sana kaya I asked Mommy to come with us, para na rin maka-bonding sila ni Kuya r'on. Hindi na rin kasi kakauwi si Kuya mula noon dahil doon na siya nag-aaral.

I don't feel bitter for Dad, I don't hate him for breaking Mom's heart. I just tried to understand our situation as of now. I can't blame them both, I think what are we right now, I am still blessed. Imagine, there are broken families out there who are not on good terms. A child who doesn't have any chance to be with their parents anymore. A child who cries at night thinking and wondering why in all of the people, bakit siya pa?

A broken child crying at night thinking what should she do to make their family whole again.

A crying child stares at the night sky wishing she could turn back to the old gold days when her parents were still there.

A pity child who has nothing to do with pain but to embrace her hurtful thoughts.

Those children have no hope but still, not losing hope.

"Look at them, Ann. They look sweet together." Kuya Seth stated, referring to our parents.

Narito kami ngayon sa balkonahe ng bahay namin dito sa Japan. Nakatayo lang ako sa hamba ng pinto samantalang si Seth naman ay nakahilig sa kawayang bakod ng balkonahe.

"You think may pag-asa pa sila, Seth?" Binaling ko ang tingin sa mga magulang naming na nasa Hardin, nagt-tsaa at nagtatawanan. They laughed like they have their own world. I could see the happiness in their eyes together. That smile of Mom... napa-iling na lang ako. I know that smile. Smile that only Dad can design those lips of her elegantly. Marupok si Mama.

"I don't want to lose hope, though. I don't want to expect either."

"Seth, alam mo bang mahal pa ni Mommy si Dad?" I asked him but he just shrugged his shoulder.

"To be honest, halatang mahal pa nila ang isa't-isa."

Ngumiti si Kuya sa sakin. How? I don't know about Dad. Matagal kaming nagkahiwalay kaya hindi ko alam! All I know is about Mom. Her undying love for my father.

"P-paano? I mean... matagal na silang wala, Kuya!"

"Ikaw na ang nagsabi, mahal pa ni Mom si Dad. So..." he trailed off.

"Oo, pero si Dad pinagpalit niya si Mommy! He cheated, Kuya! Ano? He cheated for what? Trip niya lang saktan si Mommy?" Nagpapatong-patong na ang mga tanong ko sa kanya. Natawa siya sa akin pero nagsalita rin naman agad para masagot ang mga katanungan ko.

"Chill. Ganito 'yon. Yes, Dad cheated on her. He chose someone else over our Mom. I've been there beside him, Ann. I know everything he has been through. He's miserable without you and Mom-"

"E, bakit niya pinili ang iba, Kuya?!"

"You, brat little girl! Shut up and listen to m-"

"I'm not brat! Fuck you!" sigaw ko sa kanya at automatic na naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko.

"W-what did y-" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil umalingawngaw na naman ang galit na boses ni Dad.

"Etyl Ann!" his voice thundered. Patay! Mukhang narinig niyang minura ko si Kuya!

Hinarap ko siya at nakitang palapit na siya kung nasaan kami ni Kuya. Sumusunod sa kanya si Mommy na nag-alala ang mukhang nakatitig sa akin. Halos hindi na ako makagalaw nang makalapit sila nang tuluyan sa harap ko at sa tabi ni Seth.

"What did you say? Huh?"

"D-dad, I'm sorry.."

"You cursed him! Hindi kayo kailanman namin pinalaki ng walang respito, Etyl Ann! Kuya mo pa talaga ang minura m-"

"Dad, 'wag mo siyang pagalitan. It's my fault. I triggered her. That why..." awat ni Kuya sa galit na Daddy.

Binaba ko na lang ang tingin ko at napanguso na lang. It's good to have a brother like Seth. Kahit mag-away man kami sa lahat ng bagay, he will end up being my Kuya. A typical Kuya na ipagtatanggol ka sa mang-aaway sayo.

Naramdaman ko na lang na inakbayan niya ako at dinala sa loob. Naririnig ko ang yapak ng mga magulang sa likuran kaya alam kong sumunod sila ni Kuya sa amin.

"Etyl, inayos mo na ba ang mga gamit mo? Uuwi na tayo bukas."

Napatigil sa ere ang kutsara ko dahil sa tanong ni Mommy. Two weeks lang pala kami rito.

"Opo." Sinubo ko na ang pagkain ko at ngumiti sa kanya.

"Alam mong hindi tayo pwedeng magtagal dito dahil may pasok ka na next week."

"Opo."

"Mag g-grade twelve ka na. Anong kukunin mong course sa college?" tanong ni Daddy.

Ano ba ang kukunin ko? Mag business administration kaya ako? Total kailangan ako sa parlor namin. Masyadong malaki na rin ang negosyong iyon ni Mommy. May mga branches na rin. But, I want Architecture too.

"Hindi ko pa po alam, Dad. Baka Architecture po," mahina kong sagot sa kanya.

"That's not inline in your strand right now. Mahihirapan ka kung ganoon. Why don't you transfer? 'Yong may STEM para madali sa iyo kung Architecture talaga ang kukunin mo."

"Wala po kasing STEM sa SI, Dad. Alam mo namang gusto ko talaga maging Accountant in the near future..."

"Ano ba talaga ang gusto mo? Noon sabi mo mag e-ABM ka para makatulong ka sa business natin kung sakaling mag Business administration ka. Then architecture, and then... accountant? Ano ba talaga, Etyl?" Ngumuso na lang ako sa sinabi ni Mommy.

"She's still undecided, Mom, Dad. Hindi na lang ako magtatanong baka Bombero na ang sunod niyang isasagot sa akin." Tumawa sila sa sinabi ni Kuya.

"Hindi ko nga kasi alam pa! Maging proud na lang kayo dahil ako iyong anak niyong maraming gusto sa buhay," sabay tawa ko.

"Maraming gusto..." bulong ni Seth na nag-iisip. "May nagugustohan ka na?" dagdag niya.

"Oo, pero hindi siya gusto ng gusto niya!" Nalukot ang mukha ko sa sinagot ni Mommy.

"I don't like him. He's an arrogant beast!"

"Oh, that's what your Mom told me years ago, Sweetie." Natatawa na si Daddy ngayon. Si Mommy naman pilit na ngumiti. Huli ka Mommy pero 'di ka kulong!

"Come on that was before." Umirap si Mommy sa ere. Natatawa lang ako sa pagbabangayan nila. Naalala ko dati ganito sila kung magbangayan.

"Why? Hindi na ba ngayon?" Dad raised his brows.

"Uh..."

"Memories bring back, memories bring back you!" sabay naming kanta ni Kuya at sabay rin kaming humagalpak sa kakatawa. Hays, wish we are always like this. Happy and contented.

Unbreakable broke.

Two weeks with them was a great memories. I just hope na sana kung may magbabago man sa pamilyang ito ay iyong status na lang nila Mommy at Daddy. Sira na kami pero hindi masisira pang muli. Hindi ko na muling naka-usap pa si Seth regarding sa nangyari kay Daddy noong naghiwalay sila ni Mommy. Wala na akong panahon pero alam ko kung ano man iyon sa malalaman ko rin sa tamang panahon.

They think bata pa ako para roon. At iyon ang hindi ko maintindihan. I'm already seventeen. Tinatrato lang nila ako parang baby. Sana ako 'yong baby na hindi babytawan...

Kinabukasan gabi na kaming nakarating sa Pilipinas. Kami na lang umuwi ni Mommy. Naiwan sila Kuya at Daddy roon. Pagkarating namin sa bahay, agad na akong pumasok sa kwarto ko at naligo. Mabilis lang ako naligo at nag palit na ng pantulog ko. Nag b-blower ako ng buhok nang mag-ring ang cellphone ko sa tapat ng salamin. Kinuha ko iyon at sinagot.

"I missed you!" masayang bungad ni Shan.

"Gaga, gabi na," sagot ko naman.

"Alam ko! Madilim na, e!"

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Ano ba ang kailangan nito at tumawag pa? Matagal na kaming hindi nagkita at nag-usap man lang. Nang magsisimula ang bakasyon hindi na ako masyadong lumalabas dahil umuwi rito si Daddy n'on. Ayaw ko namang mapagalitan.

"Bakit ka tumawag ba?"

"Na miss nga kita! Tanga mo naman."

"Hindi kita miss. Matutulog na'ko!"

"Luh, ang sama mo. Sige na nga lang."

Umukit sa mga labi ko ang ngiti nang mahimigan ko ang tampo sa boses niya. Drama naman nito!

"Charot lang! Na miss rin kita, Shan. Gala tayo bukas ha! Treat ko."

"Talaga?! Sige kunyari maniniwala ako sa'yo. Kunyari hindi ka buraot kaya magdadala pa rin ako ng pera HAHA!"

"Hoy, grabe ka! Sige, 'wag na lang, mayaman ka naman"

"Sunduin mo ko rito bukas hindi ako papayagan, e."

"Oo sige na. Inaantok na ako, e. Matulog ka na rin!"

Pinatay ko na ang tawag at pinagpatuloy na lang ang pa b-blower ng buhok. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako at napagpasyahang humiga na sa kama. I opened my social media account para e upload ang nga pictures namin nang nasa Beijing pa kami.

Matutulog na sana ako pero may natanggap pa akong mensahe sa Telegram mula kay Arthur. Nangungunot ang noo kong binuksan ang mensaheng iyon.

Arthur Selendron:

"I saw your post. Naka-uwi na kayo?"

Nakita niya naman pala bakit pa siya nagtatanong? Ah... baka wala siyang tiwala sa mga mata niya!

Ako:

"Yes," I replied.

Arthur Selendron:

"Are you free tomorrow? Let's some have fun."

Baghagya akong natawa sa reply niya. Let's some have fun daw.

Ako:

"Galingan mo muna mag ML. Harot mo, ah. Cancer naman!"

Arthur Selendron:

"Grabe ka naman. Friendly date lang naman."

I felt guilty for him. Parang tanga naman kasi.

Me:

"May lakad kami bukas ni Shan, e. Maybe next time."

Arthur Selendron:

"It's okay. Next time then."

Hindi na ako nagreply at pinatay na lang ang cellphone at nagpahatak na lang sa antok. Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-ayos bago nagpaalam kay Mommy na aalis kami ni Shan.

Nagpahatid ako kay Kuya Joel papunta sa bahay nila Shan. I still don't have my car yet. Marunong naman akong mag commute pero hindi ngayon lalo na at naghihintay na si Shan. Nagsuot lang ako ng halter top and linen pants and flat sandals. Hindi na ako nag-abala pang magdala ng bag, just a Gucci Clutch.

"Ang tagal mo naman! Bulok na 'ko rito sa bahay!" bungad niya sa akin nang makababa ako sa SUV namin.

"Hiyang-hiya ako sa'yo. Nagpasundo ka pa talaga. Ano ka VIP?" Automatic na umikot mga mata ko sa kaibigan nang makatungtung ako sa tanggapan nila .

"'Wag ka nang pumasok, nakapagpaalam na ako kay Mommy." Nanliit ang mga mata kong tinitigan siya. E, bakit niya pa pala ako pinapunta rito?

"Wala kang kwenta!" asik ko at bumalik na lang sa sasakyan. Sumunod siya sa akin.

Tahimik lang kami sa byahe. Walang traffic at hindi naman masyadong mainit dahil sa maaga pa lang. Nakarating kami sa Mall nang matiwasay at syempre fresh pa rin ako. Si shan, mukha siyang sperm! May shades pa sa ulo. Kala niya ikinaganda niya 'yon? Akala niya ya lang pala.

"Anu ba yan, Tyl! kailan ka ba aalis na hindi dala ang salamin mo?!"

"Hoy, bakit mo ba pinapakialaman ang salamin ko? Inaano ka ba nito?!" sigaw ko pabalik.

"Ang panget mo! Wala ka bang tiwala sa mukha mo?!"

Nagsisigawan na kami rito sa labas ng Mall at pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga tao. Bakit ba kasi ang ingay nitong babaeng 'to?

"May tiwala ako sa mukha ko, shuta ka! Sa'yo ako walang tiwala kaya dinalhan kita salamin!"

"'Wag mong ilagay 'yan sa bag ko ha! Let's see kung papasukin ka ng Guard! You stealer bitch!" Nauna na siyang maglakad at pumasok sa mall. Gaga, hindi man lang ako hinintay! Walang kwentang kaibigan!

I walked straight and proud. Hawak ang salamin sa kamay. When I'm about to enter the Mall, pinigilan ako ng Guard.

"Good afternoon, Ma'am. Pasensya na po pero pwede po bang ilagay ang salamin sa bag mo? Baka po kasi mapagkamalan kang magnanakaw," ani nito sa binaba ang tingin sa aking salamin.

"Kuya, may nakikita ka bang bag ko? Hindi kasya ang mirror ko sa clutch ko, Kuya."

"Ayan ang sinasabi ko sa'yo!" natatawang sabat ni Shan. Nasa loob na siya. Nakakahiya dahil na stranded pala ang ibang mga tao rito sa entrance dahil lang sa salamin ko.

"Kuya-"

"Iwan niyo na lang po rito ang salamin-"

"No way!" angal ko sa husesiyon niya.

"Kuya, papasukin mo na siya sa bag ko na lang ilalagay 'yan. Hindi po kasi mabubuhay ang babaeng 'yan kung walang salamin sa katawan. Siya ang dyosa ng mga salamin, Kuya." paliwanag ni Shan. Natatawa naman ang mga nakarinig sa sinabi niya.

Pumasok na ako at nag shopping lang kami sandali ni Shan at kumain na sa loob ng restaurant. Ang dami niyang pinamili buti na lang hindi siya naniwala sa sinabi ko kundi mamumulubi ako sa kanya.

"Ako na ang magbabayad ng meal natin, Shan," ngumiti ako sa kanya at binalik ang tingin sa menu na nasa harapan ko.

"Talaga?!"

Binaba ko ang menu at hinarap siyang muli. Malapad na ang ngiti na naka-ukit sa mga labi niya.

"Sabihin mo muna, Salamat Shopee!"

"Gagu!"

Malakas akong tumawa sa sagot niya! Potangina, sarap pag tripan ng babaeng 'to! Nagtataka ang mga mata niyang tinitigan ako. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Pinanuod ko lang sa commercial 'yon, e!

"Shan," tawag ko sa kanya.

"What?!" Iritado niyang sagot.

"Did you know that..."

"Ituloy mo. 'Wag kang pa-suspense."

"Did you know that I'm riding this horse backward?"

"Damn, you're hopeless."

"Hee yeah!" dagdag ko pa at malakas na tumawa sa nakitang expression ng mukha niya. Nalukot ang panget niyang mukha. Asim na asim ka na ba sa akin, my friend?

"Ayoko nang makasama ka uli," dinig kong bulong niya. "Architecture na lang kukunin ko sa college. Ayaw ko sa'yo," she added while pouting. 

"Mag A-Architecture ka?" tanong ko kahit narinig ko naman.

"Oo! Mag BSA ka na lang!"

Architect... sounds interesting. Isa to sa mga gusto ko. I want to be an Architect someday.

"Mag a-architecture rin ako. Sa Amstar University..." saad ko sa kanya ng may ngiti sa mga labi. kumindat pa ako na ikina-inis ng niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status